Chapter XVII

2K 44 1
                                    

Lance's POV

"Yes po Uncle, she's alright. I know that she's a very brave woman just like Aunt." Wika ko kay Uncle Vernon sa kabilang linya ng telepono.

"Yes, I know. Please protect her no matter what. She's very important to our family especially to me and your Aunt." He said in a calm voice. Then, a smile formed on my lips.

"Of course, Uncle. I will protect her no matter what, even if I sacrifice my own life." I said.

"Thank you very much, Lanceline. I don't know what to do if you're not here. Ikaw na rin ang bahala muna kay Yria. Alam kong may katigasan ang ulo niya, pero may kabutihan parin sa kanya."

"Oo naman, Uncle. Nararamdaman ko yun. Alam kong nagkaka-ideya na rin siya kung sino at nasaan ang kapatid niyang tagapagmana. Paano kung malaman niya rin ang katotohanan sa pagkawala niya?" Hindi ko maiwasang mag-alala sa tono ko. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Sa ngayon hayaan mo na muna siya. Marami akong pagkukulang sakanya, kaya siguradong lalong kamumuhian niya pa ako pag nalaman niya." Malungkot na sabi nito.

"Alam ko naman pong ginawa niyo lang yun dahil para din naman sa kaligtasan nila ito. I know he will understand soon."

"Sana nga, Celine. Sana nga." Wika niya. Napangiti ako sa paggamit niya sa palayaw kong siya lang ang tumatawag.

"Celine, thank you for your time again. But can I have a one more request to you?" He asked. Napangiti naman ako.

"Anything Uncle. What is it?"

"About your cousin, Lia. Today is their PTA meeting in the high school department. Could you please attend that for me? I can't go there today and you know the reason why." He said. I just smiled.

"Sure, Uncle. I'm very grateful to be the one who's attending for her."

"Thank you again, Celine. I better get going now. Goodbye..." And with that, he hanged up.

Matapos ng aming usapan ibinaba ko na rin ang hawak kong telepono. Saka ako tumingin sa bintana at nakikita ko ang malawak na nakatirikan nitong University.

"I will protect them no matter what. Malaki ang utang na loob ko sa pamilyang ito dahil sa pagkupkop nila saakin. Itinuring ko na kayong totoong pamilya ko. Tutuparin ko ang pangako ko. I'll protect the Heiress from anyone including that clan." Saka ko kinuha ang frame na may litrato ni Aunt Ysabelle at Uncle Vernon kasama ang mga itinuring kong mga magulang.

Then, flashes of images popped out inside my mind.

....

....

....

Back then, I was only 13 years old, when that family massacred my whole clan.

I saw blood all over the ground. Lifeless bodies were scattered and that includes my father and my mother, the leaders of our clan.

Akala ko kahit kailan hindi mawawasak at matatalo ang aming angkan. Ngunit sa isang iglap naglaho lahat-lahat.

Nabalot ng lagim ang araw na iyon. Nagkalat ang apoy noon. Kitang kita kong nilalamon ng apoy ang buong lugar. Gusto nilang walang matirang buhay.

Nang mga oras na iyon naalala ko ang aking nakababatang kapatid. Inilinga ko ang mga mata ko, tumakbo ako para mahanap siya dahil naririnig ko ang malakas na pag-iyak niya. At hanggang sa matagpuan ko siya.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now