Epilogue: The Present

1.3K 55 30
                                    

Hilary P.O.V

Minulat ko ang mga mata ko at sunod sunod na huminga na para bang tumakbo ako ng pagkalayo layo at ganto ako magreact. Bumaba ang tingin ko sa baba na nakapapag doon ang librong 'Behind The Mask'. Para akong nanaginip na hindi ko maintindihan. Kinuha ko ang libro at binuklat sa ibang page. Alam mo 'yon feeling na hindi mo naman binasa 'yong libro pero alam alam mo kung ano ang nakalagay doon. Totoo kaya na napunta ako sa librong ito?

"Hilary,"

Lumapit sa akin si Ailee na sinusuri ako. Ano bang lagay ko?

"Okay ka lang ba? Namumutla ka kase eh. Malapit na magsimula ang klase bakit nandito ka pa"

"Masyado ba ako matagal na nawala?"

"Huh? Mga 15 minutes lang naman. Tara na, ayusin mo 'yan book tas sunod kana ha." Iniwan na niya ako at hindi ko sinunod kaagad ang sinabi niya. Ilan minuto lang ako nawala pero parang isang taon ako nawala.

Bumalik muli ang tingin ko sa libro at naisipan ibalik na nga ito sa shelves. Lumabas na ako ng Library at dumiretso sa room.

After class namin magkasama pa rin kami ni Ailee. Balak kase namin bumili ng pagkain sa kabilang kalsada. Nilabas ko naman ang cellphone ko at may nareceive akong text mula kay Mom.

"Bilisan mo Hilary," rinig kong sabi ni Ailee nauuna kase siya sa 'kin. Ibabalik kona sana ang cellphone ko sa bag na may biglang akong narinig na sumigaw. May biglang humawak sa 'kin at hinila ako payakap sa kaniya. Halos tumambol na naman ang puso ko na mapagtanto na masasagasaan na pala ako ng isang sasakyan.

Unti unti akong tumingin sa taong humila sa akin at nagtama ang mga mata namin. At may biglang alaala sumagi sa isip ko.

"Hilary," napalayo naman ako agad sa lalaking nagligtas sa kin na hawakan naman ako ni Ailee na sobrang nagaalala.

"Thank you," mahina kong sabi.

Tumalikod na kami ni Ailee at aalis na sana na may marinig akong mga boses. Lumingon ako at may nakita akong dalawang babae at isang lalaki na lumapit sa lalaking nagligtas sa'kin.

"Jv, are you okay? Why did you do that?" Wika ng babaeng mukhang mataray.

"Okay lang ako."

"Sure ka bro? Sino ba 'yon babaeng niligtas mo?"

"Oo nga. Hindi man lang tumitingin sa dinadaanan."

At ang apat na taong iyon ay sabay sabay na tumingin sa 'kin. Jv? Ang pangalan iyon ay nasa libro? Sandali ang pangalan ko naman ay Hilary? Oh my gosh!

Sumunod na araw ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa libro. Hindi kaya naghahalucinate lang ako? O kaya nababaliw na ako. Paano kaya iyon nangyari.

Kinuha ko na ang bag at inaya ako ni Ailee na pumunta sa isang art gallery. Wala naman kaming pasok kaya sasama ako. Pagkapunta namin ay halos may mga taong naroon upang maglibot at kumuha ng mga picture. Ang iba kase mag iilang istudyante para ata sa project. Nagkahiwalay kami ni Ailee at gumawi ako sa isang painting na parang familiar.

May isang babae na nakayakap sa isang lalaki at sa likuran nila ang kalesa ng kabayo. Maraming tao at sobrang familiar talaga siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita.

"Isa ka rin ba sa nakakakilala ng painting iyan?"

Napalingon naman ako sa matandang babae na bigla bigla na lang lilitaw sa tabi ko.

"Ah medyo po." Tanging sabi ko.

"Iyan ang pinakasikat na kuwento noong unang panahon. Pinakapaborito iyan ng mga magkasintahan. Dahil bukod sa magandang ang istorya ay nakakakilig pa ang pagmamahalan nina Prinsesa Hilary at Prinsipe Jv."

This time gulat akong mapatingin sa matanda. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nabibingi lang?

"Sandali po, a-alam niyo po ang kwentong iyan?"

"Alam mo iha marami ang nakakaalam ng kuwentong iyan. Dahil sa isang lalaki na gumuhit niyan ay halos nakilala at marami ang nais malaman ang matamis nilang pagiibigan. Kaya dinadayo ang art gallery na ito dahil sa mismong painting na ito."

"Sino po ang artist niyan?" tanong ko.

"Nasa likuran mo."

Tumalikod ako at nakita ang lalaking tumulong sa akin nung muntik na ako mabangga. Teka siya si Jv di ba?! Oh my!

"Its nice to meet you again, Miss?"

"Hi-hilary. Ikaw si J-jv?"

Natawa siya bigla siguro dahil sa pangalan namin. Ibig sabihin siya ang nagpaint kung saan unang nagkita sina Prinsesa Hilary at Prinsipe Jv. Nakakatawa nga naman.

"Yes I am. By the way I like your name."

"Salamat. Maganda ang pagkakapaint mo. Sobrang nakakainspired. And I hope marami ka pang mapaint."

Isang ngiti ang pinakita niya. Nagkahiwalay din kami dahil iba ang way namin. Hinanap ko naman si Ailee at sabay na lumabas ng art gallery.

Linggo na, may hindi inaasahan taong darating. Isang delivery man.

"Baka nagkakamali po kayo. Wala po akong naalala na umorder ako ng anuman bagay."

"Sa inyo po naka adress ito. Pakipirmahan na lang po ito."

Pagkatapos ko pumirma ay kinuha ko na ang malaking ipinadala. Sino naman kaya magpapadala sa akin wala naman akong boyfriend at the sane time hindi ko pa birthday. Umupo ako sa sofa at binuksan iyon. Halos nanlaki ang mga mata ko na makita ang painting na nakita ko sa art gallery.

At may message doon na nakalagay.

"Actually pinaint ko ito para ibigay sa babaeng kapangalan ni Prinsesa Hilary. Hindi ko ineexpect na mahahanap ko na ang babaeng iyon at ikaw 'yon. Sana matanggap mo at minsan kumain tayo. Gusto ko makilala ng lubusan ang bagong henerasyon ng Hilary. I hope magustuhan mo. -Jv"

-THE END

START: JUNE 08, 2019
END: MAY 14, 2021

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now