Chapter 27

454 21 2
                                    

Nawala ang tuon ko kay Janna nang makarinig kami nang ingay sa labas. Pumasok sa loob si Dorothea at ipinaalam na dumating si King Rennedy at Prinsipe Jv para bisitahin si ama. Lumabas ako nang kuwarto ni ama at nakita ko si Prinsipe Jv na kakapasok pa lang sa palasyo. Mabilis akong umakyat patungo sa aking kuwarto. Nalimutan ko kase ang telang pantakip sa aking mukha. Lalo na nandyan ang hari ng Cheneley.

Muntik na ako atakihin nang may pumigil sa akin sa pagbukas ng pinto. Ang bilis naman niya makasunod sa akin.

"M-may kailangan ka ba?" turan ko sa kaniya.

"Wala, hindi mo ba ako patutuluyin?"

"Hindi maari, alam mo naman bawal na magsama ang isang babae at isang lalaki sa isang kuwarto baka mahuli tayo nang iyong ama." Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at sana ay hindi niya iton mapansin.

"Tsk, dapat inisip mo 'yan no'n tumuloy ka sa palasyo. Bawal din 'yon 'di ba?" Naglakad siya papasok sa kuwarto ko at nainis na lang ako na maaalala ko 'yon. Kaya nga pala galit na galit sa akin si Maddie no'ng oras na 'yon.

"Lumabas kana, hindi ako nagpapatuloy nang lalaki sa kuwarto ko, sana'y maintindihan mo."

Kaya lang para siyang walang narinig. Nakakainis talaga ang prinsipe na ito. Paano kapag dumating at makita ito ni Maddie panigurado baka palayasin na ako sa palasyong ito.

"Wala ka bang narinig?" pagsalita kong muli.

Tumingin siya sa akin at may inilabas galing sa suot niya, isang maliit na papel. Iniabot niya ito sa akin. Kinuha ko naman ito at binasa ang nakasulat doon.

"Kung sinoman ang makahanap sa totoong prinsesa nang Windsor, makakatanggap nang malaking gantimpala."

Halos manlaki ang mga mata ko pagkatapos ko ito mabasa. Kumakalat na pala sa buong Hagerdon ang totoo kong pagkatao at may gantimpala pa.

"Nakuha ko iyan sa mga kalalakihan nais kang kuhanin. Ipagkalalat sa buong Hagerdon ang tungkol sa iyo. Palihim nila itong gagawin upang 'di ito malaman nang mga nakakataas sa Hagerdon. Sumama ako kay ama na pumunta dito para ipaalam ito sa iyo. Delikado na ang buhay mo."

Bigla akong napaupo sa kamang hinihigaan ko at tulala na nakatingin sa papel na binigay ni Prinsipe Jv. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ano ba talaga ang kailangan nila sa akin? At sino ang nasa likod nito.

"Kapag hindi ka nila nahanap at si Maddie ang mapalabas na prinsesa nang Windsor siya ang kukuhanin at maaaring mamatay." Unti unti akong tumingin kay Prinsipe Jv.

Anong gagawin ko?

Dapat ko ba ipaalam to kay ama?o kaya kina ina?

"Mauna na ako. Mag ingat ka," lumabas na nang kuwarto ko si Prinsipe Jv.

Kinagabihan, inantay ko makauwi ang reyna kailangan ko siya makausap. Inantay ko siya sa labas nang palasyo at di naman ako nabigo.

"Bakit nasa labas ka pa? Hindi ka pa natutulog?" bungad nito sa akin.

"May nais akong itanong at kailangan mo ito sagutin." Wika ko.

"Ano naman iyon?" tanong niya.

"Bakit pinaalis mo ang mga mababang uri nang opisyal?Pinaalam mo ba ito kay ama bago sila paalisin? O ikaw lang ang nagdesisyon?" kumpromta ko sa kaniya.

"Bakit kailangan mong malaman?" nag iba ang pagtingin niya sa akin at nainis ako sa gano'n pagtinginn niya.

"Bakit hindi ko maaaring malaman? Sagutin mo na lamang ako." Saad ko sa kanya.

"Alam mo Hilary, hindi ka na dapat nakikielam. Ano bang alam mo sa organisasyon panbayan? Ako na ang namumuno roon kaya may karapatan ako kung ano ang gusto kong gawin." Hindi ko mapigilan mapangisi at mairita sa sinasabi niya.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon