Chapter 51

849 31 4
                                    

Isang buwan muli ang lumipas at ngayon ang hinihintay na espeyal na selebrasyon ng lahat. Ito na ang araw na ikakasal na kami ni Jv. Sa St. Jago kami ikakasal ako ang pumili ng simbahan dahil iyon rin ang una namin pagkikita. Sa ngayon kasama ko si ina na inaayusan ako. Hindi ko talaga akalain na darating ako sa puntong ito. Tama naman si ina na dapat sa ibang bagay na ako tumuon hindi lamang puro sa kanila.

"Alam mo Hilary naalala kita noon ikakasal din kami ng iyong ama. Kasing ganda mo ako at hindi ko rin akalain na ako pipiliin ng iyong ama. Alam ko naman hindi ka pababayaan ni Prinsipe Jv. Nakikita ko sa kanya na tapat siyang magmahal sa iyo. At sana kapag nagsama na kayo hindi mo pa rin kami makalimutan."

"Ina, kayo pa rin ang pamilya ko. Kahit anoman ang mangyari mahal na mahal ko kayo ni ama."

"Basta ang mahalaga nandito lang kami parati sa tabi mo."

Nag nginitian kami at lumabas na nang kuwarto. Si Esperago Easton ang makakasama ko sa isang engrandeng kalesa. Nauna muna umalis sina ina at ama bago kami sumunod. Maya maya lamang ay nasa St. Jago na kami. Dito na ako kinabahan ng matindi at mabuti na lamang ay nandyan si Esperago upang alalayan ako.

"Ngayon ko napagtanto na hindi kana talaga bata." Gusto ko matawa o mainis sa sinabi niya.

"Tsk, ikaw lang naman ang isip bata sa atin." Sabi ko na lang.

"Haha parehas na kayo ni Dorothea iniwan ako sa ere."

"Ano ka ba, nandito pa rin naman kami kahit may kasama na kami sa buhay. Hindi ko makakalimutan lahat ng sakripisyo mo sa akin. Kaya naman huwag ka na magtampo d'yan." Natatawa kong sabi.

Bumaba na sina ina at ama at pinuntahan ako. At dahan dahan kami pumunta sa pintuan ng simbahan. Nang makapuwesto na kami dahan dahan bumukas ang pinto at bumungad ang maraming bisita. Lahat sila ay bakas sa mukha ang saya. Kitang kita ko na nagtagumpay talaga ako sa kapayapaan at kasiyahan ng buong Hagerdon. Naglakad na kami at 'di ko maiwasan maluha. Naalala ko kase na naman ang mga alalang parang kahapon lamang nangyari. Pati mga aalala ko kay Jv ay kusa rin bumabalik. Siguro ito ang simbolo na kailangan ko na itapon ang mga hindi maganda at itago na lang ang mga magaganda. At ngayon gagawa na lang ng panibago at masayang alaala.

Nakita ko sina Dorothea, Janna, Aling Marta, Lira, Cyro, Chryses, Camila, Euna, Linley at Maddie. Sa kabila naman ay sina Kreios, Isiro, Carter, Esperago Easton, nga opisyal, Chase, at Levi. Sila ang mga taong naging parte ng buhay ko. Mayroon man nawala at mayroon man kailangan maparusahan ganoon talaga may mga tao talaga na kailangan itaya ang buhay para maging malaya muli.

Binitiwan na ako nina ina at ama at ngumiti lamang ako sa kay Haring Rennedy na katabi ni Jv. Humawak na ako sa kamay ni Jv na nakalahad sa akin. At humarap na kami kay Father Timothy.

Ako si Prinsesa Hilary ang babaeng magiging asawa na ni Prinsipe Jv. Ito ang bagong istorya at kabanata ng buhay ko. Marami man pangyayari na pinagdaanan mananatili pa rin iyon historya sa buong Hagerdon. At ako ang pinakamagandang sagot sa lahat.

*****

Isang taon ang lumipas

"Janna, pakiayos ang mga gamit ng kambal. Pagkatapos, sumunod ka na samin."

"Sige po,"

Buhat buhat ko ang pagkain at lumabas para ilapag sa mahabang lamesa. Kumpleto na pala kaming lahat. Hinanap ko naman agad si Jv para samahan ako asikasuin ang mga kaibigan namin. Kaso, kanina pa siya nawawala sa paningin ko.

"May problema ba?" napalingon naman ako kay Maddie.

"Nakita mo ba si Jv? Kanina ko pa siya hinahanap."

"Hindi. Maupo ka muna, baka nand'yan lang iyan sa tabi tabi."

Sana nga. Lumabas na rin si Janna para ihanda pa ang ibang pagkain. Nasa Windsor kami at magkakaroon ng isang malaking kainan para sa mga taong malalapit sa amin ni Jv. Isang taong anibersaryo kase namin kaya naghanda kami. Mabuti na nga lang dumating lahat ng inaasahan namin. Ang laki na ng pinagbago ng iba at mukhang masaya naman sila.

Mula kay Dorothea na asawa na niya si Isiro. Si Chryses na malapit na ikasal kay Kreios. Ang pinsan kong si Chase na kasintahan si Euna. Si Carter na kasintahan naman si Linley. Sina Aling Marta at sina Lira at Cyro na malalaki na. Si Esperago Easton na pinuno na nang mga kawal at kanang kamay na ni Jv. Nandito rin sina Father Timothy, mga ipisyal, Camila at sina Maddie at Levi na may isang anak. Malaki man ang pinagbago at hindi inaasahan ang mga pangyayari lahat naman ay maganda ang idinulot. Nawala ang pag iisip ko na nasa tabi ko na pala si Jv kasama sina ina at ama.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagdalo sa anibersaryo ng aking anak na si Hilary at Jv. Bukod sa espesyal na selebrasyon may isa pang espesyal sa araw na ito." Panimula ni ama.

"Ano naman iyon, mahal na hari?" tanong ng isang opisyal.

"Simula ngayon hindi na ako ang bagong hari sa palasyong Windsor." Taka naman ako mapatingin kay ama.

"Dahil ngayon ang trono namin dalawa ni Laurent ay ipapasa na namin sa dalawang ito." Wika naman ni ina.

"Ako si Laurent ay pinapasa ang trono mula kay Jv. Siya na ang bagong hari ng Windsor at Cheneley." Humarap si ama kay Jv. "Ikaw ay inaasahan ko sa lahat ng bagay. Malaki ang paniniwala ko sa iyo na magagawa mo pagandahin at patakbuhin ang dalawang palasyo. Huwag kang mag alala nandito pa rin naman ako para tulungan at gabayan ka."

"Maraming Salamat po,"

"Ako naman si Canberra na pinapasa ang trono mula sa aking anak na si Hilary. Siya na ay ngayon Reyna ng Windsor at Royal. Bilang ina mo, malaki rin ang tiwala ko sa iyo. Nagawa mo nga agawin muli ang Windsor kaya sobra na ang tiwala ko sa iyo. Mahal ka namin anak at nagpapasalamat kami sa lahat ng nagawa mo at magagawa mo pa lamang."

"Maraming salamat po ina."

Itinaas na namin ang mga hawak namin alak at sabay sabay na ininom hudyat na ito na ang bagong simula sa amin ni Jv. Kung matapos man ang kuwentong ito alam kong hindi matatapos ang pagmamahalan at pasasalamat namin.

-WAKAS

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now