Chapter I

5.4K 85 0
                                    

"CIELLE!" Malakas na sigaw ng tumawag saakin habang naglalakad ako sa may hallway. Inis naman na nilingon ko kung sino yung walang hiyang tumawag saakin umagang umaga at first day of classes pa.

Nang makita ko kung sino yun ay ang kaibigan ko lang pala na si Cheyenne na patakbong papalapit saakin habang napakalawak pa ng ngiti.

"Ano bang kailangan mo, ah? Umagang umaga." Inis na sabi ko.

"Grabe! Ni hindi mo man lang ba ako namiss, huh?!" Nakangusong sabi niya.

"Tangeks! Eh nagkita lang tayo kahapon sa may pwesto e. Pinapak mo pa nga yung tinda kong balut!" Sabi ko "Tapos tatanungin mo kung namiss kita? Naku kung alam mo lang sawang sawa na ako sa pagmumukha mong yan, Che." Nang-iinis na sabi ko. 

"Ouch naman, Cielle. Ouch!" Sabi niya habang umaakto siyang parang nasaktan.

"Tss. Baliw!" Saka ko siya iniwan at nagsimula na akong maglakad ulit para hanapin kung nasaan yung room ng first subject ko.

"Wait Cielle!" Sigaw ulit ni Cheyenne. Kahit kailan napaka-ingay."Hehehe...Huy grabe naman 'to. Hey, may sasabihin ako sayo friend." Nakangiting sabi niya. Hindi ko naman siya nilingon dahil abala ako sa paghahanap ng room ko pero pinapakinggan ko pa rin siya at the same time. Mahirap na baka magtampo nanaman 'to.

"Dito nag-aaral yung mga crush ko teh! Ahihihi!!" Kinikilig na sabi niya. Fan girl talaga 'tong taong 'to kahit kailan. Pero from the first place hindi ko kilala ang mga iyon.

"OMG! Magkasing course pa nga kami nung isa e! Kaya nga lang 3rd Year na siya ngayon. Sana makilala ko siya." Kinikilig pa ring sabi niya.

"Teka ba't ka pa ba andito e diba ang unang subject mo ay doon sa Business Administration Department? At ano bang oras yung sayo?" Seryosong tanong ko. 6:15 pa lang naman at 7:00 pa ang klase ko, kakaunti pa lang ang estudyante. Sinadya ko lang magpa aga talaga para mahanap ko yung room ko. At maaga din pa lang pumasok ito kaya tinanong ko na kung anong oras klase niya. Magkaiba din kami ng kurso.

"7:00  ang first subject ko. Actually pareho tayo ng schedule, and it means magkikita tayo pag vacant natin. Yehey!" Masayang sabi niya. Isip bata talaga ito. Hay, ewan ko nga dito kung bakit buntot ng buntot saakin tong babaeng 'to e. Isa pa mahirap ako at mayaman naman siya pero tinuring niya pa rin akong kaibigan. Siya lang ang tumanggap saakin.

"At paano naman tayo naging magkapareho ng schedule?" Naguguluhang tanong ko. Napangiti naman siya ng maluwag. Ah ngayon alam ko na.

"Tss." Nasabi ko na lang. Kaya pala noong isang araw pa ay biglang nawala iyong papel kung saan nakalagay yung class schedule ko. Kung ganoon sya ang salarin. Pero buti na lang talaga may isa pa kong kopya.

"Huy, sorry ah kung ninakaw ko iyong kopya mo. Gusto ko lang talaga kasing kasama ka, Cielle." Nakanguso na naman niyang sabi. Hay! Ano pa nga ba. Hindi na  rin ako magtataka kung paano din niya naipapalit ang mga schedule niya. Natural, dahil mayaman siya at auntie niya lng naman ang Dean ng Business Administration Department iyon ang sabi niya noon saakin.

Nginitian ko na lang siya at bakas na ngayon sa mukha niya na masaya na siya doon.

"Basta ba huwag mo nang uulitin yung ginawa mo. Pwede ka namang mag paalam sakin e." Sabi ko at ginulo ko naman ang buhok niya.

"Hihi, promise Cielle. I won't do it again." Sabi niya na nakataas pa ang kanang kamay niya na tila nangangako.

'Di nagtagal at nagpaalam na rin siya saakin. Sinabi niya ring magkita kami mamayang vacant.

Habang ako naman hinahanap ko pa rin iyong buset na kwartong yun ay hayaan niyong magpakilala muna ako sainyo tutal mahaba pa ang oras.

Hey! Ako nga pala si Graecielle Jane Crisanto. Tawagin niyo na lang akong Cielle dahil yun ang nakasanayan kong tawag saakin.

I'm 17 years old taking up BS in Nursing dahil gusto kong tulungan ang tatay kong may sakit. At yun talaga ang isinisigaw ng puso ko. Gusto ko ring tumulong sa iba pang may sakit.

Dito naman ako mag-aaral sa Grand University, isang prestihiyosong eskwelahan ng matatalino at mayayaman. Ehem....pero di ako mayaman gaya ng sabi ko kanina mahirap lamang ako.

Nakapasa kasi ako sa Scholarship Exam na bihira lang nangyayari. Dito kasi sa eskwelahang ito nagaganap ang isang pangyayari once every 3 years lamang, iyon ay ang pumili ng mga estudyanteng galing sa mahihirap na pamilya upang makapag-aral dito sa pamamagitan ng isang mahirap na pagsusulit dahil dito nasusukat ang talino ng mga estudyante at kung talagang karapat dapat sila. Kung maipasa mo man ang scholarship exam nila ay maswerte ka dahil libre talaga ang pag-aaral mo basta maintain your high grades.

Napakasaya ko noong malaman kong naipasa ko ang exam. Nangako kasi ako kay itay na gagalingan ko.

Iyon namang kasama ko kanina, siya ay si Cheyenne Buenaventura ang nag-iisang taong itinuring akong kaibigan. Malaki ang pagkakaiba namin ni Che. Iyon ay dahil galing siya sa mayamang pamilya. Pero tinanggap niya ako bilang ako. Kahit na minsan cold at naiinis ako sakanya dahil sa makulit siya okay lang dahil mahalaga siya saakin.

Simula nung iniligtas ko siya sa mga bullies ay sumasama na siya saakin. Dito rin siya nag-aral ng high school dati kaso may mga pesteng bullies kaya nagpa-transfer siya sa public school kung saan ako nag-aral noon. At hanggang ngayong college ay sinusundan parin niya ako. Mayaman naman siya kaya hindi na siya nagtest para sa scholarship kahit na matalino siya. Oh diba, hindi lang siya malandi.

Sa America na dapat siya mag aaral ng college pero dahil sa spoiled siyang anak lalo na sa mamita niya ay pumayag silang dito muna siya. Basta kasama raw ako pero may one condition, kailangang BSBA ang course niya dahil someday siya ang magtatake-over ng kumpanya nila. Siya rin kasi ang nag-iisang anak. Nakilala ko na rin noon ang mga magulang niya. Mabubuti silang tao. Minsan na rin nila kaming tinulungan dati at---"ARAY!" napasigaw ako ng malakas dahil bumangga ako sa pader? Kaya naman nabitawan ko ang hawak kong binder.

"Tss..." Narinig ko kaya naman tinignan ko iyong nasa harapan ko kung pader nga ba. At laking gulat ko dahil tao pala yun at isa siyang lalaki.

"Next time don't daydream when your walking." Cold na sabi niya. Tinignan niya lang ako ng walang gana at sandali lang ay saka na niya ako tinalikuran at naglakad papalayo.

Naiwan akong nakanganga...

To be continued...

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now