Chapter 42

450 22 1
                                    

Pagsikat ng araw nagpaalam ako kay Dorothea na may pupuntahan lamang ako. Ayoko kaseng magpasama kahit alam kong maari akong mapahamak. Wala naman masyadong tao sa labas kaya malaya naman akong makakapunta sa Windsor. Ilan minuto lamang nakarating din ako subalit may dalawang kawal ang nagbabantay. Paano kaya ako makakapasok? Bigla na lang ako nangiti na may maisip akong ideya. Lumapit ako sa dalawang lalaki, binati ko muna sila.

"Anong kailangan mo?"

"Pinatawag ako ng mahal na reyna ako kase ang bagong magbabantay sa mahal na hari. Ngayon niya ako pinapupunta."Saad ko hindi naman nila makikilala dahil nagsuot ako ng telang pantakip sa mukha.

"May maipapakita ka bang ebidensiya kahit sulat para maniwala kami."

Kinuha ko sa bulsa ang isang maliit na papel. Bago rin ako umalis nagpagawa ako kay Camila ng sulat para kung sakali 'di ako papasukin bilang prinsesa ay may iba pang paraan pa. Iniabot ko ito at tiningnan naman ito ng dalawa. Nang parang naniniwala naman sila ibinalik nila sa akin ang papel at binuksan na ang tarangkahan.

"Maraming salamat po,"

Bumigat ang kalooban ko na muli akong makatuntong sa Windsor. Ganoon pa rin naman ito subalit ibang iba na ang presensiya ultimo para bang walang nakatira sa sobrang katahimikan. Marahil wala ngayon ang reyna. Dahan dahan ako naglakad sa likuran upang walang maaaring makakita sa akin.

May nakita akong bukas na pintuan sa may bandang kusina. Nakita ko roon iyon babaeng pinagbigyan ko ng kahon. Tinawag ko siya at nagulat ito na makita ako. Dali dali naman siyang lumapit sa akin.

"Mahal na prinsesa, anong ginagawa mo rito?"

"Sino ang tao sa loob? Si Maddie ba?"

"Walang narito. Ang mahal na reyna ay nasa organisasyon panbayan at si Prinsesa Maddie naman ay nandoon kina Euna. Pumasok ka muna," lumilinga ako sa paligid baka kase may makakita sa amin.

"Ano ba ang pakay mo rito?"

"Dadalawin ko sana si ama. Nag-alala na kase ako sa kanya." Sabi ko.

"Hindi ko naman pinapababayaan  ang mahal na hari kagaya ng sabi mo palagi ko naman siyang tinitingnan sa kuwarto. Tsaka nga pala may bago na naman kaseng nagbabantay sa kanya kaya minsanan lang ako makapunta sa kuwarto niya."

"Sino ito?"

"Lia ang pangalan niya kamag-anak din ng mahal na reyna. Lalong humigpit ang pagbabantay simula no'ng mamatay si Janna." Hindi ko mapigilan mainis ayaw niya talagang gumaling si ama. Nagsabi ako sa kanya na kausapin at ilayo muna niya si Lia para naman mapuntahan ko si ama.

Na magawa na ang plano namin pumasok na ako sa kuwarto ni ama. Halos matumba ako sa naging kalagayan niya. Lalo siyang pumayat, pumuti na rin ang mga buhok at namumutla ang kulay ng balat. Napahagulgol na lang ako at hinanap ang papel na isinulat ko noon sa kanya. Mabuti na lamang nandito pa ito. Napukaw ng atensiyon ko ang isang gamot na nakapatong sa lamesa. Agad ko itong kinuha at itinago sa bulsa. Kailangan kong malaman kung anong gamot iyon. Isa rin ang dahilan kung bakit ako nandito. Ang ipagpalit ang gamot, may dala akong gamot na magpapagaling kay ama. Minadali ko ang pagpalit baka kase anoman oras bumungad dito 'yong Lia. Pagkatapos ko magawa iyon hinalikan ko si ama sa noo. Hindi ko siya makausap kahit gusto ko, mahimbing kase ang tulog niya.

-----

"Narito na sila mahal na prinsesa,"

Inayos ko na ang sarili ko at bumaba. Pinagtipon kase ni Esperago Easton at ni opisyal Castro ang lahat ng mga kasamahan ni ama sa organisasyon panbayan. Nalaman ko kase na magiging abala si Reyna Eleanor sa gaganapin annibersayo ng Windsor sa pagkatatag nito. Kaya inutusan ko ang dalawa na kausapin ang mga opisyal at kakausapin ko sila kung gaano kasama ang reyna. No'ng una ayaw nila pumayag hangga't may permiso ni Reyna Eleanor. Subalit nalaman nila ako mismo bilang prinsesa ang kakausap sa kanila ay pumayag na rin sila.

Walo ang opisyal na natira sa organisasyon panbayan. At lahat sila ay niloko at pinaikot ng reyna. Nasa isa kaming lugar kung saan tago at walang makakaalam. Ang kasama ko ay sina Esperago Easton, opisyal Castro, Dorothea at Isiro. Plinano namin ito para mapabagsak ang reyna.

"I-ikaw ba talaga ang anak ni Laurent." Isa sa mga opisyal.

"Ako nga at wala ng iba. Pinatawag ko kayo para ipaliwanag ang lahat."

"Subalit sabi ni Reyna Eleanor ay isa lamang ang prinsesa ng Windsor at si Prinsesa Maddie iyon. At isa pa malapit na raw mamamaalam ang mahal na hari. Lumubha na raw ang sakit niya at wala ng gamot panlunas." Ibinagsak ko ang kamay ko sa mahabang lamesa kung nasaan nakaupo ang walong opisyal. Tila nagulat sila sa ginawa ko.

"Makinig kayong mabuti. Ako lamang ang prinsesa ng Windsor natatandaan ninyo ba si Canberra ang unang asawa ni ama, siya ang aking ina. Nakagawa siya ng kasalanan hindi niya ginawa. At ako ay itinago sa loob ng palasyo at kailanman ay hindi pinalabas at pinakilala. At ngayon hindi ko na ito palalagpasin pa. Kukuhanin ko ang Windsor at ibabalik sa dati ang lahat. Kaya ko kayo pinapunta rito ay para tulungan ako at mapabagsak si Reyna Eleanor."

"Sandali ano kamo? Alam ba ito ng mahal na reyna? Kakalabanin mo ang kinikilala mong ina?" napapikit ako sa inis, ang hirap naman nila makaintindi.

"Si Reyna Eleanor ang dahilan kung bakit pinagbintangan at ipinakulong si ina. Siya rin ang may kagagawan kung bakit nagkakasakit sa ngayon si ama at kung bakit ako wala nasa Windsor. Pinalayas niya ako para tuluyan kuhanin ang palasyo at ang mga ari-arian namin. Siya rin ang may dahilan kung bakit lahat ng mga taga bayan ay napaalis sa loob ng Hagerdon kung bakit nagproprotesta ang mga ito. Ang hinihingi ko lang ay tulungan ninyo akong itama ang lahat. Kung papayag kayong si Reyna Eleanor ang mamumuno ng buong Hagerdon mapupunta ito sa masama at malalagay sa peligro."

"May gusto akong idagdag," ani naman ni opisyal Castro. "Kilala niyo naman ako, ako ang kanang kamay ng mahal na hari. Alam niyo naman wala akong nilabag ni isa sa batas ng mga opisyal. Ang reyna na iyon ang dahilan kung bakit ako napaalis kase alam niyan tututol ako sa lahat ng desisyon niya. Hindi ako kusang umalis, kinausap niya ako at magpanggap na magtatrabaho ako sa ibang palasyo binantaan niya rin ang buhay ko. Sobra akong nagalit sa nagawa niya kaya eto gagawin ko ang lahat para makabalik ako sa organisasyon at matulungan ang mahal na hari."

"Ako naman may isasaad din," taas kamay ni Dorothea. "Ang mahal na hari ay hindi kusang nagkasakit. Malakas ang pangangatawan niya kahit kelan ay hindi siya natamaan ng malubhang sakit. Ang mahal na reyna ay may pinaiinom na gamot sa hari para ito ay magkasakit. Nalaman namin ito ni Prinsesa Hilary at nalaman ng reyna na may alam kami kaya nga kami pinalayas sa Windsor. At hanggang ngayon ay lumulubha pa rin ang sakit ng hari. May dala akong gamot na kung saan binibili ito ni Pinunong Hermios sa tagong bayan." Inilapag iyon ni Dorothea sa lamesa at isa isa nila itong tiningnan.

"Ang nais namin ay kapayapaan sa lahat. Maibalik ang mga taga bayan sa loob ng Hagerdon. Mabigyan sila ng pagkain at trabaho. Ang mga mahaharlika naman ay maibalik din ang buwis na isinisingil ng reyna at makipagtulungan na hulihin ang mga kahina hinalang tao." Wika naman ni Esperago Easton.

Mahaba pa ang talakayan na isinawalat namin sa mahal na reyna. Syempre no'ng una hindi sila naniniwala dahil nga nabilog na sila ni Reyna Eleanor subalit hindi kami tumigil na makipag-ugnayan sa kanila. Gagawin namin ang lahat para itama ito.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now