Chapter 35

468 26 4
                                    

Buong gabi ako hindi ako nakatulog dahil kay a ama. Dumating ang doktor at sinabi na lumala nga ang sitwasyon ni ama. Lumala raw ito dahil may nainom siyang gamot na pinagbabawal sa kaniya. Isang araw lang ako nawala. Gumalaw na naman ang reyna. Gusto talaga niya mamatay si ama. Kailangan ko pumunta kina ina para makahingi ako ng tulong. Hindi pupwede na wala akong gagawin. Buhay ni ama ang nakasalalay dito.

Sinukbit ko na ang isang bayong at akmang lalabas na biglang bumukas ang pintuan. Napaatras ako na hindi si Dorothea ang nasa labas ng kuwarto ko. Dalawang lalaki, mga tauhan ni Pinunong Hermios.

"Bakit kayo nandito?"

"Wala nang tanong tanong. Inutusan lang kami ng reyna." Bigla nila ako hinawakan sa braso.

"S-sandali, saan niyo ako dadalhin?" pumiglas ako sa dalawa subalit malakas sila. Nasaan ba si Dorothea. Anong nangyayari?

Bumaba kami at napadako ang tingin ko kay Dorothea na hawak hawak din ng isang lalaki at may sugat ito sa mukha. Tumuon naman ang tingin ko sa reyna na nakangiti na mapang asar. Wala si Maddie, alam niya kaya ito.

"Mukhang nagulat ka sa nangyayari ngayon. Tsk, hindi ko hahayaan ako ang mapunta sa baba. Kung kinakailangan na gumawa ako ng hakbang ay gagawin ko. Bibigyan kita ng sampung minuto para mag paalam sa mahal mong ama."

"Walang hiya ka! Anong ginagawa mo? Tsk, eto ba ang plano mo ang paalisin ako sa sariling namin palasyo?" galit na galit na sabi ko sa kanya

"Isipin mong eto ang magiging parusa mo sa pag patay kay Janna."

"P-pagpatay?Hahaha, nagpapatawa ka ba? Wala akong maalala na may pinatay ako. Kahit kelan malinis pa ang kamay ko para pumatay. Ano ba talaga plano mo?" 'di ko napigilan masigawan siya.

Gumawa siya ng kuwento para tuluyan ako makaaalis sa palasyo. Ang kapal ng mukha niya. Ang dami na niyan ginawa tapos ako ni isa wala pa. Mag plaplano pa lamang ako para ako ang mag paalis sa kaniya at ngayon ako pala ang paalisin niya.

"Sabihin na lang natin magiging malaya ka na. Magagawa mo na ang gusto mo at makakasama mo na ang mga tao na nasa Royal Castle. Kung hindi mo pinatay si Janna hindi tayo aabot sa ganito." Naikuyom ko na ang kamay ko sa sobrang galit.

"SINABING WALA AKONG PINATAY. MAKITID BA UTAK MO PARA HINDI MO IYON MAINTINDIHAN."

Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. Gusto ko rin siya sampalin at ipakalakad sa labas ng palasyo para maging malaya na talaga ako. Ngunit hawak hawak ako ng dalawang lalaki. Paano ako makakakilos?

"Masiyadong matalas ang bibig mo. Kung huwag na lang kita palayasin putulin ko na lang kaya ang dila mo. Mas maganda siguro iyon." Mapang asar niyan sambit.

"Subukan mo, dahil pag ginawa mo iyon kayong dalawa ni Maddie pupugutan ko ng ulo." Banta ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas at may sinenyasan. May isang matabang lalaki ang lumapit sa reyna. Ang alam ko isa rin s'yang opisyal.

"Magandang araw sa iyo binibini, kagabi lamang habang kami ay nag hahanap sa nawawalang tagapagsilbi sa palasyong ito. May lumapit sa amin matandang babae at sinabi niyan may nakita siyang babae na kamukha na hinahanap namin. Natagpuan namin siyang nag hihingalo at sinikap namin na dalhin siya sa malapit na pagamutan ngunit mukhang hindi na siya mag tatagal. Inamin niya sa amin na ikaw ang nag tanka sa buhay niya. Dahil pinagbintangan mo siya na may masamang balak sa iyong ama. Hindi namin ito paabutin sa ganito kung may ebidensya ka na wala ka talagang kasalanan kaya lang wala kang ipinakita. Bilang parusa sa iyong ginawa, hinahatulan ka ng pag patay at inaalisan nang karapatan na manirahan pa sa Windsor at pag kawalang bisa sa trono na bilang prinsesa."

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now