Chapter 33

480 24 5
                                    

"Kailangan natin makaalis."

Pag labas namin napahinto kami na may dalawang lalaki ang humarang sa amin. At sa kasamaan palad kasama sila sa kalalakihan na naghahanap sa akin.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng isa.

Tinulak ko ang isang lalaki at tumakbo ako palayo sa kanila. Iniwan ko na nga si Isiro ayoko naman mahuli kami. Kaya naman niya ang sarili niya at hihingi na lamang ako ng paumahin. Tumitingin ako sa likuran ko habang tumatakbo baka kase maabutan nila ako. Kailangan ko makaalis at hindi nila malaman na ako ang hinahanap nila.

Bigla na lamang ako napaupo na muntik na ako masagasaan ng kabayo.

"P-prinsipe Jv?" sambit ko sa taong sakay nito bumaba ito sa kabayo. Gulat siyang makita ako at napalingon sa likuran ko.

"Bilisan mo, sumakay ka sa kabayo." Bigla siyang sumakay sa kabayo at mabilis naman akong tumayo. Inalalayan niya ako makasampa at nang tuluyan na ako makasakay mabilis niya ito pinagalaw upang di kami maabutan.

Malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya kung hindi baka naabutan na ako at napatay na. Huminto kami sa isang ilog. Mukhang malayo na ito sa bayan at 'di na kami masusundan ng mga kalalakihan.

"Gusto mo?" inalok niya ako ng mansanas at kinuha ko naman ito. Parehas kaming nakaupo sa tapat ng ilog.

"Salamat," wika ko sa kanya.

"Tsk, akala ko ba iiwasan mo na ako?" napatingin ako sa kaniya na kumakain din ng mansanas. "Hindi ka nila titigilan hangga't 'di ka nila nakukuha." Sabi pa niya.

"Maari ka na umalis. Hayaan mo na lamang ako rito." Sabay iwas ng tingin sa kaniya. Ayoko na rin naman na madagdagan pa ang kahihiyan at utang na loob ko sa kaniya.

Hindi siya nag salita at inagaw ko sa kaniya ang hawak niyan supot na may laman mansanas. Nagugutom na kase ako.

"Bakit ka nasa bayan? Hindi mo kasama ang tagapagsilbi mo?" ayaw niya talaga ako iwan.

"Hindi, kasama ko si Isiro kababata ko. Bigla ko na lamang siya iniwan na biglang umatake ang mga kalalakihan. Napakasama ko."

Sana maintindihan niya ako. At sana maayos ang kalagayan niya

"Sino iyon Isiro? Isa rin ba siyang Prinsipe?"

"Hindi natin siya kapantay. Simple lang ang buhay niya at matagal kami hindi nag kita. Ngunit ngayon, napakakomplikado na hindi na katulad ng dati."

"May pag tingin ka sa siguro sa Isirong iyon." Napataas naman agad ang kilay ko.

"Kababata ko lamang siya wala ng hihigit doon."

Kumagat ako sa mansanas na hawak ko at 'di na lang siya pinansin pa. Inabot kami ng hapon sa pag-upo sa ilog.

"Wala ka bang balak umuwi na sa palasiyo niyo?" tanong niya bigla.

"Wala, umalis ka na. Salamat sa tulong mo."

"Tsk, paano kung mapahamak ka na naman at hanapin ka na naman mga iyon hindi ka ba nag-iisip? Masyado ka nag papahalata sa kanila." Nagulat ako na hilahin niya ako patayo at 'di ko alam kung saan kami pupunta.

Huminto kami sa isang bahay na gawa sa pawid. At may lumabas doon na isang matandang babae. Sino naman 'to?

"Oh ikaw pala iyan iho, ngayon na ulit tayo nagkita." Kilala niya si Prinsipe Jv?

Nag mano si Prinsipe Jv sa matanda at ginaya ko ang ginawa niya. Taka naman ako tinignan ng matanda.

"Pupwede po ba kami rito manuluyan kahit ngayon araw at kinaumagahan kami aalis?" sambit ni Jv sa matanda.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now