Chapter IV

3K 63 0
                                    

Cielle's POV

Hindi ko alam kung saan na ako napupunta ngayon basta gusto ko lang makalabas sa lugar na yun.

Nang biglang may nabangga nanaman akong pader?

Puro ganito na lang ba ha?!

Pero nagulat ako ng magsalita yung pader?! kaya kinuskos ko yung mata ko para makita kung pader nga ba iyon?

Lalo akong nagulat ng makita kung sino yun!

Hay ganito na lang ba lagi ang mga eksena dito?! banggaan at dapaan?! at isa pa to puro na lang daydreaming?! ASA!

"Seriously, you're daydreaming again?" seryosong sabi niya. Siya nanaman.

Si Mr. Daydreaming. Hindi ko pa kasi alam ang name niya." I told you stop imagining things. And look what just happened to you. So clumsy." Walang emosyong sabi niya. Yung totoo, concern ba siya o nang aasar lang?

"Tsk! Tumigil ka na nga, okay?" sabi ko. "Huwag mo na lang akong pansinin." Sabay napapunas tuloy ako sa mga mata kong lumuluha.

"Tch." Singhal nito. "You're the one who always bumps at me due to your clumsiness. I'm just resting here peacefully." Seryosong sabi niya sabay tumingala ako para tignan siya at kasalukuyan itong nakatingin sa malayo.

"S-Sorry. Pasensya na kung hindi nanaman ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sambit ko at napayuko na lang ako. Nakakahiya na talaga ako. Nagsimula nanaman mamuo ng mga luha sa mata ko kaya suminghot ako.

"So are you gonna cry now, airhead? Stop wasting those fluids inside your body. They're more important than those pathetic losers." Walang gana ulit nitong sabi na ikinalaki ng mga mata ko dahilan para tumingala ako at tignan siya. Nakatingin na siya ngayon likuran ko at nakita sa di medyo kalayuan ang cafeteria na pinanggalingan ko kanina lang.

Kitang kita parin dito ang laman ng loob nito dahil sa glass wall na nakapalibot lamang doon.

Hindi kaya nakita niya yung nangyari sakin? My gas! Seryoso? Nanlalaki ang mga mata ko habang pabalik-balik ang tingin ko sakanya at sa cafeteria.

Pero nagulat ako ng ngumiti siya bigla. Oh it's a miracle, no it's coat saver! ehem ehem... WALEY! Pero OMG! Milagro nga dahil mala-anghel ang mukha niya. Infairness, ang gwapo ng ngiti niya a.

"Hoy, bakit ka nakangiti? Ang w-weird mo, huh." Sabi ko na pinipigilang ipakita ang pagkamangha ko sa nasilayan.

"Cause I'm expecting you to do the same thing. " Sagot niya pero bumalik na siya kaagad sa pagiging poker-face.
Huh, anong ibig niyang sabihin dun?

"Smile already, stupid. You deserve to smile eventhough you're not that beautiful." Kung kanina seryoso pa siya, ngayon may bahid na ng pagkairita yung mukha niya. Nagulat pa ako ng may tumamang malambot na bagay sa mukha ko, saka ko kinuha iyon. Isang panyo. Taka ko lang itong tinignan sa kamay ko bago ko ibalik ang tingin ko sakanya.

"I'll melt if you just stare at me like that. Clean that face. It's a mess and really gross." Naramdaman ko ang pagtulo ng sipon ko sa ilong ko. May bahid tuloy ng pagkadisgusto ang naging tingin niya. Ni-head to toe pa ako. Wow! Kapal.

"Your not just a daydreamer, but also a crybaby."

Inirapan ko ito saka agad pinunasan ang ilong ko. Shocks! Ang bango ng panyo niya. Erase! Erase! Badtrip!

Matapos kong punasanan ang buong mukha ko. Ngumiwi ako sakanya.

"Sino bang nagsabing umiyak ako? Napuwing lang naman ako, no!" Iritang sabat ko sakanya. Ang feeling kasi e. Makapanlait naman kala mo close na kami.

"Tch. Eyes never lie." Cold na sabi niya.

Hay naku! Hindi ko na kasalanan kung kapansin pansin talaga itong mga mata ko, ano.

Pagkatapos noon wala nang umimik saamin. Pero may naalala ako hindi ko pa pala alam name niya. Nilingon ko siya. Nakatingin naman siya sa malayo. Ang gwapo niya. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti. Sakto lang ang pangangatawan niya. Hindi siya payatot. Yung normal lang. At ang puti niya, grabe.

"Matutunaw na talaga ako niyan," Cold na sabi niya. Saka siya tumingin saakin. Kapal talaga, bongga! Tapos biglang nagsink-in yung sinabi niya ulit sa utak ko. Kumunot kaagad ang noo ko.

"Marunong kang magtagalog?!" Gulat na sigaw ko.

"Tss." Sabi niya.

Oo nga ano? Nagtatagalog ako kanina pa e naiintindihan naman niya. So slow, Cielle, so slow. Tsk. Tsk. Tsk.

"Don't you think that it's good for you to go home and change that filty clothes? It's disgusting." Sabay binato ko iyong panyo niya sakanya. Badtrip talaga!

Oo nga pala ang dumi dumi ko na. Eww! And wait parang may nalimutan ako. Ano nga ba iyon?

.....

.....

.....

"You forgot your friend." Cold na sabi niya ulit.

"Hallah! Si Che!" Naalala ko. Oo nga pala nalimutan ko iyong madaldal na iyon. Teka paano niya nalaman? Pero nang akmang babalikan ko na sana si Che sa loob ay may humawak sa braso ko.

"Just stay here, I'll tell her." Prisinta niya.

"Teka kilala mo ba siya?"tanong ko.

"Yes." Diretsong sagot niya.

"P-Per---

"No buts. Just shut up."

Wala na akong nagawa kahit gustung-gusto ko na siyang sapakin sa mga pinagsasabi niya sakin. Iniwan niya na ako saka pumunta ng canteen.

After 5 minutes...

"CIELLE!" Nakakabinging tawag saakin ni Che. Ngumiwi naman ako pagkakita na sakanya. Kahit kailan napaka-ingay.

"Cielle, bakit mo ako iniwan doon? And wait, bakit ganyan yang itsura mo?!" Takang tanong niya. Teka hindi ba siya aware sa nangyari kanina? Iyong nangyaring stunt ko? Yung pasigaw-sigaw ko at iyong walk-out epek?

"Hindi mo alam?" Nakataas ang isang kilay kong tanong sakanya. Umiling naman siya.

"Ang alin? Chicken nuggets, 'di ko na ga-gets. Ay wait sino pala iyong Prince Charming na gumising saaking pagkakatulog, ha?" Nang-aasar na sabi niya. Ah so ganun, nakatulog siya kanina?Walang hiya 'to!

"Badtrip 'to! Ewan ko rin. Basta kaklase ko siya." Walang ganang sabi ko.

"E asaan na nga pala iyon?" Tanong ko.

"Sabi niya mauuna na raw siya. Ayaw ka na raw niyang makita." Natatawang sabi niya. Wow talaga. Amazing ang isang iyon. As if naman gusto ko pa siyang makita ulit. Pwe!

"Tara na den! Idadala kita sa bahay. Doon ka na magpalit. Tutal malapit lang." Sabi niya. Nag-isip muna ako pero pumayag din ako.

At yun sinundo kami ng driver niya. Nung makarating kami dun agad niya akong pinapunta ng banyo para maligo, baho ko na raw. Noong matapos, nagpalit na ako buti na lang wala pang uniform, colored muna kami.

Malaki talaga tong mansyon nila pero sanay na ako dito. Pumupunta kasi ako dito minsan para magdeliver ng mga tinda ko. Maypagka-baboy din kasi itong babaeng 'to, pati yung pinsan niyang si Charry.

Pinakain niya na rin ako pero wala kong gana. Siya lang naman umubos ng mga ulam na nakahain.

'Di nagtagal nasa school na rin kami. At pumunta na sa kanya kanyang klase. Tulad ng inaasahan pinagtitinginan ako. Tss! Ano ngayon? Balasilajan!

Hanggang natapos rin ang araw at badtrip talaga ang first day. Hahahay!

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now