Chapter 32

455 23 1
                                    

"Sino ang nag utos sa inyo?"

"Ako," sagot ko kay Janna na nakatali ang kamay at hawak hawak siya ni Esperago Easton. Inutusan ko ang dalawa na dapkin siya at dalhin sa pinakatagong kuwarto.

"I-ikaw? M-mahal na prinsesa?"

"Ako nga at wala ng iba."

Hindi siya makapaniwala na ako ang nagpasimuno nito. Di ko nga akalain kaya ko ito gawin. Sa alang alang lamang kay ama kaya ko maging masama.

"A-alam ba ito ni mahal na reyna?" pinagpapawisan na siya at mukhang natatakot sa amin.

"Hindi at hindi niya ito malalaman. Sa umpisa pa lang hindi na kita gusto bilang tagapagsilbi. Alam ko naman gagawa ang reyna ng hakbang laban kay ama. Pero,mas uunahan ko na itigil iyon."

"Pakawalan mo ako. Wala akong ginagawa." Gumalaw siya upang mabitawan siya ni Esperago Easton.

"Talaga? Gusto mo subukan ko sa iyo ang mga gamot na pinapainom mo kay Ama?"bigla itong namutla at tinikom ang bibig.

Kinuha ko kay Dorothea ang gamot at pinakita ito kay Janna.

"Maari mo bang sabihin kung sino ang nag utos sa iyo ipainom ito kay ama?"

Hindi siya kaagad sumagot at parang nagmamatigas pa. Tumingin ako kay Dorothea at alam na niya ang kaniyang gagawin. Kumuha ito ng isang latigo at tali na ikinagulat ito ni Janna.

"A-anong gagawin ninyo sa akin?"

"Madali lang naman, kapag hindi ka umamin at sumagot sa tinatanong ko sa iyo maari kang mamatay gamit ang latigo o di kaya ibibigti ka namin sa loob sa kuwartong ito. Kaya ko iyon gawin para lang kay ama."

Lalo siyang namutla at pinagpawisan.

"W-wala nag utos sa akin."

"Hindi ako naniniwala. Umamin ka na Janna, hindi ka naman makakawala sa amin dahil wala sa palasiyo ang mahal na reyna at si Pinunong Hermios. Wala kang mahihingan ng tulong." Mariin kong sabi sa kaniya.

"A-ng t-totoo ang m-mahal na reyna ang nag utos sa akin na ibang gamot ang ipainom sa mahal na hari. Imbis na gumaling kailangan lumubha ang kalagayan niya hanggang sa mamatay. Gusto ng mahal na reyna kunin ang palasiyo at ang mga ari arian. Nasabi ko na ang katotohanan, maaari mo na ba ako pakawalan?"

"Hindi pa." Mabilis kong sagot.

"Ano kamo? Pag nalaman ito ng mahal na reyna alam kong parurusahan ka niya hindi lang ikaw."

"Sa tingin mo ba natatakot ako?Ilan beses na ako naparusahan at sawang sawa na nga ako sa gano'n sitwasyon. Hayaan mo, hindi naman kami tanga upang pakawalan ka kaagad. May kailangan pa ako malaman mula sa iyo. Saan nanggagaling iyon mga gamot, akala ko ba si Pinunong Hermios ang bumibili no'n sa bayan?"

"Kasinungalingan lamang iyon kinukuha ni Pinunong Hermios iyon sa isang kakilala. Pupwede itigil na ninyo ito pakawalan na ninyo ako." Pagmamakaawa niya.

Umupo ako upang maging kapantay ko si Janna. Hinaplos ko ang mukha niya kaya lang umiwas ito.

"Paumanhin, balak kase namin ipatapon ka sa labas ng Hagerdon at ipaparatang na pumatay ng isang tao. Sa gayon hindi kana malayang makakabalik pa sa lugar na ito."

"Ang sama mo!" Asik niya sa mukha ko.

*****

Nagbilin ako kay Dorothea na siya na muna ang magbantay kay ama. Hindi naman umuuwi ang reyna kaya hindi niya malalaman kung ano ang ginawa namin kay Janna.

Habang kumakain ako lumabas sa kuwarto si Maddie at umupo sa harapan ko. Himala lumabas na siya sa lungga niya.

"Pagkatapos ng lahat may gana ka pang umuwi at kumain na para bang walang nangyari?" inis niyang tugon.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon