Chapter XII

2.1K 45 0
                                    

Third Person's POV

Mabilis na umahon sa pool ang isang babaeng nakasuot ng all black outfit. Hingal na hingal ito. Nang hawiin niya ang kanyang basang-basa na mahabang buhok na nakatakip sa mukha niya ay ito'y walang iba kundi si Lucia.

May kalmot pa sa mukha nito at talagang makikita din ang galit dito.

"Ugh! That bitch! Sinugatan pa niya ang magandang mukha ko!" Inis na sigaw niya. Napansin naman niya ang hawak niyang kwintas na may mga berdeng kristal.

"Hmp!Bagay lang sakanya yan! Sigurado akong hinding hindi na siya makakaahon pa riyan." Sabay nagpakawala ito ng malademonyong halakhak.

Agad naman siyang tumakbo palabas pero sa di inaasahan ay may nakabungguan siya. Tumambad naman sakanya ang nakakatakot na tingin ni Glaire dahilan para mabitawan niya ang kwintas na hawak. Mukhang galit na galit ang binata at malalim din ang paghinga nito. Kaagad naman nakaramdan ng takot ang dalaga.

"What are you doing here?" Inis na tanong ni Glaire sakanya habang tinitignan ang basang basa na kabuuan nito.

"Are you fucking deaf?!" Hindi napigilan  ni Glaire ang bahagyang pagtaas ng boses nito.

Kapansin-pansin ang takot sa mukha ni Lucia at hindi man lang ito makasagot sa tanong ng binata. Nakaramdam ito ng matinding kaba at takot sa loob niya nang maisip niyang maaari siyang mabisto sa nagawa niya.

Halatang nagpipigil naman itong si Glaire dahil napansin nito ang takot sa mukha ng dalaga kaya may alam na siya sa kung sino ang nagpadala ng mensahe kay Cielle at gamitin ang mismong pangalan niya.

Mabilis at mahigpit na hinawakan ni Glaire ang kaliwang braso ng dalaga saka hinila ito palapit sakanya dahilan para dumaing ito sa sakit at mariing  tinignan siya ng binata sa mga mata nito saka ngumisi. Inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ng dalaga saka may ibinulong.

"I'll make sure that your life will definitely become miserable once I've found out what you did." Malamig na mga salitang pinakawalan ng binata pagkatapos nitong pabatong bitawan ang dalaga bago niya ito lagpasan at magmadaling maglakad papasok sa pool area.

Nanginginig lang naman sa sobrang takot si Lucia at bakas ang pamumutla nito. Sa sobrang panginginig niya ay kumaripas na lang ito ng takbo upang makaalis na sa lugar na iyon.

Matapos makapasok ni Glaire sa loob ay hinanap kaagad ng mga mata niya kung nasaan naroroon si Cielle at isang malutong lang na mura ang kaagad na lumabas sa bibig niya nang makita ito.

Naalarma siya kaya mabilis siyang tumakbo at nakatalon sa pool. Mabilis niyang nahila at naahon si Cielle saka hiniga siya sa gilid lamang ng pool. Inilapit niya ang pisngi niya malapit sa labi ng dalaga upang pakiramdaman ang paghinga nito ngunit tila'y hindi na ito humihinga, ganoon din nang maramdaman niyang hindi na tumitibok ang pulso nito nang hawakan niya gamit ang dalawang daliri niya at pinakiramdaman ang pagtibok nito sa leeg niya.

"Shit!" Mura niya nang makita niya at mapagtantong maputla na ang balat ng dalaga kaya naman walang anu-ano'y sinimulan na niyang isagawa ang pag-CPR.

Unang subok niya ay walang nangyari hanggang sa pangatlong subok niya sa pagtulak sa dibdib ng dalaga. Kaya naman inulit-ulit niya lang 'to at ginawa ang pag-mouth to mouth resuscitation.

"Fuck! Come on, wake up!"

Tuloy parin ito sa pagdidiin niya ng kanyang mga palad sa dibdib ni Cielle.

"Please, not again." Usal nito kasabay ng kanyang mabilis na paghinga. Tuloy parin ito sa pag-revive sa dalaga hanggang sa  gumalaw na ang katawan ni Cielle at nagsimula na itong umubo ng tubig.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now