Chapter 41

467 21 19
                                    

"Paumanhin, biglaan ako narito sa palasyo niyo. Hindi naman ako magtatagal. Binisita ko lamang si Linley." Sabi ko at napansin kong nakatingin siya sa mga kamay ko. Itinago ko iyon sa likuran ko at nginitian na lamang siya.

"Hindi ka pa magaling tapos lumalabas ka na? Hindi rin tayo sigurado kung ligtas ka na nga ba. Mas mainam na nasa St. Jago ka muna at hindi nagpapakita kung kani kanino."

"Ayos lamang ako, huwag kang mag-alala. Sabi ko nga hindi naman ako magtatagal. Aalis na rin ako maya maya."

"Ihahatid kita sa St. Jago. Sabihan mo lang ako."

"Sandali hindi ba aalis ka pa?Baka naman nakakaabala ako sa iyo?"

Umiling siya at lumapit sa akin. "Hindi naman iyon mahalaga." Sabi niya.

"Ikaw bahala, sige susunod na ako kay Linley."

Gusto ko sana siya makausap pa lalo na tungkol sa kasal nila ni Maddie. Kaya lang ayoko naman pangunahan siya. Tsaka gusto ko rin klaruhin samin dalawa kung ano ba meron samin ano ba iyon relasyon mayroon kami.

Kumakain na si Linley at umupo ako sa harapan niya. Sinimulan ko na rin kumain. "Ano ang pinagusapan ninyo?" tanong niya.

"Kung bakit ako nandito. Anong oras ako uuwi. Mga ganoon bagay."

"Teka, matagal na ako nagtataka sobrang malapit ba talaga kayo sa isa't isa. Parang ang tagal na ninyo na magkilala kung magkausap kayo. Magsabi ka nga ng totoo sino ka ba talaga? Totoo bang tagapagsilbi ka sa Windsor?"

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Ang totoo niyan kaya ako nandito para umamin. Huwag ka sana magugulat. Linley paumanhin kung nagsinungaling ako sa iyo. Ako ang totoong prinsesa ng Windsor." Bigla naman ako nagulat na mabuga niya ang kinakain niya. Muntik pa nga ako matawa kaso nabulunan pala siya. Agad ko naman siyang inabutan ng tubig at dali dali niya ito ininom.

"T-Talaga? Hindi ka nagsisinguling ulit?"

"Oo nga," natatawa kong sagot.

Tumayo siya agad at yumuko sa harapan ko. "Paumahin din kung hindi kita trinato ng maayos. Paumanhin din kung iyan lang ang naihanda kong pagkain." Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sa 'kin.

"Wala iyon. Naging mabuti kang kaibigan para sa akin. Naalala mo iyon tumuloy ako rito inasikaso mo ako at hanggang ngayon. Hindi ka nagtaray o hindi mo ako iniwan mag-isa. Salamat Linley sa lahat."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?Kaya naman pala ganun na lang ang trato sa iyo ni Prinaipe Jv dahil isa ka rin prinsesa. Sandali si Prinsesa Maddie hindi ba siya-" pinutol ko na ang sinasabi niya. Sabi na nga maguguluhan siya.

"Si Maddie anak siya ni reyna Eleanor pangalawang asawa ni ama."

"Wala kase akong masyadong alam sa pamilya niyo lalo na sa iyo. Ang kinikilala na prinsesa ng Windsor ay si Prinsesa Maddie pero ikaw pala iyon."

"Maari ba akong makiusap na huwag mo itong ipaalam o ipakalat sa iba. Uunti lang kase ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao." Umupo siyang muli at tumango at sabay ngiti.

------

Sa Good Hope Lake kami tumambay ni Prinsipe Jv. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Tingin ko nga ang lalim lalim ng iniisip niya. Ayoko naman magtanong sino ba naman ako para tanungin siya. Kami lang ang tao rito dahil pagabi na rin. Nahihiya na nga ako sa kanya kase inihatid pa niya ako.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tumingin siya sa 'kin at muling tumingin sa paligid.

"Nakausap mo na ba si Maddie?" tanong naman niya. Bakit ba inaalala niya palagi si Maddie. Naguguluhan tuloy ako sa kanya.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now