Chapter 36

441 29 5
                                    

"May sagot ka na ba?"taka akong napalingon kay Prinsipe Levi.

Binisita niya ako sa St. Jago nalaman na rin niya na napaalis na ako sa Windsor s'yempre bilang tagapagsilbi. Hanggang ngayon kase wala pa akong balak na umamin sa kanya. Sabi ko kase sa sarili ko wala akong kailangan pagkatiwalaan. Sarili ko lang muna iintindihin ko.

"Sagot saan?"

"Ang bilis mo naman nakalimutan." Napakamot siya sa ulo niya at tinitigan akong muli.

"Eh, pasensiya ka na. Marami kase akong iniisip nitong araw kaya hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo. Maari mo bang sabihin sa akin ulit?"

"Sige. Natatandaan mo ba n'ong umamin ako sa iyo na gusto kita at maari ba kitang ligawan." Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan 'yon. Ang dami ko ngan problema pati ba naman ito. Sa totoo lang, sinubukan ko naman magustuhan siya. Kaya lang wala akong maramdaman sa kanya. Paano ko ba ito sasabihin?

"Ah-"

"Haha masyado ata kitang minamadali. Alam mo, nakakatuwa ang mukha mo. Pasensiya ka na, huwag muna intindihin ang sinasabi ko."

Mukhang nadismaya ata siya. Sasabihin ko bang wala akong gusto sa kanya o kaya makisakay na lang ako sa gusto niya. Ano ba, ano kayang sasabihin ko sa kanya. Tumawa siyang muli at ginulo ang buhok ko. Hindi naman ata siya galit o inis 'no.

"Kailangan ko nang umalis may kailangan pa kase gawin. Dadalaw ulit ako bukas ng umaga."

"Huwag na," mabilis kong sabi na ikinataka niya. "Ah...eh....ayoko kaseng abalahin ka pang muli. At isa pa hindi na rin kase ako tatagal dito sa simbahan." Ngumiti siya at bigla na lang ako niyakap.

"Parang alam ko na tuloy kung ano ang isasagot mo sa akin. Wala ka bang balak na ihatid kita sa pupuntahan mo ?"

Bilang ganti sa lahat ng ginawa niya para sa akin niyakap ko rin siya. Ayokong magalit siya sakin.

"Pasensiya kana, ayoko kaseng masaktan kita. Sana hindi ka magalit sa akin."

"Sa ikatlong araw 4pm sa Shimada magkita tayo. Aantayin kita." Wika niya.

-----

Hapon sumama ako kina Camila sa isang Bayan para tumulong makapamili ng mga kakainin namin. Iyon mga dukha na nakita namin ni Prinsipe Levi, Esperago Easton at Isiro tuluyan na silang nawala. Ipinatapon sila sa labas ng Hagerdorn mabuti nga hindi nakasama doon sina Aling Marta.

"Camila,"

"Po, may kailangan kayo?" paglapit niya sa'kin.

"May pupuntahan lang ako. Babalik ako pag madilim na."

"Gusto niyo po bang samahan ko na kayo? Baka mapalagay kayo sa peligro."

"Huwag kang mag-aalala kaya ko naman ang sarili ko."

Tuluyan kona s'yang iniwan at dumiretso sa isang tirahan na hindi ko makakalimutan. Ilang oras lang nakarating din ako kina Aling Marta. Naabutan ko pang naglalaro sina Cyro at Lira. Mabilis akong lumapit sa kanila at nasilayan ko ang tuwa nila na makita nila ako.

"Ate nagbalik po kayo." Sabi ni Lira.

"Oo naman, palagi akong babalik dito para sa inyo."

"Yehey!"

Binigay ko sa kanila ang pasalubong ko at masayang nakipagkulitan sa kanila. Umangat ang tingin ko na makita si Aling Marta sa may bandang pintuan.

"Oh, ikaw pala iyan iha."

"Magandang hapon po, Aling Marta." Sabay mano sa kanya.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na nandito ka pala. Halika, may inihanda akong meryenda."

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon