Chapter V

3.3K 65 1
                                    

Days have passed. One week na rin ang nakararaan matapos mangyari iyong cafeteria incident. At syempre 'di pa rin maiiwasan iyong mga bulung bulungan kapag may nakakakita saakin dahil nga malakas ang impact noong nangyaring iyon.

At ito pa nga ang nakakabwiset.

Napag alaman kong may website itong school na tinatawag na "The Grand University". Nalaman ko iyon kay Cheyenne. And guess what? Nagtrending iyong #angbabaenghinampassalupa, pumangalawa naman yung #poorgraecielle at third yung #foodgirl. Oh diba, ako na talaga ang sikat? Grabe, gustung-gusto ko ng atensyon na 'to. Sobra! Nakakainis lang di'ba?

Plus may mga stolen pictures din na naikalat na sa buong school. Buti sana kung maganda e mga walang hiya talagadahil iyon pa man din iyong face kong tumama sa sahig. Huhu. Asar!

Nalaman din ni Cheyenne ang lahat ng nangyari habang tulog siya noon. At iyong reaksyon niya na naman ay halos 'di nanaman maipinta.

Pero nag-sorry siya saakin dahil kung gising lang daw sana siya noong time na iyon, malamang sinabunutan na daw niya si Lucia at pinagsigawang jueteng lord ang mga magulang niya. Natawa naman ako doon sa sinabi niya. Baliw talaga.

Ipinaliwanag naman niya kung sino iyong pangalang Yria na nabanggit din doon sa site. E nga pala, siya iyong lalakeng walang hiyang humawak sa kwelyo ko. Tsk. Third year college daw siya at Civil Engineering student.

Sinabi rin ni Che na tulad ko ay may kulay berdeng pares na mga mata rin daw si Yria. Tama siya dahil kahit ako ay nagulat din noong magkaharap kami. Siya lang daw may ganoong mga mata sa pamilya nila. Suss! Feeling ko, ampon ang isang iyon at nalaman niya kaya ganoon kasama ang ugali.

Sinasabi rin na siya ang magiging tagapagmana nila. May isa rin siyang nakababatang kapatid na High school. Kilala talaga ang sila dahil isa raw sila sa pinakamayang pamilya sa buong Pilipinas. Nga pala, sinabi rin ni Che na pagmamay-ari rin pala nila itong University. O diba? Edi sila na mayaman. Pero kaagad ako natahimik doon. Mali ata ako ng naka-encounter.

Kinatatakutan talaga siya rito sa buong campus, maging sa labas. Talaga ngang masama ang ugali nun. Mukhang basagulero e.

O di ba updated iyong si Che? Sabagay ganoin talaga kapag stalker. Isama mo pang crush din daw niya e kaya swerti raw ako. Ano namang swerte doon? Duh!

At ngayon papunta na ako sa last subject ko. 4:30pm na rin kasi.

Narating ko na ang classroom at pumasok na ako. Tulad ng inaasahan, ako nanaman ang maaga, ah hindi pala dahil nandito nanaman 'tong feelingerong lalaking ayokong nakikita. Magkaklase rin kami sa last subject.

Ilang araw na rin sumasama ito saamin ni Cheyenne at nalaman ko na rin ang pangalan niya. Siya si Glaire Torres. Ang ganda ng name, di'ba? Pero kung araw-araw kinikilig iyong si Cheyenne, araw-araw naman akong nababanas sa pagmumukha nito.

Inaamin ko, OO, gwapo siya pero kung makapanlait ba naman. Jusko! Hindi naman siya mukhang nerd. Well, masasabi kong matalino talaga siya. Iba nga lang talaga iyong appeal niya na naka-glasses. Tagos to the bone kasi iyong katalinuhan niya. Pero ang ugali niya? Ay ewan ko ba. Kakaiba talaga e.

And guess what kung anong ginagawa niya ngayon? Naka-dekwatro lang naman siya habang nakatakip ng libro ang mukha niya at tulog na tulog.

Hindi ko naman na siya pinansin saka umupo na ako sa bakanteng upuan malapit lang sa tabi niya. Sinadya kong umupo talaga roon para kahit papaano may upuan sa pagitan namin. Kinuha ko na lang ang libro ko sa may bag at nagbasa para hindi ako ma-bore.

'Di rin nagtagal dumating na ang ibang estudyante. Dumating na rin si Prof. Nagising na rin itong katabi ko. Sinamaan pa ako ng tingin nang makita ako. Kapal talaga.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now