Chapter XXXVI

1.7K 32 0
                                    

Nanatiling nakapako lamang ang aking tingin sa nakatayong si Miria. Halatang medyo mainit ang ulo nito dahil sa nakakunot parin ang noo niya.

"We don't have much time. I need to get you out of here." Seryosong wika niya.

Kumunot din ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Napansin ko namang lalong nairita ang mukha niya nang nanatili lang akong nakatingin sakanya.

"Ba't nga pala hindi mo ako pinagbuksan agad kanina? Tss! And look what I did, wala akong balak manira kanina pero binigyan mo ako ng dahilan kaya nasira ko ang pintuan niyo." Hindi makapaniwala at naiiling na wika niya saakin.

Heto parin naman ako at hindi parin umiimik. Totoo ba talaga itong nakikita ko? Bumaliktad na ba ang mundo? Hindi ako makapaniwalang si Miria ang nasa harap ko. I mean hindi siya iyong mahinhin at kalmadong babae na minsan kasa-kasama ko.

Pero biglang pumasok sa utak ko ang naramdaman kong presensya kanina. Kung ganoon si Miria iyon? Hindi ako makapaniwala. Bakit kapag kasama namin siya ni Cheyenne ay iba?

At isa pa, siya iyong tao sa likod ng pag-atake saamin ni Glaire dati. Bigla ko siyang tinignan ng mariin. Kung ganoon nga ay nagpapanggap lang siya?

"Hindi ako makapaniwala." Umiiling kong sabi. Bigla akong lumapit kay Itay para maprotektahan siya sa kung ano mang mangyari sa oras na may gawing masama si Miria, pero bigla namang tumaas ang isa niyang kilay at may bahid ng pagtatanong sa kanyang mukha.

Akmang lalapitan niya ako kaya naman napasigaw ako at napahinto naman siya.

"Huwag kang lalapit! Anong kailangan mo, huh? May binabalak kang masama hindi ba? Sige subukan mo lang!" Pinigilan ko ang panginginig ng aking boses para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Ngunit bigla nalang siyang natawa. Kumunot ang noo ko sa inakto niya. Nasira na ata ang ulo.

"Wow." Wika niya habang naiiling pa.

"What made you think that I could hurt you, Cielle? Shonga ka ba?" Nang-aasar niyang sabi, pero kahit na ganoon ay hindi muna ako magtitiwala sakanya.

"Tumigil ka! Akala mo ba ay hindi ko alam na ikaw ang taong umatake saamin ni Glaire noon sa pamamagitan ng mga punyal? Ikaw iyon. Sigurado na ako ngayon dahil sa presensya mo." Matapang kong sabi at bahagya pa siyang nabigla sa sinabi ko. Sumeryoso ang mukha niya at nakatitig lang ang malamig na mga mata niya sa akin. Napalunok tuloy ako. Kakaiba talaga siya. Ito ba ang totoong Miria?

Bigla siyang bumuntong hininga saka napapikit.

"Hmm, maybe you're right. Back then, I was trying to kill you." Seryosong sabi niya. Lalo akong kinabahan doon. Hindi ko akalaing sobrang nagtiwala ako sakanya noon. Totoo nga ang panaginip. "But that was before."

"Pero bakit?" Tanong ko.

"Simple. 'Cause your the hindrance to my plans. I wanted to kill you so I can easily fulfill it." Grabe ganun ba talaga siya ka straight forward magsalita? Talagang plano niyang pumatay. At naman dahil sa naramdaman ko ay parang nanlambot ang aking tuhod. Pinagkatiwalaan ko siya bilang isang kaibigan.

"Huwag mo nang isipin pa iyon. As I said, that was before. At ang mahalaga na lang ngayon ay ang kapakanan at kaligtasan ninyo. " She said with a smile. Iyong ngiti niya ay parang may halong guilt. Ewan ko pero nararamdaman ko naman na parang totoo ang mga sinasabi niya.

Nakita ko namang napatingin siya kay Itay at parang lumungkot saglit ang mga mata niya.

"We need to go. Mga ilang minuto ay tiyak na nariyan na sila mamaya."

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now