Chapter 23

532 23 2
                                    

Sabay sabay kaming apat kumain nang agahan. Kanina pa ako panay tingin kay ama na halos hindi na makakain dahil sa kakaubo. Nitong mga nakaraan araw wala naman siyang iniinda at mukhang malakas pa siya. Pero ngayon nakakapanibago siguro dahil sa kanyang trabaho. Wala na ata siyang oras upang magpahinga.

"Ama, gusto niyo po bang uminom nang gamot? Kanina pa po kayo umuubo," sabi ko kay ama.

"Ayos lang ako. Mamaya iinom ako nang gamot. Nandiyan naman si Eleanor siya ang nag-aalaga sa akin."

Lumingon ako sa reyna.

"Akong bahala sa iyong ama Hilary, hindi ko siya pababayaan," mungkahi nang reyna.

Pagkatapos kumain inalalayan nang reyna si ama pabalik sa kuwarto nila. Hindi na muna aalis si ama upang makapaghinga siya.

"Natatakot ka bang lumala ang sakit ni ama? Siguro iniisip mo na kapag lumala ang kanyang sakit may kakayahan na kaming pagtulungan ka ni ina. Wala nang magtatanggol sa iyo."

Ininiis ba ako ng babaeng ito.

"Tsk, hindi ako natatakot. Natatakot ako, dahil alam kong may balak kayo nang magaling mong ina kay ama. Sana naman hindi tayo umabot sa punto na mapalayas ko talaga kayo sa palasyong ito. Hindi ninyo magugustuhan ang magagawa ko kapag may ginawa kayo kay ama." Tumayo na ako at iniwan siya sa hapag kainan.

Si ama na lang ang nakakasama ko sa palasyo at ayokong pati siya may mangyaring masama.

Inaya ako bigla ni Dorothea upang gumala kami kasama namin si Prinsipe Levi at Chryses. Nagkita kita kami sa isang pamilihan at naglibot na rin upang tumagal pa ang aming pagsasamahan. Tumabi ako kay Chryses upang makausap ko siya.

"Salamat sa tulong mo, nasabi sa akin ni kuya na handa kang mapahamak basta mailigtas lamang ako."

"Wala iyon. Ako naman kase ang pakay nila kaya ginawa ko lang ang nararapat."

"Tunay ka talagang prinsesa dahil mabuti ka. Hayaan mo makakamit mo rin ang tinatamasa mo. At may tamang araw upang hindi ka na muling magtago sa pagkatao mo."

Ngumiti ako sa kanya at huminto kami sa isang kainan. Umupo kaming apat at nagsalo sa masarap na pagkain.

Masaya ako dahil malaya ako ngayon at kasama ko ang mga taong tumanggap sa akin. Nag-uusap lamang kami habang kumakain.

Bumili na rin kami nang mga kasuotan at mga palamuti. Dumaan din kami sa St. Jago Church upang magsimba. At pagsapit nang dilim dumating si Esperago Easton upang ihatid kami sa palasyo.

Dumiretso ako sa kuwarto upang ayusin ang mga pinamili kong damit at palamuti. Matagal na panahon na simula nong gumala ako sa labas nang palasyo. Nagawa ko ito dahil sa aking pagtatago. Malaya ako bilang si Aya pero kung ako ang prinsesa sa malamang hindi ko ito magagawa lalo na't may humahanap sa akin. Pagkatapos ko mag-ayos bumaba ako at pumunta sa silid aklatan upang magbasa. Maghahanap ako ng librong mababasa. Nang biglang lumapit sa akin si Dorothea na tumatakbo at hinihingal. Sa kanyang akto kinabahan ako bigla.

"M-mahal na prinsesa ang iyong ama."

"Anong nangyari?" Binitawan ko muna ang hawak kong libro.

Humawak siya sa kanyang dibdib upang kumalma. "Sumuka po siya nang dugo. Gusto po namin siya ipadala ni Esperago Easton sa pagamutan, subalit ayaw nang mahal na reyna."

Hindi na ako nagsalita pa at nagmadaling puntahan si ama.

Naabutan kong hinahagod ng reyna ang likod ni ama upang hindi na ito umubo nang umubo. Si Maddie naman ay may hawak na tubig. Lumingon sa akin si ama at nginitian niya ako. Pekeng ngiti! Sa kanyang pagkakaabala sa trabaho hindi na niya naasikaso ang kanyang kalusugan. Naawa ako para sa kanya.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now