Chapter 38

442 27 5
                                    

Hindi na ako lumingon pa kase alam kong masasaktan ako. Kahit na 'yong mga pares ng mga mata niya ay nakatuon sa akin. Sana pala hindi na pala ako dumalo. Nalagpasan na ako ni Maddie at kasama niya ang reyna. Hinawakan na ito ni Prinsipe Jv at humarap silang dalawa sa altar.

"Bagay sila no?" rinig kong tanong ni Euna. Akmang aalis na ako ng hawakan ako ni Euna.

"Saan ka pupunta huwag mong sirain ang kasal ng dalawa." Iritableng sabi niya.

"Bakit ko naman gagawin iyon?Hindi kase ako maaaring magtagal kaya kailangan ko na umalis." Pumiglas ako sa hawak niya na biglang nakarinig kami ng mga ingay. Dito na ako kinabahan, tumuon ang paningin ko kina Prinsipe Jv at Maddie subalit abala sila sa seremonya.

Nagulat na lamang ako na nag-ingayan ang mga tao sa loob. At iyon mga kalalakihan na naghahanap sa akin ay umatake na sa loob ng simbahan. May mga armas sila at nagtakbuhan ang mga tao palabas. Isa na ako sa tumakbo habang hawak ang mahaba kong damit. Pagkalabas ko hinanap ko si Carter ngunit hindi ko siya makita. May biglang humawak  at humila sa akin.

"Prinsipe Jv?" wika ko sa taong ito.

"Sumakay ka na, kailangan mong makalayo sa lugar na ito." Sambit niya.

"Sanda-"

"Sige na," awtoridad niyan utos sa akin.

Wala naman ako nagawa baka mamaya mag-away pa kami. Inalalayan naman niya ako pasakay ng kabayo at siya ang sumunod. Hinanap ko pa rin si Carter kaso hindi ko talaga siya makita. Sana maayos lang ang lagay niya. Pinatakbo na niya ang kabayo palayo sa simbahan. Tahimik lamang ako kung saan niya ako dadalhin. Maya maya hininto niya ang kabayo sa Good Hope Lake. Bumaba siya at inalalayan ako ibaba. At ipinasuot ang isang tela sa ulo ko. Habang ginagawa niya iyon nakatitig lamang ako sa kaniya.

"Babalikan ko si Maddie," wika niya.

"Mag-ingat ka,"

"Ikaw ang mag-ingat ikaw ang pakay ng mga iyon. Pumunta ka  ng St. Jago at doon ka magtago o kaya dumiretso ka sa Royal para maprotektahan ka."

"Paano ka?" tanong ko.

"Tsk, wag mo kong alalahanin. Mas mahalaga ang buhay mo kesa sa akin."

Walang alinlangan niyakap ko siya. Bukod kay Dorothea, kina Carter, Camila, at Esperago Easton. Si Prinsipe Jv din ang inspirasyon ko para makuhang muli ang Windsor. Kahit na mahirap at maraming humahadlang kailangan ko lumaban.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo," bulong ko sa tenga niya.

Isang ngiti ang ibinigay niya bago niya ako iwan. Sa totoo lang gusto ko siya sundan kahit na mapahamak man ako at buhay ko ang itaya ay gagawin ko. Para sa kanya hindi ako natatakot mamatay. Palakad na ako papuntang St. Jago na biglang may humarang sa daraanan ko. Tatlo silang lalaki at iyon nasa gitna ay parang nakita ko na dati. Hindi ko siya makilala dahil may takip ang mukha niya.

"Hulihin niyo na siya,"

Gulat akong marinig iyon huli na para tumakas pa ako. Hinawakan ako ng dalawa at tinakpan nila ang ilong ko at bibig ng isang panyo. Gusto ko sumigaw, gusto kong lumayo at tumakbo paalis. Kaya lang hindi ko na nagawa nanghina na ako at tuluyan nawalan ng malay.

-------

Napamulat ako agad na makaramdam ako ng ngawit. Una, wala pa ako masyadong maaninag hirap na hirap ako makakita. Subalit nawala rin naman iyon kaagad. Isang kuwarto ang nasilayan ko at ako lamang ang tao. Nakatali ang kamay ko sa upuan inuupuan ko. Ang tanging naalala ko lang ay may tatlong lalaki ang kumuha sa akin. Kamusta na kaya si Prinsipe Jv? Binalikan kaya niya ako? Mamatay na ba ako?Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Pero ang atensiyon ko doon sa gitnang lalaki. Malakas ang pakiramdam ko na kilala ko siya o maqaring nakasalamuha ko na.

Behind The Mask [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt