Chapter 3

1.6K 102 1
                                    

Kinabukasan dumating si ama subalit umalis din siya kaagad dahil kakausapin niya ang mga hukbo para hanapin ang taong sumisira sa palasyo. Si Maddie at ang mahal na reyna naman ay umalis para puntahan ang prinsipe ng Cheneley. Jv ang kanyang pangalan, iyon ang narinig ko mula kina Maddie.

At ako naman ay mananatili lamang dito. Hindi naman sa wala ng pakielam sa aking ang hari, sadyang marami lamang siyang ginagawa. Wala siyang oras upang makausap o kumustahin lamang ako.

Ang mahal na reyna ang nagbabantay ng Windsor at pati na rin sa akin, pinagbilin ng hari na hindi ako maaari lumabas kaya nga tumakas ako kahapon. Dahil ayaw nila akong madamay sa mga kaguluhan nila at isa pa hindi ako maaring makilala ng lahat na isa akong prinsesa at anak ni Canberra ang aking Ina. Kaya lagi lamang ako sa loob.

"Mahal na prinsesa, ito na po ang mga librong nais ninyong basahin." Inilapag ni Dorothea sa harapan ko ang mga librong pinakuha ko sa kanya. Wala kase ako magawa kaya magbabasa na lamang ako.

"Maraming salamat, Dorothea bumalik ka na sa iyong trabaho."

Tumango siya at umalis na.

Kinuha ko ang librong nasa tapat ko. Ang pamagat nito ay 'Pagtatago sa Hinaharap' binasa ko ito at hindi ko akalain na kamukha ng istoryang ito ang aking istorya, na hindi ko makilala ang hinaharap ko dahil pinagtatakpan ng marami kaya lagi na lang ako nagtatago sa aking bahay palasyo. Hanggang kailan kaya ako magtatago at kailan ang araw na makikilala ako ng lahat?

Pagkatapos ko magbasa, ako na lang ang nagbalik ng libro sa lagayan nito. Pagkababa ko nakita kong kausap ng isang tagapagsilbi ang pinuno ng mga kawal si Hermios. Hindi ko na lang pinansin at naglakad ako patungo sa silid aklatan.

Pabalik na sana ako sa aking kuwarto ng makita ko na kausap pa rin ni Hermios ang isa sa mga tagapagsilbi namin. Ngunit iniwan na rin siya agad ni Hermios. Gumawi ito sa isang sulok at doon umiyak, nilapitan ko siya agad upang makausap. Nagulat pa ito at napahinto sa pag-iyak na makita ako.

"M-Mahal na prinsesa ano po ginagawa ninyo rito? M-May kailangan po ba kayo?" tanong niya at mabilis na pinunasan ang luha upang hindi ko makita.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Yumuko siya at napaiyak muli. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat upang tumahan.

"Paano po kase pinagkamalan po ako ni Pinunong Hermios na isa ako sa mga tagasalin ng impormasyon sa mga kalaban. Hindi ko po iyon magagawa."

"Tahan na. Hayaan muna, wala naman silang ebidensya laban sa iyo kaya wala ka dapat ikaiyak."

Ngumiti siya at pinunasan muli ang luha. "Sabagay po mahal na prinsesa, marami pong salamat sa inyong pag-alala." Nagpaalam na siya sa akin para bumalik sa trabaho niya.

Pinuntahan ko ang pwesto ng mga kawal at saktong kumakain sila.

"Mahal na prinsesa narito po pala kayo," gulat na sambit ng isang kawal.

"May maiitulong ba kami sa iyo mahal na prinsesa?" sabi naman ni Pinunong Hermios at lumapit sa akin.

"Gusto ko lang sana makausap ka na tayong dalawa lamang."

Napalingon siya sa mga kasamahan niya at pinaalis muna ito habang kumakain.

"Ano iyon mahal na prinsesa?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit mismo sa loob ng ating
Palasyo kayo nagmamanman. Hindi ba dapat sa labas? Nakikita ko naman kase na walang traydor dito."

"Pasensya na sinusunod ko lamang ang utos ng mahal na reyna. Para na rin iyon sa inyong kaligtasan."

Tumango ako sa kanyang sinabi, tama naman siya.

"Sabagay, subalit gusto ko lang ikaw palalahanin na mag-ingat ka sa iyong panghihimasok sa mga buhay ng ibang tao, mahirap na baka imbis na mahal na reyna ang balikan nila ikaw agad," sabi ko sa kanya na walang alinlangan.

"Sige po, mahal na prinsesa."

*****

Gabi na salo salo kami ng Reyna at ni Maddie kumain ng hapunan. Subalit napansin kong walang gana kumain si Maddie at panay dabog sa pagkain niya.

"Ehem, Maddie kung may problema ka hindi mo dapat ito binubuntong sa iyong pagkain. Masama iyon ginagawa."

Masama siyang napatingin sa akin. "Huwag kang makielam. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito palibhasa wala kang pakielam sa mga nasa paligid mo," sumbat niya sa akin at nagdabog muli.

"Maddie umakyat ka na lang sa kuwarto mo kung wala kang ganang kumain," sabi ng reyna sa kanya.

Biglang tumayo si Maddie at iniwan kaming dalawa.

"Sinabi sa akin ni Hermios na kinausap mo raw siya. Bakit mo ginawa iyon? Mas maganda na kilalanin natin ang bawat isa rito. Baka kase wala naman talaga ang kaaway ko sa labas."

Nagsumbong pala ang Hermios na iyon.

Napatingin ako sa kanya at bumuntong hininga muna ako bago ko siya sagutin.

"Ayoko lang na isipin na wala kayong tiwala sa mga tagapagsilbi. Matagal na sila rito mas nauna sila kumpara sa inyo. Kaya hindi ako nagdududa na mayroon silang kinalaman sa mga naninira."

Napaiwas siya ng tingin at napaisip ng malalim.

"Kung sabagay tama ka naman, subalit anuman ang sabihin mo hindi ka dapat nakikielam sa mga usapin ko at sa mga naninira sa Windsor. Wala ka naman kakayahan na ipagtanggol at ipagmalaki ang iyon sarili. Kaya dapat magkulong ka na lang sa kuwarto mo." Tsaka siya tumayo at iniwan ako sa hapag kainan.

Habang nasa kuwarto ako at nakahiga hindi ako makatulog. Iniisip ko kase ang aking ina, dadalawin ko siya bukas sa Fort Apollonia.

Maaga ako nagising upang maghanda sa pagpunta kay ina. Nagpaalam ako sa Reyna na dadalaw lang ako kay Father Timothy sa St. Jago Church. Kilala naman iyon ni Eleanor magkaibigan din sila ni ama kaya ayos lang na payagan niya ako makalabas ng Windsor.

Hinatid naman ako ni Pinunong Hermios sa St. Jago Church dahil wala si Esperago Easton, kanang kamay ni ama. Pagdating ko sa St. Jago Church hindi muna ako pumasok, hinintay ko makaalis si Pinunong Hermios. Naglabas ako ng telang pantakip sa aking mukha at naglakad papunta sa Fort Apollonia. Mabuti na lamang ay sakto ang panahon hindi mainit at malamig, katamtaman lamang. Babalik din ako agad sa St. Jago upang hindi ako paghinalaan na pupunta pala ako sa aking ina.

Huminto ako sa Good hope Lake, napahinga ako ng maayos dahil sinasalubong ako ng hangin. Masarap sa pakiramdam. Dito ko na nararamdaman na malaya ako at walang sinuman hahadlang sa akin.

"Binibini?"

Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko ang isang matandang babae na may dalang pagkain. Taga kabilang Bayan siguro siya.

"Dadaan ngayon ang hari at prinsipe ng Cheneley magbigay tayo ng galang sa kanila," sabi niya at napatingin ako sa paparating na kabayo sakay ng mga tauhan ng Cheneley.

Bigla akong yumuko nong dumaan ang prinsipe at kasunod ang hari ng Cheneley na si King Rennedy, anak pala niya si Prinsipe Jv. Subalit nagulat ako na huminto siya sa aming harapan.

"Ipagpaumanhin ninyo saan ba ang patungo ninyong dalawa?" tanong sa amin ni Haring Rennedy.

Nagtaas ng tingin ang matandang babae na kasama ko at siya na mismo ang unang sumagot.

"Ako po ay papuntang palengke sa kabilang Bayan."

Tumingin naman sa akin ang hari. "Ikaw binibini saan ka patungo?"

"U-Uhmm... sa St. Jago Church po," sambit ko.

"Hmmm ganoon ba gusto niyo ba ng maghahatid sa inyo?"

Sabay kami nagkatinginan ng matandang babae at napailing sa hari. Ngumiti na lang ang Hari at nagpaalam na. Napahinga naman ako ng maluwag. Nagpaalam din ako sa matandang babae dahil kailangan ko na makapunta sa kinaroroonan ni ina. Mabuti na lang ay hindi nila ako nakilala.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now