Chapter XXVIII

2K 40 0
                                    

Blaise's POV

Tss. Grabe talaga kahit kailan 'tong si Lhian. Ugh! Gawin ba naman akong tagabantay ng isang babaeng matigas ang ulo? Hay... But somehow I feel excited. She's interesting. Ewan ko kung bakit concern nalang si Lhian sakanya.

Naglalakad ako sa may parking lot dito sa isang mall. Papunta na ako sa sasakyan ko nang may mahagip ang beautiful eyes ko. (Wink!)

Nagtago muna ako sa likod ng isang sasakyan at nakita si Hard-headed girl sa 'di kalayuan. Natawa ako nang suntukin niya ng dalawang beses iyong--- Wait!

Is that that conceited bastard Jake Veran? Siya ang isa sa pinaka sikat at rank 8 sa gangster world. Tapos ngayon makikita kong sinuntok lang siya ng isang hamak na babae? Tss. Pathetic.

Natawa naman ako lalo rito sa gilid nang makita ko iyong mutchacha niyang kasama. Teka, is that his maid? That girl wearing pink?

Pero nang akmang lalapitan niya na si Cielle ay mabilis na akong lumapit doon at pinatulog ang gago! BOOMTULOG!

Nakangiting hinarap ko naman si Cielle. Napangiwi naman siya. Pero bahagyang nagulat siya saakin. Napansin siguro niya itong blonde kong buhok.

Ang totoo niyan ay ganito talaga ang totoong kulay ng buhok ko. Pinakulay ko lang ito ng itim para pang-disguise. At saka mas gwapo rin talaga ako kapag eto ang ayos ko. Plus pogi points.

"Kumusta?" Tipid na tanong ko sakanya.

"Okay naman. Tss! Sayang, ako dapat ang nagpatulog diyan sa buset na yan eh. Asungot ka." Iritang wika niya.

"Haha! Wow ah, badass ka na pala ngayon." Natatawa ko namang sabi. Pansin ko rin ang pagbabago niya. Para bang ang tapang niya na talaga ngayon.

"Masyadong malaki ang kasalanan niyan sa kaibigan ko, ano."

Kapansin-pansin talaga na matindi ang galit niya kay Veran. Nakakunot na kasi iyong noo niya. Kawaii. (*means cute in japanese.)

(Trivia: We assassins must know how to speak different languages, so we can communicate to where we are designated during our missions. And also for our cover ups or incase if we will hide our true identity. In short kailangan naming makibagay.)

Sumeryoso na lang ako habang nakatingin lang sakanya hanggang magsalita ako.

"Alam mo dapat huwag kang padalos-dalos sa mga kilos mo kaya ka napapahamak eh." I said in a serious voice. Naramdaman ko na medyo nagulat siya sa iniasta ko. Pero pinanarili lang niya ang pagiging kalmado niya saka siya lumihis ng tingin.

"Kaya ko naman na ang sarili ko." Wika niya.

"Sigurado ka. Eh ilang beses ka na ngang napahamak. Pero good job ang galing mo parin." Sa sinabi kong iyon ay sinadya kong ibahin ang tono ko. Ngumisi ako nang kunot noo siyang tumingin saakin. Lumapit ako sakanya saka bahagyang bumulong sakanya.

"Ilang beses ka na ngang nadamay pero buhay ka parin. Hanggang kailan ka kaya makakaligtas?" I intentionally made my voice became colder saka ako humalakhak kaya napalayo ito at iritang tinignan ako.

"Look at your face! Ang epic! Medyo takot!" Natatawa kong sabi.

"But seriously, you're interesting. Pakiramdam ko talaga may gusto siya saiyoI just can't tell why. I want to know." Sumeryoso ako ulit. Yes. I want to know her more. Ngayon na lang ako naging interesado sa isang babae.

There's something that Lhian saw within her.

Suddenly, a grin started to form on my lips..

Kung alam mo lang talaga Cielle kung ano ang kaya niyang gawin para lang magbago.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now