Chapter 43

454 22 5
                                    

Lumipas ang dalawang araw nakumbinsi na rin namin ang mga opisyal. Gagawa kami ng hakbang para mapaalis sa puwesto ang reyna. Pinagpanggap muna namin sila para hindi makahalata si Reyna Eleanor. Sa simbahan ay naghanda ng pagkain si Dorothea ngayon kase ang kaarawan ko.

"Hilary,"

Agad kong niyakap si Chryses at may dala itong maliit na regalo. "Nag-abala ka pa," sabi ko at binuksan ang regalong iyon. Isang ipit na bulaklakin inagaw niya ito sa akin para mailagay ito sa buhok ko.

"Iyan bagay sa iyo." Tuwang sabi niya.

"Salamat. Siya nga pala si Levi ba nagpakita na ulit sa iyo?" umiling siya at 'di maiwasan maging malungkot.

"Wala pa s'yang paramdam. Palagi ko s'yang iniintay sa palasyo na baka sakaling lumitaw siya. Subalit ilan araw na ni anino niya ay wala pa rin."

"Kahit sulat man lang?"

"Wala, nag-aalala na nga ako sa kanya eh." Hinawakan ko na lang siya sa balikat para naman mapagaan ang loob niya.

Dumating din sina Linley, Prinsipe Kreios at iba pang mga kakilala ko. Kahit na simple at hindi ko kasama ang pamilya ko ay masaya na rin naman ako. May mga tao pa rin naman nand'yan para sa akin. At tanging hiling ko lang ay mabuo muli ang pamilya ko. Isang kamay ang umakbay sa akin. Aangal sana ako na higpitan niya pa ito. Nilingon ko ang taong iyon at 'di ko mapigilan mapangiti na si Prinsipe Jv pala ito.

"Maligayang Kaarawan,"

"Salamat,"

May inabot siyang maliit na kahon sa akin. Inalis na niya ang pagkaka-akbay. Tinanggal ko ang laso sa kahon at nang mabuksan ko ito ay halos ikinatigil ko ito. Isang singsing, umangat naman ang tingin ko sa kaniya.

"Baka nagkakamali ka lang." Turan ko sa kanya.

"Bakit mo nasabi?"

"Hindi na ba talaga matutuloy ang kasal ninyo ni Maddie?"

"Bibigyan ba kita niyan kung tuloy." Napaiwas ako ng tingin at mabuti na lamang ay hindi kami napapansin ng mga taong kasama namin.

"Ayaw mo ba?" bumalik ang tingin ko sa kanya. "Isipin mong kaya kita binibigyan niyan o kaya kita niregaluhan niyan ay para hindi kana lapitan ng mga lalaki. At ako lang ang nagmamay-ari sa iyo. Walang sinoman ang manliligaw at bibigyan ka ng mga sulat. Simula ngayon pag-aari na kita." Hindi lang ako natigil sa mga sinasabi niya pati rin paghinga ko nalimutan ko na ata. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Naalala ko rati galit na galit siya sa akin dahil sa kamalasan nangyayari kada lalapit ako sa kanya. Naiinis din ako sa kanya dahil sa ugali niya. At ngayon naman ay nahulog na pala kami sa isa't isa. Siya lang iyong tao na nagustuhan ko at patuloy kong magugustuhan. Bumaba ang tingin ko sa singsing at gumuhit sa akin ang isang ngiti.

"Prinsipe Jv, sobrang ma-"bigla ako natigil sa pagsasalita na may biglang umagaw nu'ng singsing sa akin at itulak ako. Agad akong napaupo at napagtanto ko na si Maddie pala ito. Paano siya nakapunta rito?

Hinarap niya si Jv at pinakita ang singsing. "Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw muna ako pakasalan?" ang mga kasama namin ay lumapit na rin. Tinulungan ako ni Dorothea makatayo pero 'di ko pinigilan si Maddie o hilahin palabas.

"Oo magpapa-" isang sampal ang inabot ni Jv kay Maddie. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Prinsesa Maddie, huwag kang gumawa ng eksena rito." Sabi ni Prinsipe Kreios.

"Huwag kang makielam." Sagot naman ni Maddie habang nakatingin pa rin kay Jv.

"Itutuloy natin ang kasal." Ikinatigil ko ang salitang lumabas kay Maddie. Suminghap din ang mga kasama namin sa paligid.  Hindi ko maiwasan makaramdam ng inis. Kahit kelan talaga ayaw niya ako maging masaya lahat na lang ng akin ay inaagaw niya.

"Tututol ako," lahat ng pares ng mga mata ay sa akin napunta. Wala akong pakiealm kung ano ang sasabihin nila. Basta ngayon lalaban ako at walang sinoman ang ibaba akong muli.

"Tsk, sino ka para tumutol? Baka nakakalimutan mo, tagapagsilbi ka lang sino ang papayag kung magpapakasal kayong dalawa?Nababaliw kana. Matagal mo nang alam na may gusto ako sa kanya. Pero ito inaagaw mo siya sa akin." Galit na galit na sabi niya.

"Wala akong inaagaw at alam mo iyan. May karapatan ako pakasalan siya dahil......ako ang tunay na prinsesa ng Windsor." Tanging si Prinsipe Kreios lamang ang nagulat. Sa malamang siya na lang kase ang hindi nakakaalam ng totoo kong pagkatao.

"Ibig sabihin ikaw si Prinsesa Hilary? Ikaw iyon babaeng anak ni Reyna Canberra?" turo sa akin ni Prinsipe Kreios at tumango ako.

"Jv, hindi totoo ang pinagsasabi niya kaya huwag kang maniwala. Ako lang ang pakakasalan mo." Sabi ni Maddie kay Jv.

"Matagal ko nang alam." Bakas sa mukha ni Maddie na naiinis na siya tinapon niya iyon singsing na binigay sa akin ni Jv at inapakan niya ito para masira. Lahat ginawa niya para lang tuluyan ito hindi na maghugis bilog.

"Hindi ako makakapayag na maging masaya ka. Tsk, akala mo ba papayagan ka ng lahat kung pakakasalan mo si Jv puwes nagkakamali ka. Hangga't nasa panig ko sila ako ang may karapatan bilang prinsesa ng Windsor at prinsesa rin ng Cheneley." Madiin niyan sabi sa 'kin.

-----

Palagi na lang sa kaarawan ko ay laging may nangyayaring hindi maganda. Palaging sinisira o di kaya sinasadyang hindi maging masaya. Nang umalis na si Maddie bumalik naman sa dati ang lahat. Kumakain sila at masayang nagkuwekuwentuhan. Subalit, kami ni Jv ay hindi na nakapag-usap. Umalis kase siya kaagad para pigilan si Maddie sa plinaplano nito. Alam ko naman hindi agad matatanggap iyon ni Maddie kase sobrang gusto niya si Jv.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Chryses.

"Oo naman," sabay ngiti sa kanya.

"Ganoon talaga ang pag-ibig hindi agad magiging masaya sa una. May hahadlang may sisira at may mangingielam. Alam mo, masaya ako kase kahit paano nilalaan mo pa rin ang sarili mo upang magmahal. At sana ay makamit mo rin ito."

"Salamat Chryses. Salamat kase hindi mo ako iniwan kahit na ako ang dahilan kung bakit namatay ang iyong ina. At sana nga rin ay maging mapayapa na ang buong Hagerdon."

"Wala kang kasalanan kahit kelan hindi kita sinisi. Siguro, kailangan lang may magsakripisiyo para mabayaran ang malaking kasalanan."

Siguro nga ganoon ang tadhana. May mamaalam at may dadating. Ang buhay natin ay hiram lamang kaya anoman ang mangyari ay kailangan natin ito pahalagahan.

"Tungkol pala sa nangyari kanina. Matindi pala ang pagkagusto ni Maddie kay Jv. Pero huwag kang mag-alala boto ako sa inyong dalawa." Bigla naman ako natawa. "Sundin mo lang ang nasa puso mo. Huwag mo hayaan na mapunta si Jv kay Maddie. Kung kinakailangan takutin ang babaeng iyon ay gawin mo." Dagdag niya pa.

"Gagamit na ba ako ng dahas?" natatawang wika ko.

"Oo. Huwag kang magpapatalo." Napailing na lang ako kay Chryses.

Hindi iyon ganun kadali mahirap kalabanin si Maddie. Kilala ko siya at gagawin niya ang lahat para hindi manalo sa amin dalawa. Kahit nga magpatayan eh gagawin niya para lang matuloy ang inaasam niyan kasal. Hindi niya alam malapit na siya maalis sa pagiging prinsesa niya. Intayin nila ng reyna ang araw kung saan ako na ang mamumuno sa buong Hagerdon.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon