Prologue

8.4K 118 3
                                    

Nang minsang madapo ako sa isang site sa google kung saan nabasa ko ang quote na ito na ayon sa gumawa na "Hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."Huwaw lang diba? Ang haba pero nakarelate naman talaga ako atleast.

Oo marami akong natutunan sa bawat pagsubok na dumadating sa aking buhay. dahil sa mga ito naging matapang ako. Natuto akong tumayo para makamit ang lahat ng pangarap ko.

Oo ipinagmamalaki kong kahit na mahirap ang aming buhay masasabi kong enjoy pa rin ito. Dahil mas maganda ng marami kang alam gawin na mga bagay, para naman maging handa ka sa kahit na anumang oras na maaring dumating na makapagpapabago ng iyong thrilling na buhay.

Paano kung malaman mo isang araw ang totoong estado mo sa buhay? Maging handa ka pa kaya? o Makahinga ka pa kaya?

Paano kung anak ka pala ng isang holdaper? matanggap mo kaya?

Eh paano naman kaya kung ikaw yung nawawalang kapatid ni Doraemon o ni Dora? Paniwalaan mo pa kaya?

O kaya naman kusa ka lang tumubo dyan na parang kabuteng basta na lang sumusulpot? Anong klase ka ba talagang specie?

Kaya dapat maging handa tayo sa bawat hamon ng buhay. Lalo na't maging handa sa katotohanan.

Kung pangit ka pangit ka talaga!

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

Pero minsan ang mga ito ay may limitasyon din, dahil kung minsan ang mga ito ay mahirap din talagang paniwalaan. Kung marinig mo nga lang ito ng di sinasadya eh itatawa mo na lang yan sa may C.R, tapos may kasama pang "WEH? di nga?" o kaya "OWS?" diba minsan mahirap talagang paniwalaan. Tapos macucurious ka. Magtatanong tanong ka. Tapos pag naconfirm mo na na totoo pala saka ka hindi lalong makapaniwala yun ay dahil hindi mo kayang tanggapin.

Oo ganun ang naramdaman ko nung malaman ko ang katotohanan sa likod ng aking pagkatao.

Yung buong buhay mo inakala mong yun ka na talaga habang buhay?

Yung alam ng lahat na

"Mahirap"

"Nerd"

"Ang babaeng hinampas sa lupa"

"Asal kalye"

"Boyish"

At higit sa lahat anak ng magbabalut ay isa pa lang

" HEIRESS"

A.N:

_________PLEASE read niyo naman po ito. Ito po kasi ang first na storyang ginawa ko sa wattpad. Hope you like it. Salamat.


05-23-2014

Heiress(Part One:COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن