Chapter XXXVIII

1.7K 33 0
                                    

Lorenzo's POV

I am just staring emotionlessly outside this stupid cell where they brought me. It's dark and smells like a dead rat. F*ck! Nagising nalang ako sa lugar na to'.  I can't believe that my Mom could do this to her own son. Kung ganoon ay totoo nga ang mga nabasa ko sa diary niya. She really is insane!

Naiinis ako dahil wala man lang akong magawa. I could've saved that Leandros, but I didn't expect that Mom would interfere. All I did was to shook my head in disbelief.

Ilang taon akong niloko ni Mama. Nakinig ako sa mga sinabi niya. Lahat sinunod ko, but in return gagawin niya pala lahat saakin ito.

All I could feel right now are just pure hatred and regret. I became ruthless by obeying her.

I just smirked about remembering all that she had promised. In the end, she's a liar!

"Ahhh! Damn it!" Sigaw ko matapos kong suntuk-suntukin ang katabi kong pader. Wala na akong pakealam. Masyado akong naging mahina. Useless!

Agad akong sumalampak sa sahig then I just stared at the small window of this cell. Stupid! Maybe he was right about before. I am a weakling after all.

I remember when I was six. Dad wants to test our skills and ability. Being a candidate for the next Mafia Boss, at such a young age we should know already how to fight and to kill.

Lhian, was seven back then. I've already seen the eye of a Mafia boss from him, but I was very persistent. I wanted to fight him, so that Dad will be proud of me. Para saakin mas karapat-dapat ako kumpara sa katulad ni Lhian. Pero nagkamali ako...

He almost killed me.

I know that without hesitation he would really glad if I am not breathing anymore.

Papatayin niya na sana ako kung hindi lang nangealam si Mama.

Sa unang tingin, nakaka-awa siyang tignan na parang maamong tupa, but behind that mask was an evil wolf.

Nagmaka-awa siya kay Dad. Gusto niya nang maitigil ang laban noon dahil sa pinsalang natamo ko. I almost died because of blood lost and I can't even move my body anymore. It was just like a nightmare. Lhian's eyes were just of like a demon's.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang maalala ang mga pangyayaring iyon.

By just remembering all of that makes me realized that it was really not enough. I'm still the weak and clumsy Lory they always call me.

Agad naman akong napatingin sa labas ng kulungan ko nang makarinig ng mga boses at yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Unti-unti kong nakikita ang anino ng dalawang tao.  Nanatili lang ako sa aking pwesto at hindi gumalaw.

"I don't want to waste my time anymore with that ungrateful child of Leonardo! If he's still trying to be persistent,"

Umalingaw-ngaw ang galit niyang boses bago siya mapahinto. Nanatili lang akong pinapakinggan siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. What will you do next, Mom?

"If he still tries, kill him already." Mahinhin ngunit puno ng galit ang sinabi niyang iyon.

And with that, I immediately closed my fist and formed it into a ball. Wala akong maramdaman ngayon kundi galit lamang.

Narinig ko ang pag-alis ng kausap kanina ni Mom at alam kong dalawa nalang kaming natitira sa silid na ito. I know she wants to talk to me. Well, let's see Mother. Let's see.

****

Third Person's POV

"Sinabi na ngang bitawan niyo ako! Alam kong nakaka-intindi kayo lahat ng tagalog kaya huwag kayong magbibingi-bingian diyan!"

"Kung hindi pa po kayo titigil sa pagmamatigas ay wala na kaming magagawa kundi tapusin kayo. Iyon lamang ang tanging utos saamin." Malamig at tila walang buhay na wika ng isa sa mga lalaking nakasuot ng itim na suit habang mahigpit na hawak ang kamay ni Glaire mula sa kanyang likuran. Tatlong lalaki ang nakahawak sakanya at pare-parehong parang walang buhay ang mga mata nila na tila ba'y kontrolado ang mga ito.

"Edi kung ganoon patayin niyo na lang ako kung iyon lang pala ang utos sainyo! Ang dami niyo pang sat-sat!" Puno ng galit naman na wika ni Glaire habang hirap na hirap paring kumakawala mula sa tatlong lalaking nakahawak sakanya. Makikita sa mga mata ng binata ang galit ngunit mas umaapaw na rin ito sa panghihina.

Ilang araw na rin itong pinahihirapan ng mga tauhan ng kalaban at talagang malaki ang naging pagbabago sa kanyang katawan. Lalo na ang mga sugat na natamo niya mula sa pagpapahirap sakanya. Malalim at maitim na rin ang ilalim ng mga mata niya dahil sa kakulangan ng tulog.

Ngunit sa mga nakaraang araw ay matatag niyang hinarap at dinanas ang mga pagpapahirap. Aminado siyang sanay na ang katawan niya sa mga ganito. Ngunit ang nakapagpahina sakanya ay ang kanyang emosyon.

Kung dati ay wala siyang pakialam at hindi siya nakakaramdam, ngayon ay nagbago na ng tuluyan at dahil iyon sa kanyang mga natuklasan.

Kahit hanggang ngayon ay patuloy niyang iniisip ang mga sinabi sakanya.

"Alam mo bang malaki ang kasalanan natin sa pamilya ng dalagang iyan?"

"Sangkot lang naman ang Salvatore sa pagbagsak ng isang kilalang pamilya at iyon ay ang Esmeralda."

"Si Graecielle Jane Crisanto na kilala mo ay kabilang sa pamilyang iyon. Siya rin lang walang iba ang tagapagmana nito, pero hindi niya na ito malalaman pa kahit kailan dahil ang Esmeralda ay sisiguraduhin naming mababaon nalang sa limot. Hindi mo alam dahil pati ang ama mo ay may mga inililihim rin. Ang lahat ng magagandang kwento niya tungkol sa Esmeralda ay siya rin ang mismong tumapos sa lahat ng iyon. Gusto pa niyang magbago pero itinuloy parin naman niya ang plano naming pagsira sa Esmeralda na isa rin sa pinaka-inirerespetong pamilya sa Underground Society."

Mabilis na napapikit siya nang maalala ang mga iyon. Iyon ang huling mga sinabi sakanya bago niya paslangin ang tunay na ama ni Lorenzo, si Giovanni Romano.

Iniisip niya ang mga maaaring mangyari kapag nawala ang kaisa-isa pang tagapagmana ng Esmeralda Family. Alam niyang masakit man malaman na ang dahilan ng pagkawasak ng pamilyang iyon ay ang Salvatore ay handa siyang wasakin ito.

I need to save her.

Tanging nasabi ng binata mula sa kanyang isipan. Kaya naman humugot siya ng lakas para kumawala sa pagkakadakip sakanya at sa isang iglap ay nahawakan niya sa leeg ang dalawa at saka binali ang mga ito. Tatakas na sana iyong isa nang mabilis niya parin itong nahabol saka hinawakan ang ulo nito mula sa likuran saka pina-ikot ito.

Nakandusay nalang at tuluyan na ngang nawalan ng buhay ang mga ito. Mariing tinignan ni Glaire ang mga mata nila. Mula sa pagiging asul ay bumalik agad ang mga ito sa pagiging kulay brown.

Napakunot noo si Glaire habang nakatingin parin sa mga mata nila isa-isa.

"Ito na ba ang sinasabi mo noon saakin, Tanda? Ang Project EYE?"

****

To be Continued...

Edited: 06-10-2019




Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now