Chapter 13

817 41 6
                                    

Natutulog pa ako sa higaan ko na gisingin ako ni Dorothea. Kaya bigla akong bumangon at inis na hinarap siya.

"Ano ba kase iyon? May pupuntahan ba tayo? Oh, ano ang aga aga pa." Napakamot pa ako sa ulo ko.

"Mahal na prinsesa pinabababa na po kayo ng mahal na reyna, kailangan ninyo pong sumunod. Kanina niya pa po ako pinapagalitan," sumbong sa akin ni Dorothea.

"Ano ba kase ang problema niya?"

Tumayo na ako at nagbibihis lamang ng mabilis at sumunod kay Dorothea. Pagbaba namin naabutan ko ang reyna na kinakausap ang mga tagapagsilbi. Nung makita niya kami ni Dorothea napatigil siya sa pagsasalita.

"Diyan muna kayo, may kakausapin lamang ako," sabi niya sa mga tagapagsilbi at tumango ang mga ito.

May pito kaming tagapagsilbi at panwalo si Dorothea. Nilapitan kami ng reyna at sinabihan si Dorothea na sumama sa mga nakahilerang mga tagapagsilbi. Anong ibig sabihin nito?

"Bilang reyna at bagong ina. Gusto ko matutuhan mo ang gawain pangbahay palasyo. Hindi porke't prinsesa ka wala kang gagawin," sabi niya sa akin.

"Bilang reyna lang hindi mo mapapalitan ang tunay kong ina sa isipan at puso ko," mariin kong sagot.

"Bahala ka. Sa araw na ito hindi kikilos lahat ng mga tagapagsilbi. Mula sa paghuhugas, paglalaba, pagluluto at paglilinis ikaw ang gagawa. Titingnan ko kung ano ang kaya mo. Papayagan kitang magpatulong sa ibang mga tagapagsilbi maliban kay Dorothea. At isa pa, hindi ka maaaring umatras dahil may usapan tayo."

Napanganga ako sa mga sinabi niya sa akin. Kulang na lang maging tunay na akong tagapagsilbi rito. Hindi ko akalain magagawa niya akong utusan at gawin ang mga bagay na iyon. Nung nakakasama ko pa si ina tinuturuan naman niya ako at tumutulong sa gawain pang bahay palasyo. Akala niya siguro wala akong alam. Puwes, ipapakita ko sa kaniya.

"Iyon lang ba ang utos mo?"

Siya naman ang nagulat. "Hinahamon mo ba ako? Puwes, araw arawin kaya natin ang utos ko sa iyo baka wala pang isang linggo hindi ka na lumabas ng lungga mo." Tumalikod na siya at pinaalis ang mga tagapagsilbi.

Kainis!

"Sige na, mag-umpisa ka na."

Kumain muna ako ng marami bago gawin ang mga bagay na inuutos niya. Kaya pala malakas siyang mang utos dahil wala si ama, na sa organisasyon panbayan. Pagkatapos kong kumain naglinis muna ako sa buong palasyo. Maya-maya habang nagwawalis ako nakita ko si Maddie na nakatayo at pinapanood lamang ako. Nakakainis talaga ang pagmumukha nilang dalawa.

"Bagay pala sa iyo ang maging ganiyan. Ikaw na ang pan siyam," insultong wika niya.

"Kung wala ka nang sasabihin maganda umalis ka na lang. Baka ibato ko sa mukha mo ang hawak kong walis tambo."

Inirepan niya na muna ako bago umalis.

Kainis! Kainis!

Sinunod ko naman ang maglaba at sobra akong nainis dahil dinagdagan pa ng reyna. Pati kurtina, kumot, at iba pa na mabigat pinalaba na sa akin.

Habang nagbobomba ako hinagisan ako ni Maddie ng mga damit niya sa aking mukha. Inalis ko iyon sa mukha ko at padabog na binagsak.

Nginitian niya lamang ako. "Iyan ang nababagay sa iyo. Bilisan mo diyan marami ka pang gagawin."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ko kayang labhan ang mga damit mo. Deretso ko na kaya sunugin upang wala ka ng maisuot," sabi ko at padabog na bumalik sa paglalaba.

Basang basa na ako habang nagsasampay ako ng mga nilabhan ko. At biglang dumating si Dorothea na may dalang inumin para sa akin.

"Uminom po muna kayo Prinsesa Hilary. Marahil pagod na pagod na po kayo."

Inabot ko ang inumin hawak niya at nilagok ko agad iyon.

"Salamat, ayos lamang ako."

Mabuti nang may nagagawa ako para naman walang masabi ang reyna.

"Paumanhin po, dahil hindi ko po kayo matutulungan sa gawain pang bahay palasyo. Ayaw po kase ako payagan ng mahal na reyna."

"Ayos lang, hayaan mo para naman daw matuto ako."

Tumango na lang siya.

Pagkatapos kong maglaba naligo muna ako at nagbihis upang magluto naman. Nasa kusina na ako at may isang tagapagsilbi na tutulong sa akin upang magluto. Naghiwa muna ako ng mga gulay at gagamitin sa lulutuin namin ulam. Habang naghihiwa ako, bigla na naman sumulpot si Maddie na may ngiti ang labi. Nakakaasar ang mukha niya sa totoo lang.

"Siguraduhin mong masarap ang lulutuin mo dahil kapag hindi ipapaubos ko lahat iyan sa iyo," sabi niya.

Itinaas ko ang hawak kong kutsilyo.

"Kung hindi ka tatahimik sa pangingielam sa akin, ikaw ang hihiwain ko at lulutuin kita ng buhay. Sabagay ang mahal na reyna naman ang kakain mas masarap siguro kung ikaw ang kakainin niya."

Para naman siyang nandiri sa aking sinabi.

"Magluto ka na nga lang diyan." Tinalikuran niya na kami at umalis na.

Pagkatapos kong maghiwa sinimulan ko na magluto. Sana'y naman ako kahit papaano. Gisa gisa lang, pakukuluan at iyon, luto na. Nilagay ko iyon sa isang malaking mangkok at iyon kanin naman ay nilagay ko sa isang mahabang plato. Iyon kasama kong tagapagsilbi siya naman ang bahala sa plato, kutsara, tinidor at inumin.

"Salamat ha! Paumanhin sa abala sa iyo," sambit ko sa tagapagsilbing tumulong sa akin.

"Ayos lang po, handa po kitang tulungan mahal na prinsesa."

Nagnginitian na lamang kami at hinatid na ang mga pagkain niluto namin sa lamesang aming pinagkakainan. Naabutan namin nakaupo na ang reyna at si Maddie. Nilapag namin ang aming dala at gumawi ako sa gilid. Pinagsilbihan sila ni Dorothea.

"Masaya ako dahil hindi mo ako sinuway. Inutusan ko si Maddie na lagi ka niyan tingnan baka kase mag-utos ka sa mga tagapagsilbi at hindi gawin ang utos ko," wika ng reyna at tumingin sa mga pagkain. "Sana naman masarap ang niluto mo," tugon pa niya at tinikman ang niluto ko.

Kung puwede lamang lagyan ko ng lason ang pagkain nila sana ginawa ko na kaso dahil may konsensya naman ako kahit papaano hindi ko na itinuloy.

Tumikim din si Maddie at napatingin sa kanyang ina.

"Sigurado ka bang ikaw ang nagluto nito?" tanong ng reyna.

Teka, nagdududa ba siya?

"Opo mahal na reyna si Prinsesa Hilary po ang nagluto niyan .Ako po ang nakasaksi kaya huwag na po kayo magduda," sambit nong tagapagsilbi na kasama ko sa pagluluto.

Tinignan ako ng maigi ni Maddie. "Masarap, huwag muna uulitin."

Ano kaya iyon? Ayaw pang umamin ng dalawang ito.

Pagkatapos kumain ng dalawa kami naman ang kumain ng mga tagapagsilbi. Halos tumigil din ako sa pagkain dahil busog na ako at anoman oras ay baka masuka na ako.

"Ayos lang po ba kayo mahal na prinsesa?" tanong nong isang tagapagsilbi.

"O-oo, nabusog lang ako."

Ilan sandali ako nagpahinga. At narinig kong dumating na si ama at Esperago Easton. Pero nagtataka ako dahil may iba pa siyang kasama. Dahan dahan ako naglalakad papalabas at naabutan ko si ama na kausap si...Prinsipe Jv? Bakit nandito siya? Bakit magkasama sila ni ama? Lalabas sana ako ng palasyo na harangan ako ni ama. Nararamdaman kong parang may umiikot sa tiyan ko. Naku, mukhang sumasama ang pakiramdam ko.

"M-may kailangan po ba kayo?" Hindi pala alam ni ama na nagpapanggap akong isang tagapagsilbi sa harap ni Prinsipe Jv.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka at-"

Hindi na natuloy ni ama ang pagsasalita nang bigla akong napahawak sa bibig ko. Nararamdaman kong lalabas na lahat ng kinain ko. Lalabas na talaga ako ng palasyo na hawakan akong muli ni ama. Hindi ako makapagsalita dahil nakatakip nga ng kamay ko ang aking bibig. Hindi ko na kaya kaya naisuka ko na lang ito kaagad. Huli na napagtanto ko na nasa likuran pala ni ama si Prinsipe Jv at siya lang naman ang nasukahan ko. Gulat na gulat akong mapatingin kay Prinsipe Jv. Subalit wala naman reaksyon ang mukha niya habang nakatingin din sa akin.

Lagot na, ang dami munang atraso sa kanya Hilary.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon