Chapter XXXI

1.7K 39 0
                                    

Third Person's POV

Matapos ng mga pangyayaring naganap sa pagitan ni Lhian at ng isa sa mga taong trumaydor sakanya ay naguguluhan parin ang binata sa mga sinabi kanina ng lalaking kanyang pinaslang.

Bumibilis ang paghinga niya at tila ba'y hindi makapaniwala sa nalaman kanina lamang

Tinignan niya ang litrato ni Cielle sa mesa at nakaramdam ito ng kaba. Napailing nalang ito.

Bukod din sa litrato ni Cielle ay may isang itim rin na kwaderno sa tabi nito saka binuklat iyon at tinignan ang nakasulat sa pinaka-huling pahina nito.

"Sh*t!"

Napapikit at napamura siya nang makita ang pangalan ni Cielle. Muli niyang tinignan ito at nakita ang sumunod sa pangalan ng dalaga.

"No. 00092825 Graecielle Jane T. Crisanto, No. 00092826 Pedro V. Crisanto, No. 00092827 Yria Tempest."

"What the hell!? Paano sila nasali sa Black Book ng Mafia? At bakit nandirito rin si Yria? What the hell's happening?"

"Kailan ka pa naging pakealamero, Lhian?"

Napakunot ang noo ni Lhian dahil biglang may nagsalita. Alam na niya kaagad kung sino ito kaya lumingon siya at isang malamig na tingin ang ipinukol niya para rito. Parehong maigting na nagtitigan ang dalawa.

"Matagal na rin simula noong huli tayong nagkita." Wika ng binatang dumating.

Nakatitig lamang ang asul na mga mata nito kay Lhian. Agad namang nag-igting ang bagang ni Lhian.

"What are you doing here, Lorenzo?" Matigas at puno ng awtoridad na wika ni Lhian. Muli niyang naalala ang tangkang pagpaslang nito sakanya.

"I think you should surrender now. Napapalibutan ka na." Tugon ni Lorenzo na hindi sinasagot ang tanong sakanya.

Hindi naman kumilos si Lhian at sa halip ay nanatili lang ito sa kanyang kinatatayuan. Napansin niyang parang may pinagbago ang kapatid niya.

Naramdaman din niya kaagad ang presensya ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit na nagsilabasan mula sa bawat sulok ng kwarto. May mga hawak ding mga baril ang mga ito. Alam niyang kanina pa siya sinusubaybayan ng mga ito, pero nagtaka siya kung bakit walang nangyayaring pagsugod mula pa kanina.

Kung sabagay ay dapat kanina pa siya dapat tinadtad ng bala ng mga tauhan ni Lory noong mga sandaling pinahihirapan niya ang taong iyon. Makahulugan siyang tumingin kay Lory.

"Why didn't you kill me a while ago? I know you've seen everything."

Ngumisi lamang si Lorenzo sa sinabi nito. Hindi naman mawari ni Lhian kung anong pina-plano nanaman nito.

"Kailangan pa kita." Tipid na sagot ni Lorenzo na ipinagtaka lalo ni Lhian.

Ngunit bahagyang natawa pa si Lhian. Sa tingin niya kasi ay nagpapatawa lamang ang hibang niyang kapatid.

"Ikaw? Kakailanganin ako? The heck are you talking about? Anong klaseng biro ito, Lorenzo? Ni-untog ka ba ng nanay mo sa pader kaya ka nagkaganyan?" Hindi talaga napigilan ni Lhian matawa, habang si Lorenzo ay nanatiling seryoso lang.

"So you mean, you need me more than you need your father." Umiiling-iling parin si Lhian nang biglang may mabilis na matalim na bagay ang tatama sana sakanya, pero agad niya itong nasalo gamit ang kamay niya. Ibinaba niya agad ito saka matalim na tinignan si Lorenzo. Bakas na ngayon ang galit sa mukha nito.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon