Chapter XXXVII

1.8K 35 0
                                    

"What the F*ck!! What are you doing here? Pwede ba, lumabas ka! Baka kung ano pang gawin mo sakanya!"

"Speak to yourself, Lady. Kung makapagsalita ka naman diyan e mas mukha ka ngang nangangain ng tao riyan!"

Nagising ako matapos kong makarinig ng dalawang boses na mukhang nagtatalo. Ramdam kong lang sila. Pero narinig kong lumabas ang mga ito dahil sa pagbukas at pagsara ng pinto kaya binuksan ko naman ang aking mga mata at bumungad saakin ang isang napakalawak na kwarto. Dama ko ang lambot ng kamang hinihigaan. Maingat akong umupo at inilinga ang aking paningin sa paligid.

Agad kong napansin iyong mga gamit na nakalagay sa mesa na nasa bandang kaliwa ko. Iyong music box at nakapatong doon ang litrato. Napahawak ako sa may leeg ko at mabuti naman at nakasuot parin saakin ang kwintas.

Biglang bumalik nanaman ang mga pangyayari noong gabing iyon kaya mabilis na nanikip ang dib-dib ko. Gusto nanamang pumatak ng mga luha ko pero agad akong pumikit at inisip na sana ay panaginip nalang ang lahat.

Napunta naman ulit ang atensyon ko sa labas nitong kwarto.

"Aba't ang kapal talaga ng mukha mo. Tandaan mo itong kupal ka! Hindi parin kita napapatawad sa ginawa mo. Ginagawa ko lang to dahil sakanya. So better shut the f*ck up!" Teka, boses iyon ni Miria ah? Hindi ko parin lubos na maisip na ganyan siya kung magalit.

"Watch your mouth, Lady. Ikaw ang manahimik. Tandaan mo ring nasa teritoryo kita." Wika naman nung isa. Lalaki ito at parang pamilyar din ang kanyang boses, pero hindi ko mawari kung saan ko narinig iyon.

"If I were you, you should just shut up and stop being so paranoid. Ganyan ka ba talaga kalala magtanim ng galit sa isang tao? Oh please, just move on already." Ani ng lalaki. Teka, hindi kaya naging nobyo ito dati ni Miria? Mukhang may pinanghuhugutan e. Ano naman kayang nangyari noon at ganyan na lang magalit si Miria sakanya.

Bahagyang natahimik si Miria, pero agad itong nakabawi.

"Yes." Sagot niya. "And I won't forgive you for that. It's because of you I have to suffer like this. Ang hirap kayang mabuhay ng ganitong may kapansanan! Try mo kaya, ano?"

Nakaramdam ako ng pagkabigla sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Kaya hindi kita pinagkakatiwalaan dahil halimaw ka!"

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at bumungad saakin ang nakakunot ang noong si Miria, pero mas lalo akong nagulat doon sa lalaking sumunod sakanya.

Gulat akong nakatingin sakanilang dalawa at alam kong medyo nabigla rin si Miria dahil hindi niya siguro inaasahan na gising na pala ako. Pero nanatili lang nakapako ang tingin ko doon sa lalaking sumunod sakanya. Tila'y hindi naman ito nabigla at seryoso lang itong tumingin saakin.

Isa nanamang hindi inaasahang tao ang makikita ko ngayon.

Bakit naman siya nandito?

Bakit kilala niya si Miria?

Hindi ako makabwelo at makapag-isip ng mga sasabihin ko. Tila ba'y na-jumble na lahat ng salitang nasa utak ko at tanging nasabi ko lang ay ang kanyang pangalan na may halong pagtatanong.

"Blaise?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Nakita ko ang pagngisi niya nang sabihin ko ang pangalan niya. Sa halip na sumagot siya ay si Miria ang agad na nagsalita.

"C-Cielle, g-gising ka na pala." Gulat paring nakatingin si Miria saakin at halatang medyo naging uneasy siya nung makita ako.

"This is your fault. Ang lakas kasi ng boses mo. The fact na that's your normal voice. Kung hindi ka kasi nanggulo rito at hinayaan mo na lang ako ang magbantay sakanya e 'di sana hindi siya nagising. " Iiling-iling lang si Blaise habang sinasabi iyon.

Heiress(Part One:COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon