Chapter XXXIX

2K 35 0
                                    

Cielle's POV

"Tay, nasaan po ba si Nanay? Bakit po iniwan niya na tayo?"

Natanong ko noon kay Itay, siguro mga six years old palang ata ako noon.

Napangiti naman siya at saka hinaplos ang ulo ko. Pakiramdam ko pa noon ay sobrang gaan sa tuwing hinahaplos ni Itay ang ulo ko.

"Anak kinuha na kasi siya ni Papa Jesus. Nasa lugar na siya ngayon kung saan payapa at tahimik. Hindi na ulit siya mahihirapan doon."

Taka akong napatingin sakanya. Iniisip ko pa kung bakit sumama si Inay noon kay Papa Jesus.

"Eh Tay, bakit siya sumama? "

Bahagyang natawa pa si Itay at kinurot ang dalawang pisngi ko.

"Aray ko po. Mashakit."

"Ikaw talagang bata ka. Kasi oras na ni Nanay mo. Tapos niya na siguro yung misyon niya sa mundong ito. At alam kong masaya na siya roon. Masaya na rin siya dahil dumating ka naman sa mundong ito."

Syempre sa isang batang hindi pa nakakaintindi noon na tulad ko ay napangiwi nalang ako sabay napakamot sa ulo.

"Hindi po kita maintindihan, Tay. Ang gulo niyo po."

Natawa ulit si Itay at ginulo ang buhok ko. Lalo akong nagtaka.

"Ang kulit mo talagang bata ka. Hala oh siya maiintindihan mo rin sa tamang panahon ang mga pinagsasabi ko. Matulog ka na at babantayan kita."

Pinahiga niya na ako sa may banig saka niya ako kinumutan. Hinaplos niya muli ang buhok ko at dahil dun kaya nakaramdam na ako ng antok dahil bumibigat na rin yung mga talukap ng mga mata ko. Nakatingin lang ako sa payapa at maamong mukha ni Itay hanggang sa unti-unting lumalabo na at nagsasara na ang piningin ko.

Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko at ang boses niyang nagsabing

"Mahal na Mahal kita, anak ko..."

....

Habang inaalala ko iyong mga panahon na nakasama ko si Itay ay hindi ko tuloy mapigilang maluha. Ang totoo ay kanina pa ako umiiyak, wala akong pake kung maubos man lahat ng fluids ko sa katawan, hindi ko kasi talaga mapigilan.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kumot. Matapos ko kasing basahin kahapon iyong sulat ni Itay saakin ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Parang naghalo-halo ang lahat. Tapos buong magdamag naman ay wala akong gana sa lahat. Ni hindi nga ako lumabas man lang dito sa kwarto.

Nakailang katok din si Miria sa pinto, pero sa gusto ko talagang magisip-isip at mapag-isa muna.

Sobrang lakas ng naging impact saakin lahat ng mga nalaman ko. Parang para sakin ay agad ibinato sa mismong mukha ko iyong katotohanan.

"Nabibilang ka sa isang pamilyang iginagalang at nirerespeto namin ng Nanay Grace mo. Isang pamilyang napakabuti simula palang....

Alam kong hindi madali para sayo ang lahat. Pero sana tanggapin mo sila ng buo. Sila ang tunay mong pamilya..."

Napakagat ako sa aking labi nang maalala ko yung nabasa ko. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Tama ka nga Itay, hindi pala talaga madali ang lahat ng to'. Nagsi-sink in palang ang lahat.

Sa ngayon, gusto ko munang alalahanin yung buhay na kinagisnan ko kasama iyong mga taong nagbigay ng mga magagandang alaala sakin.

Unti-unti na rin ay naramdaman ko na lang ang pagka-antok dahil na rin siguro sa pag-iyak ko.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon