Chapter X

2.8K 66 0
                                    

Isang nakakaantok nanaman na umaga para sa tulad kong estudyante. Ilang araw na kasi akong napupuyat sa mga school project, pero buti na lang at tapos ko na. Waah! Ang bigat ng mga mata ko. Diyos ko po! Help me.

"CIELLE!!!" Sobrang lakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. Hay! E sino pa nga ba, edi si Cheyenne Buenaventura na umagang-umaga ay nakalunok nanaman ng microphone. Kaya naman inis na nilingon ko siya. Teka parang nangyari na to a?

"Ano nanaman bang problema mo a?! Kung makasigaw ka parang katapusan na ng mundo!" inis na wika ko. Kaya natawa naman siya.

"Sorry Cielle, masaya lang kasi ako sa araw na 'to!" Masayang wika niya tapos parang nagba-blush pa siya. Anyare? Taka ko naman siyang tinignan.

"Parang wala namang araw na hindi ka masaya. Ano ba yun? Dalian mo at ipapasa ko pa 'tong project na 'to." seryosong wika ko. At lalo namang lumaki ang pagkakangiti niya.

"Guess what? Akalain mo yun? Pinansin na din ako sa wakas nung crush ko na ka-department namin. Niyaya niya akong lumabas. Kyahhh!" Kinikilig na wika niya. Hay! Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

" Oh tapos anong sabi mo? Malamang pumayag ka?" Walang ganang sabi ko. At nangingiti pa rin siya.

"Ano ka ba naman Cielle. Oo naman pumayag ako. Once in a blue moon lang to sa entire life ko." Sabi na nga. Teka sino nga bang crush niya ang tinutukoy niya. E halos ata lahat ng lalake dito sa campus kilala niya at inlove siya sa mga ito. Grabeng babaita!

Paano nga ba mainlove?

Biglang tanong ko sa isip ko.

Ugh! Ano ba 'to Cielle? Kung anu-ano nanaman yang dinedaydream mo. Tss...

"Yow, daydreamer." Isang cold at pamilyar na voice ang tumawag saakin. Ilang araw na ding hindi sumasama 'to saamin ni Che. Halos magwala na nga yun dahil wala 'to.

Tinignan ko lang siya ng nakakainis.

"Will you stop calling me that?" Nasabi ko sakanya. Woah Cielle, kelan ka pa natutong mag-inggles? Ke-arte!

"Tss. Nandito ka sa gitna ng hallway kaya huwag kang starring diyan." Walang ganang wika nito ulit. Aba! Feeling talaga itong lalakeng ito! Akala niya ang gwapo-gwapo. Oo nga, gwapo siya.

"Hoy. Hinahanap ka palagi nito o. Bakit panay absent mo ngayon?" Turo ko rito kay Cheyenne na malawak nanaman ang ngiti pagka-kita pa lang dito kay Glaire. Ibinalik ko naman kaagad ang tingin ko rito sa lalaking ito at napakunot kaagad ang noo ko dahil sa nakangisi na siya ngayon. Shocks, bakit ganun? Ang gwapo niya talaga! Ehemmmm...Itigil mo yang kalandian mo Cielle..Bumalik kayo mga hormones!!

"Anong iningingisi-ngisi mo riyan?" Tumaas ang isang kilay ko na tanong sakanya.

"Siya ba talaga ang nakaka-miss saakin? O baka naman---

Sumama kaagad ang tingin ko sakanya dahil mukhang alam ko nanaman ang susunod na lalabas sa bibig niya.

"Huwag masyadong feeling, Mister Torres." Nakangiwing sabi ko sakanya at yun, back to poker face siya ulit.

"Tss. Shut up." Wika niya tapos nabigla ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko saka hinatak ako.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Cheyenne para makahingi ng tulong kaso ang walangyang kaibigan ko ay kasalukuyan nang masayang kumakaway habang kami ay papalayo. Humanda ka saakin mamaya, Cheyenne!

Ito namang Mr. Poker Face na ito grabe ang bilis niyang maglakad. Halos makaladkad na ako ng bongga! Ano bang ginagawa nito? Ano ako? Bata?

Ilang minuto pa lang ay nandito na rin kami sa room at padabog pa niyang binuksan yung pinto. Kaya naman nagulat yung mga nasa loob. Jusko! Nakakahiya nanaman 'to o! Buti na lang wala pa yung prof namin.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now