Chapter XXXV

1.6K 32 2
                                    

"Konti na lang ang natitirang oras." Seryosong wika ni Itay habang nakatapat saakin ang mga mata niya. Hindi ko mawari pero parang nag-iba si Itay ngayon. Ito ang unang beses na marinig siyang ganyan kaseryoso.

Nalilito man ako sa kanyang sinabi ay nagtungo nalang muna ako sa aking kwarto para makapagbihis na rin. Medyo na-curious ako sa gustong sabihin ni Itay kaya nagmadali na ako.

Pagkapasok ko naman ng aking kwarto ay ewan ko kung bakit. Hindi parin kasi ako mapakali. Parang may kutob ako ngayon. Iyong parang may nakamasid. Parang ganoon parin ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa bintana ng kwarto at nakitang bukas ito. Lalo akong kinabahan. Mabilis kong nilapitan ang bintana saka ko ito isinara.

Andoon nanaman yung imahe ni Glaire. Umiling-iling ako sa naisip, saka ko mahinang tinapik-tapik ang mukha ko. Siya nanaman. Bumuntong hininga nalang ako at isinantabi na lang ang lahat ng mga naiisip at nagbihis na lang.

Tulad nga ng sinabi ni Itay ay agad din akong bumalik sa kwarto niya. Mukhang narinig niya ang pag-pasok ko kaya umayos siya. Napansin ko ang pagpunas niya sa pisngi niya. Kumunot ang noo ko. Umiiyak ba si Itay? Try mo kayang tanungin, ano?

"Tay, may problema po ba?" Tanong ko habang nag-aalangang lumapit sakanya.

"Umiiyak po ba kayo? Ano pong problema? May masakit po ba sainyo?"

Nakita ko ang pag-silay ng ngiti sa kanyang labi at umabot ito sa mata niya. Lalong nagpakita ang kulubot niyang balat sa gilid ng mga ito dala narin ng kanyang katandaan. Nag-aalala ako sa ikinikilos ni Itay. Lalo akong kinakabahan. Agad namang sumeryoso ang kanyang mukha at tinapik ang tabi niya.

"Maupo ka rito sa tabi ko, Cielle." Utos niya at sinunod ko ito. Tinignan ko ang mamula-mulang mga mata niya dahil na rin siguro sa pag-iyak niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang bigat sa pakiramdam. Para bang importante talaga ito kaya naman ako na ang nagsimulang mag-salita.

"Tay, ano po pala iyong sasabihin niyo saakin?"

Lumingon siya saakin pero nanatiling nakatapat ang mga mata niya sa sahig.

"Nararamdaman mo ba iyon? Malapit na sila." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya, pero sinubukan kong pakiramdaman at parang may nagbago. Kung kanina ay naramdaman ko iyong dating presensya na nakatitig saakin, ngayon naman ay nagbago ito. Hindi na siya iyong dati. Parang, parang marami sila. Napalunok ako sa naramdaman. Teka, paano ko nagawa iyon?

Tinignan ko si Itay at parang ngumiti siya ng kaonti.

"Nararamdaman mo diba? Hindi ko akalaing mamamana mo sakanya."

Nagtataka man ako ay hindi ko maiwasang magsalita muli.

"Ano pong ibig ninyong sabihin? Anong namana ko?" Naguguluhan talaga ako sa sinasabi ni Itay e.

"Makinig kang mabuti saakin, anak?" Hindi ko alam kung bakit pero ang lungkot. 

Sigurado rin ako ngayong kinakabahan na ako dahil sa pagpapawis ko. Hindi ako mapakali. Parang anytime nararamdaman kong may susugod dito sa bahay. Huwag naman!

Nabawi ang atensyon ko nang magsalita si Itay.

"Cielle, makinig ka sa bawat mga salitang bibitawan ko. Alam kong kahit konti ay may maitutulong ang mga ito sa pag-alis mo."

Bahagyang nabigla ako at sadyang nanigas sa kinauupuan ko sa pagkakarinig sa sinabi ni Itay.

"Sandali lang, Tay. Anong aalis? Bakit? Anong dahilan--

Muling nagsalita si Itay kaya naputol ako sa aking sasabihin.

"Wala nang natitira pang oras, Cielle kaya makinig ka. Alam kong sa ngayon ay mahihirapan ka pang tanggapin ang lahat, pero nasisiguro kong paunti-unti ay matatanggap mo rin. Ang mahalaga ay hindi ka nila maabutan dito."

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon