Chapter XXXIII

1.7K 39 0
                                    

Miria's POV

Nakatitig lang ako sa likuran ni L habang unti-unti siyang lumalayo.

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Alam kong malaki ang galit mo kay Lhian, pero patawarin mo ako dahil hindi ko kayang kamuhian ang taong iyon. Kung alam mo lang talaga ang katotohanan, L.

Mabilis akong nawala sa dilim. Mabilis akong naka-akyat sa tutok ng building. Tss! Why I am even here? E wala naman nang sense ngayon ang misyong iniatas saakin ni Lory? Hindi ko na kailangang sundin ang isang iyon.

Sa ngayon kailangan kong matulungan si Lhian. Iyon na ang plano ko ngayon.

I'm so stupid! Dapat matagal ko nang kinompronta iyong Lhian na yun e. Kainis! Mas inuuna kasi niya ang galit niya. Kada makita ba naman kasi ako ay agad niya akong aatakihin. Well, hindi ko siya masisisi dahil muntik ko nang madamay noon si Cielle.

If I know nakakasagabal lang siguro ako sa date nila noon. Tss!

Napangiti na lang ako nang maalala ko si Cielle at iyong si Cheyenne. Ewan ko pero biglang namiss ko sila.

"That's the second time I caught you smiling. Until now I didn't know that it's even possible." Wika ng isang malamig na boses kaya mabilis akong lumingon dito. Kumunot ang noo ko pagkatingin ko sakanya.

"What do you need again, Alexander?" Malamig din na tanong ko sakanya.

I didn't even felt his presence.

Nakita kong ngumisi siya saka tumingin sa malayo.

"Sana palagi ka na lang nakangiti." Bumulong siya, pero hindi ko narinig kaya pinaulit ko.

"Anong sabi mo?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"It's none of your business. Anyway, I'm just here to warn you. Don't do anything stupid. They're on the move." Pagkasabi niya noon ay inilagay niya ang isang kamay niya sa kanyang bulsa at tinalikuran niya na rin ako.

Tinitigan ko lang siya habang unti-unti siyang lumalayo.

Kahit papaano grateful parin ako sa kaibigan kong ito dahil nagawa pa niya akong balaan ngayong nandito ako sa lugar na delikado. Maaari siyang matunugan ng mga ibang tauhan ni Lory sa ginagawa niya.

Tuluyan na siyang nakatalon sa kabilang gusali.

Sumeryoso naman na ako at muling tumingin sa paligid ko. Kailangan ko nang mag-focus sa plano. Kailangan ko munang iwaksi ang lahat at gamitin ang mga natutunan ko bilang assassin. Minsan natatakpan na ng kung anong nararamdaman ko ang buong pagkatao ko kaya naman kailangan ko muna itong itago. Parang unti-unti ay may nagbabago.

Tss!

"Kainis! Kasalanan mo to Graecielle! Lalo ka na Cheyenne! Mukha akong tanga rito kausap ang sarili---

"Ouch! What the---" Napasigaw ako sa sakit nang makagat ko ang dila ko. Ugh! Ngayon lang ito nangyari saakin. I just bit my tongue!

"May naka-alala ba sakin? Imposible."

Napa-isip tuloy ako. Bakit parang may nagbago na sayo Gaia?

Last time I saw my self,  I was still as cold as ice, but as of now it is diffirent.

Napatayo ako ng tuwid at dumampi ang malamig na hangin saaking mukha dahilan din para sumabay sa pagsayaw ang aking buhok.

Napangiti na lang ako. Pakiramdam ko para akong ibon na nakalaya sa pagkakakulong.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now