Chapter 18

730 37 4
                                    

Pagpasok ko sa palasyo nasa harapan ko na pala ang mahal na reyna. Hindi ko siya napansin.

"Buhay ka pa pala?"

Anong klaseng tanong iyon. Gusto na ba niya ako mawala.

"Oo naman, hindi ako maaari mamatay hanggang nabubuhay pa kayo. Hindi ko alam kung bakit kami sinalakay ng mga kalalakihan sa palasyo nina Prinsipe Levi. At sinabi rin sa akin ni Dorothea na may nagpapadala pa rin dito sa ating palasyo ng mga patay na hayop at sulat. Sabihin mo nga sa akin may naging kaaway ka ba?"

"Wala, nagtataka ako sa mga pananalita mo. Ako ba ang sinisisi mo kung bakit nagkakagulo na ang lugar ng Hagerdon?"

"Aba malay ko, wala naman ako pinupunto. Palaisipan lang ang mga nangyayari," sabi ko pa.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo. Huwag kang mangbintang kung hindi ka sigurado. Parehas lamang tayo napapahamak." Tinalikuran niya ako subalit nagsalita pa rin siya.
"Ikaw mismo ang sumisira, hindi ako. Sa susunod mag-ingat ka na lalo na iyang buhay mo. Kung sino sino kase ang kinakasama mo hindi mo naman alam ang kanilang pagkatao. Baka sa huli, magsisi ka na lang na nakilala mo sila. Ikaw mismo ang nagpapahulog sa patibong mo."

Anong ibig niyan sabihin?

Nasa kuwarto na ako at inaayos ko ang mga kasuotan ko. Balak ko kaseng dumalaw muna kina ina sa Royal Castle. Mabuti sasamahan muna ako ni Dorothea.

Hapon kami nagpaalam kay ama na bibisita at doon muna ako mananatili sa mga kamag-anak ni ina. Pumayag naman siya upang maging ligtas ako sa mga taong nais akong kuhanin at patayin.

"Kinakabahan po ako na baka salakayin na naman po ang palasyo ng Windsor ng mga kalalakihan," usal ni Dorothea.

"Ano ka ba, wala na silang dahilan upang manugod pa doon. Ako naman ata ang pakay nila kaya hindi na sila gagalawin pa. Nandoon naman si ama kaya makakaasa ka at ako na magiging ligtas sila." Sabay ngiti sa kanya.

Nang makarating na kami sa Royal Castle. Sinalubong kami ni Serenity ang tagapagsilbi naman sa Royal Castle, may kapatid siya na si Bryson, isang tagapagsanay sa mga batang nais maging malakas at matatag. Kinupkop na sila sa palasyo na ito dahil namatay na ang kanilang mga magulang.

"Maligayang pagbabalik po mahal na prinsesa. Nagagalak po ako na makita ko po kayong muli," masayang sabi niya.

"Ako rin masaya ako na maayos ko kayong binalikan. Nandiyan ba si ina?"

"Opo."

Pumasok kami sa loob at sinalubong kami nina ina, Chase, kanyang ama at si Lady Amelia ang aking tita. Niyakap ko sila isa isa at kinausap.

"Aking anak mabuti maayos ka lamang, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo," tugon ni ina at hinawakan ako sa balikat.

"Ayos lamang po ako, huwag na po kayo mag-aalala."

Kumain muna kaming lahat at masayang nagkwentuhan. Masaya ako dahil nakasama ko silang muli ngunit may kaunti akong lungkot dahil wala si ama at si Esperago Easton na naging bahagi ng pamilya namin. Iniisip ko rin kung kailan kaya muli kami magkakasama ng ganito.

Pagkatapos kumain hinatid ako ni ina sa magiging kuwarto ko.

"Dito ka na muna matutulog. Alam kong matagal tayo hindi na nagkakasama pati na sa pagtulog kaya dito kita hinatid sa kuwarto ko. Ayos lang ba iyon?"

"Ina, opo naman."

Nagyakapan kami at inayos ko na ang gamit ko.

Si Dorothea naman ay makikitulog sa kuwarto ni Serenity.

"Nabalitaan ko hindi ka raw nasasamahan ng iyong ama sa palasyo dahil masyado siyang abala sa Organisasyon Panbayan?"

"Ina ayos lang iyon. Naiintindihan ko naman si ama kailangan siya sa trabaho na iyon para sa taga bayan malapit sa Hagerdon. May mga isyu kaseng kailangan ayusin at lalo na sa Windsor, may mga naninira at nagpapadala ng kung ano ano."

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon