Chapter XIII

2.3K 53 0
                                    


"Ugh! B-Bitawan mo ako" Pagpupumiglas ko dahil sinasakal ako.

Oo! Sinasakal ako. Sinasakal ako ng walang iba kundi ang kapatid ni Lucifer! Si Lucia!

Galit na galit ang mukha niya. Nakakatakot siya. Unti unting bumabaon ang kanyang mga kuko sa leeg ko.

"Ahhk!L-Lucia!Ta-ma na--" Nakikiliti ako. Gusto ko sanang sabihin kaso iba e. Hindi na ako makahinga sa ginagawa niya.

Pero bahagya akong nagulat ng makita kong may nakatayo mula sa likuran ni Lucia at mariing pinagmamasdan lamang kami. At siya ay kaibigan ko. Si Miria!

Pero ibang- iba siya sa Miria na nakilala ko.

Wala siyang salamin na suot at ang kulot niyang buhok ay unat na ngayon. Kung dati ay kayumanggi siya ay dito ay napakaputi niya. Nakasuot siya ng black suit. Pero mahahalata mong siya si Miria dahil napakaamo ng kanyang mukha.

"M-Miria, tulungan mo ako." Hirap na sabi ko. Pero nagulat ako ng bigla siyang ngumisi.

"Sige pa Graecielle, ituloy mo pa ang paghingi ng tulong. Magmakaawa ka pa. Ang sarap pakinggan." Nakangising sabi niya at talagang nakakatakot ang boses niya.

Bakit, Miria? Ba't mo to ginagawa? Ano bang nangyayari sakanya?

Lalo akong nagulat nang magbago ang buon paligid at kasunod noon ay ang paglaho nila Miria at Lucia.

Tumambad sa harap ko ang duguan at nakahandusay sa sahig na si Cheyenne. Sa kabila naman ay si Glaire na naliligo na rin sa sarili niyang dugo. Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari!

"Masyado na kayong nakakasagabal sa mga plano ko, Graecielle." Seryosong wika ni Miria habang nakatitig siya saakin. Nabigla ako a pagsulpot niya sa mismong harap ko.

Itinuring ko siyang kaibigan. Pero bakit?

Tila'y may nakabara sa lalamunan ko dahil ni hindi man lang ako makapagsalita. Ramdam ko ang matinding panginginig ng aking buong katawan. Lalo akong kinilabutan nang humalakhak ito.

"Ito ang bagay sayo Graecielle! Ang MAMATAY!" Galit na sigaw naman ni Lucia nang bigla siyang sumulpot ulit sa may mismong tabi ko at abutin ang leeg ko. Unti-unti na akong nanghihina.

Sa lahat ng mga nangyayari ngayon ay tanging bigat lang ng loob ang naramdaman ko dahil sa nagawa ni Miria saamin.

Hanggang sa nahulog ako sa malalim na bahagi ng pool. Unti-unting lumubog ang buo kong katawan at naglalaho na sa aking paningin ang mga taong gumawa nito.

Kaagad namutawi ang kadiliman.

......

......

.....

.....

Nabigla ako nang biglang nagliwanag ang lahat. Ngayon ko lang napansin na nakatayo na ako. Wala na ako sa tubig at wala na rin akong maramdamang sakit.

Inilibot ko ang aking paningin sa maliwanag na lugar.

Nasa langit na ba ako? Weh? Seryoso?

Teka, paano na si Itay? Paano na yung mga pangako ko sakanya?

Nagulat naman ako nang may magsalita.

"Cielle..." Tawag saakin ng isang napakagandang boses. Kaya lumingon ako sa likuran ko at isang napakagandang babae na may mga matang kulay berde tulad ng saakin ang bumugad.

Wow naman! Ang ganda niya. Ganito pala talaga kagaganda ang mga anghel sa langit. Sobrang manghang mangha ako sakanya. Nganga nanaman ako rito.

Lalo akong namangha ng biglang tumawa siya ng napakahinhin.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now