Chapter 48

508 26 5
                                    

Pagkagising ko naabutan ko sina Dorothea at Janna na balisa sa isa't isa. Hindi ko sana papansinin kaso inusisa ko na rin.

"Uy ano ba kayong dalawa. Anong problema?" nagulat naman ang dalawa at agad na binati ako.

"Eh kase Prinsesa Hilary nasa labas po si Maddie nais po kayo makausap." Usal ni Janna.

"Nagwawala ba siya?"

"Hindi naman po. Subalit, bakas sa kanyang mukha ang galit." Sabi naman ni Dorothea.

"Sige, pupuntahan ko na siya."

Naabutan ko si Maddie na may hawak na papel. Magsasalita sana ako ngunit nakita na niya ako. Ako ang nagpresinta na dalhin si Maddie sa St. Jago para naman may matuluyan pa rin siya ayaw niya kase tanggapin ang alok ni ina na dito pa rin siya manirahan sa Windsor.

"Kumusta?" bungad ko sa kanya.

"Hindi ako magtatagal nais ko ito ibigay sa iyo." Kinuha ko naman ang papel at agad na binuksan. Sulat ng reyna para sa akin. Tumingin ako kay Maddie at hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa akin.

"Gusto na niyang makalaya. Hindi sanay si ina sa kulungan. Humingi na ako ng tulong sa isang opisyal para linisin ang pangalan niya at para makalaya na rin kaagad."

Gusto kong basahin ang sulat kaya lang ayoko na magpadala sa anoman ibibigay nila sa akin. Imbis na ibalik ito kay Maddie pinunit ko ito sa harapan niya at nagulat siya sa aking ginawa.

"A-anong ginawa mo?" may pagkainis na ang boses niya.

"Kahit magpatulong ka pa sa mataas na tao o kung kanino man, nakasaad na sa Hagerdon na makasalanan si Eleanor. Kailangan niyan magbayad sa mga nagawa niya. Isipin mo na lang maging patas ito sa aking ina na nakulong din. Kung palalayain siya magiging labag ito sa batas at alam kong marami ang magrereklamo lalo na ang mga opisyal."

"Hanggang kelan doon si ina?" tanong niya.

"Hanggang humingi siya ng tawad kay ina, kay ama, sa mga taong nadamay at sa akin."

"Kung ako ba ang hihingi ng tawad sa iyo para kay ina tatanggapin mo ba?"

Natigil ako at hindi ko iyon inaasahan sa kanya. Kilala ko si Maddie at malaki talaga ang galit niya sa akin. Nagbago na ba talaga siya?

"Gusto ko sana tanggapin ngunit gusto kong marinig iyon mula kay Eleanor. Mas mapapanatag ako."

"Si Jv, mahal mo ba talaga siya?"

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Nagdadalawang isip ako. Ayokong masaktan si Maddie at lalong magalit na naman siya sa akin.

"Mukhang alam ko na ang sagot. Alam mo Hilary, inaamin kong sobrang mahal ko siya. Siya iyong lalaki na simula pa lang nakita ko alam kong kami na sa huli. Alam mo iyong pakiramdam na gagawin mo ang lahat para sa kanya. At noon araw na ikakasal na kami ang saya ko kase matatali na kami sa isa't isa. Pero lahat ng iyon nawala at nasayang dahil sa iyo. Gusto kitang saktan gusto kitang mawala kase lahat na lang ng mga tao ikaw ang pinipili pati siya. Hilary, kaya mo naman siguro magbigay kaya mo naman siguro magsakripisyo para sa akin. Naagaw muna ang lahat nakuha muna ang pangarap mo. Baka naman pwedeng ibigay mo na lang sa akin si Jv."

------

"Isiro,"

Lumingon naman siya sa akin at nagtanong kung ano ang kailangan ko.

"Nakita mo ba si Dorothea may nais kase akong itanong sa kanya."

"Kasama siya ni Janna naglalaba sila sa likod. Ano ang itatanong mo?"

"Ah ganoon ba. Sa iyo ko na lang itatanong. Kayo na ba ni Dorothea?"

"ANO?"

"Sandali, makasigaw ka naman magkatabi lang tayo."

Behind The Mask [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu