Chapter 39

439 23 0
                                    

Dalawang araw ang lumipas nanatili pa rin ako sa isang masikip at walang laman na kuwarto. Inalis na nila ang upuan at nakaupo na lamang ako sa sahig subalit nakatali pa rin ang kamay ko. Maya maya naman pumapasok si Levi sa kuwarto para bigyan ako ng pagkain at samahan kahit sandali. Pero hindi mawawala sa akin ang galit at masaktan sa ginagawa niya. Panigurado marami na ang naghahanap sa akin.Sana may dumating man lang para tulungan ako.

May pumasok sa kuwarto ko pero hindi ko ito pinansin. Alam kong si Levi lang ito. Ngunit nagkamali pala ako na may humila ng buhok ko at iniangat ang ulo ko. Laking gulat ko na nasa harapan ko na pala ang reyna ng Dark Castle. Ang ina nina Levi at Chryses. Tama, may makakatulong pa sa akin ang matalik kong kaibigan.

"Nagkita rin tayo sa wakas binibini," nakangiti niyan wika at bintiwan na ang buhok ko. Napapikit na lang ako sa sobrang sakit. "Hindi mo man lang ba ako babatiin? Tsaka ang suot mo, tila nanggaling ka sa isang selebrasyon ah naalala ko nga pala dumalo ka nga pala sa kasalanan hindi natuloy. Matalino talaga ang anak ko at palagi niya ako sinusunod."

"Anong kailangan ninyo sa akin?Bakit mo ito ginagawa?" Sa wakas nagsalita na rin ako. Pinantay niya ang mukha niya sa akin at kitang kita ko sa mukha niya ang kakaibang awra na nakapagbibigay sa akin ng takot.

"Hindi mo alam? Wala bang nabanggit ang iyong ama?"

Si ama? Anong kinalaman niya rito? Kahit kelan wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa mga Dark Castle. Sa malamang itinago niya ito para hindi ako mag-alala.

"Mukhang wala kang alam. Sige handa naman ako ikuwento sa iyo lahat. Unawain mong mabuti para naman malaman mo ang mahal mong buhay ang kailangan itaya rito."

Una ayokong makinig para saan pa kahit naman ikuwento niya lahat paano ako maniniwala. Maari niya itong bawasan o kaya dagdagan. Kilala ko si ama wala siyang ginagawa. Subalit nagkamali ako unti unti kong iniintindi lahat ng sinasabi niya. Sa maliit man o malaki napapaniwala niya ako. Pero kung si ama ang tatanungin mas maganda na sa kanya na mismo manggaling. Hindi ko siya kilala isa lamang siyang reyna na walang nakakakilala sa kaniya.

Sa buong kuwento niya ang naintindihan ko lamang ay biglang lumusob si ama kasama ang mga tauhan nito sa Windsor Castle. Hinanap ang hari ng Dark Castle at walang ano ano na pinatay. Ang dahilan kung bakit niya ito ginawa dahil sa aking ina. Nagkaroon daw kase sila ng relasyon, nang malaman ito ni ama nagalit siya at hindi na nakontrol ang galit niya. Hindi rin alam ng reyna na mayroon relasyon ang asawa niya at si ina. Naghihiganti lamang siya kay ama dahil sa ginawa nito mahal niya ang asawa niya at ganoon na lamang ang ginawa. Ang hangad niya lamang ay mabuo silang muli at may tumatayong ama kina Levi at Chryses. Kaya eto kinuha niya ako at ewan ko kung ano ang balak niya. Pagbabayaran daw ni ama ang lahat ng ginawa niya. Simula na mawala ang asawa niya galit at paghihiganti lang ang nais niya. Nalaman ko rin iyon mga kalalakihan bigla bigla na lamang umaatake at hinahanap ako ay mga tauhan niya bukod kay Levi. Si Demetri na nakilala ko sa kaarawa ni Levi ay siyang nagsabi na hinihila nila akong totoong prinsesa ng Windsor. Kaya hindi nila ako tinigilan hanggang malaman na nga ng grupo nina Levi.

Ang buhay nga naman ay mapaglaro at puno ng misteryo. Nakakapod pero kailangan lumaban. Pagkatapos namin mag-usap hindi na pumasok si Levi sa kuwarto ko. Walang anino niya at wala man lang naghahatid ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom. Madumi na nga ako at pumayat ng unti.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Nagtaka nga ako kase iba ang kinikilos niya. Dali dali niyan tinanggal ang takip sa mukha niya.

"I-isiro?"

Sumenyas siyang wag akong maingay mabilis siyang lumapit sa akin at lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Baka kase mahuli siya at baka may gawin iba sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" mahina kong tanong sa kanya.

"Si Chryses sa kanya ko nalaman lahat. Magkasama kami ni Dorothea at pinuntahan ka sa St. Jago nandoon si Father Timothy at Carter. At bigla na lang dumating ang prinsesang iyon. Sinabi niya sa amin na nandito ka nga raw sa palasyong ito. Gusto ka niya tulungan subalit pinagbawalan siya ni Prinsipe Levi. Tumakas lang siya saglit para ipaalam samin ang nangyari sa iyo."

Ibig sabihin alam na ni Levi na ako ang matalik na kaibigan ni Chryses kasinungalingan na naman ulit. Mabuti na lang maasahan siya. Malaking pasasalamat ko ito sa kanya.

"Kaya ako nandito para iligtas ka."

"Paano ka nakapasok? Wala bang nakakita sa iyo?"

"Wala naman. Ligtas akong nakapasok kaya kailangan na natin tumakas bago mahuli ang lahat." Nakarinig kami ng kaluskos at sabay kami napalingon sa pintuan. Todo na ang kaba ko at baka mahuli talaga siya. Naging alerto naman siya at sa pag bukas ng pinto ay siyang nagtago sa likod nito. Mabuti na nga lang mag-isa lamang si Levi.

"Bukas na ang hatol mo. Sinabi sa akin ni ina, kung ano ang gagawin niya sa iyo. Tumutol ako ng una kase nangako ako sa iyo na hindi ka nila maaaring masaktan. Kaya lang buhay ko rin ang nakataya kung sakaling pigilan ko siya. Sa kabilang kuwarto nandoon ang kapatid ni Carter."

Si Camila? Anong gagawin nila bakit idinamay pa siya?

"Sa kanya ko nalaman na ikaw ang totoong prinsesa ng Windsor. Wala pa akong alam kung ano ang magiging parusa niya."

"Tsk, nagbago ka na talaga? Ibang iba ka na sa Levi na nakilala ko. Nang dahil sa maliit na pagkakamali para sa iyo malaki na. Inaasahan ko naman iyon, na hindi ako ang pipiliin mo kase nga ayaw mo malagay sa peligro. Alam kong nasaktan kita pero nasaktan din ako Levi. Mas masahol pa ang ginawa mo kesa sa nagawa ko. Sobrang dismaya ako sa iyo kaya tama lang na .......hindi kita pinili. Kase iyon taong pinagkakatiwalaan mo sila pa 'yong magtratraydor sa iyo. Sana pag namatay ako ayoko na makita ka pang muli. Sinusumpa ko, pagsisihan mo ang lahat."

Walang lumabas sa bibig ni Levi kusa siyang lumabas ng kuwarto. At tanging inaalala ko ay si Camila. Kahit na siya ang naging dahilan kung bakit ako nandito ay responsibilidad ko pa rin siya.

"Bilisan na natin tumakas baka may pumasok pa," hinawakan ko ang kamay niya at sabay iling.

"Mabuti kang kaibigan Isiro. Ang mas kailangan mo iligtas ang buhay ni Camila. Huwag mong hayaan na maabutan kayo, gawin mo lahat para makabalik siya sa St. Jago."

"Ano ka ba! Mas mahalaga rin ang buhay mo. Nakakalimutan mo prinsesa ka ng Windsor. Nakataya rin ang buhay mo rito gusto mo ba talagang hatulan ka na lang at malalaman namin na pinaglalamayan ka na." Naiinis niyan tugon. Nagagalit na siya sa 'kin.

"Importante rin sa akin si Camila. Tingin mo ba kapag nakatakas tayo rito magiging masaya ako? Kapag nalaman ng lahat na nakaalis ako rito siya ang pupuntiryahin. Ako naman ang pakay nila sa simula pa lang. Sige na Isiro, para na lang kay Camila." Pagmamakaawa ko.

"Pangako, babalikan kita. Papatayin ko sila kapag sinaktan ka nila."

------

Kinaladkad nila ako hanggang makalabas kami ng palasyo. Puro pasa at sugat ang natamo ko sa pagtutulungan sa akin ng mga grupo na tauhan sa palasyo. Inutos iyon para lalo akong manhina at hindi na makalaban sa kanila. Pinapuwesto nila ako sa mataas na lugar at nanatili pa rin ang kamay ko na nakatali. Tanging mga kawal, kasambahay, at ang eyna ang nasa baba at nasa harapan ko. Wala akong ideya kung ano ang gagawin nila sa akin. Kahit na ayoko pang mamatay kung ito lang din naman ang kapalaran ko ay wala na ako magagawa.

Inutusan ng reyna na pumwesto rin ang mga kawal at itinutok sa akin ang mga pana na hawak nila. Sa buong buhay ko ang tanging pinapangarap ko ay makumpleto kami ni ama at ina at masayang mamumuhay. Walang awayan, kaguluhan, mga kalaban at maninira. Kumbaga mapayapa ang buhay. Sina Father Timothy, Carter, Camila, Aling Marta, Cyro, Lira, Dorothea, Esperago Easton, Chryses, Linley, Chase, ang aking ina na si Canberra, ang aking ama at.......si Prinsipe Jv. Sila ang mga taong inspirasyon at dahilan kung bakit kailangan kong lumaban at hindi magpatalo.

"Sana'y sa iyong kabilang buhay ikaw ay matahimik at matulog ng mahimbing. Asahan mong wala akong gagawin sa iyong ama dahil ang buhay mo ay sapat na upang bayaran ang kanyang kasalanan. Simulan niyo na,"

Nakita ko sa kalayuan si Levi. Sobrang sakit na pinapanood ka lamang niya at wala siyang ginagawa. Pumikit na ako at handa na akong mamatay. Panginoon, kayo na po bahala sa lahat ng mga binanggit ko kanina.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now