Chapter 34

443 21 4
                                    

"Mahal na prinsesa," napabangon ako kaagad na yugyugin ako ni Dorothea. Bakas sa mukha niya na may malaking problema.

"Kailangan ninyo bumaba hinahanap kayo ng mahal na reyna." Tila kinakabahan siya at 'di ko rin maiwasan kabahan.

Sa amin pag baba nakita ko si Maddie, Pinunong Hermios, at ang mahal na reyna. Anong nangyayari?

"Anong kaganapan ito?" panimula ko.

"Matagal ako nawala at sa pag kawala ko may tao na pa lang tumatraydor sa akin. Nawawala si Janna at ikaw ang huling kausap niya bago siya mawala. Sabihin mo nga sa akin, saan mo siya dinala."

Alam na pala nila na wala na si Janna sa palasyong ito. Pinautos ko kay Esperago Easton na dalhin siya sa Fort Appollonia at ikulong muna. No'ng una may balak akong ipatapon na lang siya sa kung saan ngunit kung gagawin ko iyon maaring bumalik siya dito at isumbong ako sa Reyna. Sabagay malalaman rin naman nila iyon. At wala ako kinatatakutan. Ngayon ko sisimulan ang plano ko.

"Nag kausap nga kami. Pero pag katapos iniwan ko na siya. Pinapalabas mo ba na may ginawa akong masama kay Janna?"

"Alam mo Hilary, hindi ka lang magaling umarte magaling ka rin gumalaw ng talikuran. Huwag ka na mag sinungaling dahil alam ko kung ano ang ginawa mo kay Janna."

Kinabahan ako at parang umurong ang dila ko.

"May nag sabi sa akin ng totoo. At hindi ko ito palalagpasin Hilary. Matapang ka lang pero hindi kayang lumaban. Kung gusto mo talaga mapaalis kami at makuha lang ang trono mo subukan mo ingatan lahat ng ginagawa mo. Sa palasyong ito marami ang mata na nakasubaybay sa bawat galaw mo. Tawagin niyo si Pilar,"

Humigpit ang hawak ko kay Dorothea. Ang pag kakaalam ko mahigpit kaming nag-ingat. Hindi kaya may traydor sa mga kasama ko? Dumako ang tingin ko kay Dorothea subalit mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya napailing siya sa akin. Hindi rin kaya si Esperago Easton ngunit hindi maari matagal na siyang kakampi.

Dumating ang isang babae. Siya iyong tumulong sa akin sa pag luluto no'ng maparusahan ako.

"Kumalma ka Hilary, hindi pa nag sasalita ang testigo at mukhang takot na takot ka na. Akala mo kase palagi kang sinuswerte. Paano kaya kung sabihin ko kay Jv kung ano ginawa mo. Panigurado, masisira ang pangalan at reputasyon mo bilang orinsesa." Wika naman ni Maddie.

"Magandang umaga po, mahal na reyna." Pagsalita ng tagapagsilbi. Ano naman nalalaman niya?

"Sabihin mo kay Hilary at sa tagapagsilbi niya kung ano ang nakita mo. Eksaktong sinabi mo sa akin kahapon."

"Kinagabihan no'ng araw dumating ang mangaggamot sinabi sa akin ni Janna na pinagbibintangan siya ni Prinsesa Hilary na papatayin daw niya marahil ang mahal na hari dahil sa gamot na pinapainom niya. Kaya sinabi ko kay Janna na gawin niya lamang kung ano ang tama. Pagkatapos bigla na lang nawala si Janna. At nakita ko ang prinsesa at si Dorothea na pumunta sa isang kuwarto. Doon ko nakita na kinakusap nila si Janna. Pinapaamin na may balak nga siyang patayin ang mahal na hari. At kinabukasan bigla na nga lang nawala si Janna hanggang sa ngayon." Paliwanag nito.

Humakbang ang reyna papalapit sakin.

"Nasaan si Janna?" Mariin niyan tanong.

Bumitaw ako kay Dorothea at sinamaan ko ng tingin si Pilar. Bago ako sumagot sa walang kwenta na reyna.

"Oo, ginawa ko iyon kay Janna dahil sa umpisa pa lang inutusan mo siya painumin si ama ng maling gamot. Para ano? Gusto mo siyang mamatay para makuha ang palasiyo at trono. Sa ating dalawa ikaw ang makikinabang. Plinano mo ang lahat ng ito." Tumawa siya na malakas at bigla niya ako sinampal ng malakas. Halos nagulat ako sa ginawa niya at napahawak sa pisngi na sinampal niya.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now