Chapter 14

736 48 4
                                    

Gulat na gulat pa rin akong nakatitig kay Prinsipe Jv. Samantalang si ama ay nagulat din sa aking ginawa. Narinig kong dumating sina Maddie at ang reyna. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya utal utal akong nagsalita.

"P-paumanhin h-hindi ko alam na n-nandyan ka pala sa likod ng m-mahal na hari," sabi ko kay Prinsipe Jv at pinagpag ang suka ko sa kanyang kasuotan.

Bigla na lang may humawak sa akin at tinulak ako. Si Maddie, gulat siyang makita si Prinsipe Jv lalo na't nasukahan ko siya. Magagalit na naman ito sa akin.

"A-anong ginawa mo? Bakit mo siya sinukahan?" singhal sa akin ni Maddie. Subalit mas lalo siyang nagulat ng makita niyan wala akong telang pantakip sa aking mukha. Nakita kong nag- igting ang panga niya sa galit at hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at hinila paalis kina ama at Prinsipe Jv.

"A-arayyy, ano ba?" Ang sakit niya humawak. Kulang na lang baliin niya ang braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Dinala niya ako sa kuwarto at tinulak papasok.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit hindi ka nagtakip ng mukha? Nandito si Prinsipe Jv, tapos sinukahan mo pa siya? Ano bang klaseng babae ka? Kapag kaharap mo palagi si Prinsipe Jv lagi mo siya pinapahiya," sigaw niya.

"Hindi ko naman alam na dadating si Prinsipe Jv. Nakita ko na lamang siya kasama na ni ama kaya wala na akong oras upang magtago pa dahil nakita niya na ako. Tsaka isa pa, hindi ko naman sinasadya na sukahan siya ayaw kase ako paalisin ni ama kaya s-sya ang nasukahan ko. Humingi naman ako ng paumanhin."

"Kahit na, dahil sa ginagawa mo siguradong hindi na muli pupunta si Prinsipe Jv dito sa ating palasyo. Ganyan ba talaga ang gawain at ugali ng isang prinsesa, masyado mo dinudumihan. Diyan ka muna sa kuwarto mo, huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi."  Lumabas na siya at malakas na isinara ang pinto.

Hindi ko mapigilan makonsesya sa ginawa ko. Bakit ba kase pagdating sa kanya lagi siyang minamalas ng dahil sa akin.

Ilan beses ako pabalik balik maglakad sa loob ng kuwarto. Hindi kase ako panatag na nasa loob lang ako ng kuwarto at wala man lang ginagawa. Inabot na nga ako ng hapon at mabuti dumating si Dorothea. Agad ko siyang hinawakan.

"Ano na nangyari kay Prinsipe Jv? Ayos lang ba siya? Nandyan pa ba siya?" sunod sunod kong tanong.

Bumuntong hininga si Dorothea at hinawakan ako sa aking kamay. Sana maayos lamang ang lagay nang prinsipeng iyon.

"Huwag po kayo mag-aalala, ayos lamang po siya. Inasikaso na po siya ni Prinsesa Maddie upang maalis ang suka ninyo sa kasuotan ni Prinsipe Jv. Kasalukuyan kumakain po sila. Humingi rin po ng tawad ang inyong ama sa prinsipe. Kaya lang po umalis din po ang inyong ama dahil pinapatawag po siya sa organisasyon panbayan," kwento niya.

Mabuti naman, nakahinga ako ng maluwag. Kaso may naaalala ako.

"Nga pala, nasabi ba ni ama na anak niya ako at prinsesa ng palasyong ito kay Prinsipe Jv?"

Umiling siya. "Hindi po, ilan beses po siya pinigilan ni Prinsesa Maddie kaya hindi po niya nalaman."

"Mabuti naman," sabi ko at umayos na ang kalooban ko.

"Kaya po pala ako narito upang sabihin sa inyo na kailangan niyo na raw po maghugas ng mga plato. Inutusan po ako ng reyna na sabihin ito sa inyo. Iyon na rin naman po ang huli niyon gawain."

"Sige, bababa na ako," wika ko.

Pagbaba ko naabutan ko sina Maddie at Prinsipe Jv na nakaupo at magkausap. Hindi na ako naglagay pa ng pantakip sa mukha dahil sa kusina naman ang punta ko. Sinimulan ko na maghugas.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon