Chapter 9

1K 56 7
                                    

Bigla na lang may tumulak sa akin. Mabuti na lang nahawakan ako kaagad ni Prinsipe Levi upang hindi ako tuluyan mahulog sa ilog.

"Salamat ha," sarkastik kong tugon kay Maddie. Siya kase ang tumulak sa akin. Inalalayan niya si Prinsipe Jv, mas nag-aalala siya kay Jv samantalang sa akin hindi.

Tumayo ako at nagpasalamat kay Prinsipe Jv. Ngunit pinagalitan lang ako ni Maddie.

"Ano ka naman ba kase? Sasali sali ka ng patimpalak na ito ni hindi ka naman pala marunong mangabayo. Ayan tuloy muntik na mapahamak si Prinsipe Jv dahil sa iyo," inis na inis ba sabi niya.

"A-ako pa ang may kasalanan?" turo ko sa sarili ko.

Hindi ko akalain ako pa ang pagagalitan niya samantalang siya naman talaga ang may kasalanan.

"Paumanhin po, muntik na pong mahulog si Pri—siya po sa ilog at maaari niya po iyon ikamatay kung sakaling bumagsak siya ng malakas dahil may mga bato sa mga ilog. Kaya huwag ninyo na po siya pagalitan at pahiyain." Pagtatanggol sa akin ni Dorothea at tinaasan lang siya ng kilay ni Maddie.

"Huwag kang makielam parehas lang naman kayo. Puro kayo kamalasan dapat hindi na kayo sumali at dumalo sa patimpalak na ito lalo ka na." Sabay turo sa akin.

"Tsk, ako pa sinisi. Ibang klase," bulong ko.

"Tama na iyan. Walang matutunghayan ang away ninyo. Ayos ka lang ba Jv?" tanong sa kaniya ni Prinsipe Kreios.

"Oo," tugon niya at naglakad paalis sa kinaroroonan namin. Sinundan siya nina Maddie, Kreios at Euna.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Prinsipe Levi at tumango.

"Mabuti na lamang hindi ka nasugatan. At mabuti na rin natulungan ka agad ni Prinsipe Jv kung hindi baka napaano ka na," sabi naman ni Chryses at nginitian ko lamang siya.

Hindi na natuloy pa ang patimpalak dahil sa aksidenteng nangyari.

Naglalakad kami ngayon nina Esperago Easton at Dorothea pauwi sa palasyo. Pero kasama pa rin namin ang mga kabayong dala namin papunta sa Shimada. Gusto lamang namin maglakad lalo na't mahangin. Pag-uwi sa palasyo agad akong kinausap ni ama sa kanyang kuwarto. Kasama ko si Esperago Easton at si Dorothea naman ay bumalik na sa trabaho.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Maayos lang ba ang lagay mo aking anak?" pag-aalalang tanong niya.

"Opo, huwag po kayong mag-aalala sa akin wala naman po akong sugat na natamo."

Hinawakan niya ako sa balikat ko.

"Sana'y sa susunod mag-iingat ka na. Ayoko pati ikaw mawala pa sa akin."

Niyakap ko si ama, mabuti na lamang hindi pa niya tuluyan nakakalimutan si ina.

Iniwan ko na sina ama at Esperago Easton dahil may pag-uusapan pa raw sila.

Pabalik na ako sa kuwarto na harangan ako ni Maddie.

"Dapat pala kinausap ko si ina tungkol sa iyo. Hindi ka na niya sana pinayagan pang lumabas at makisalamuha sa mga tao lalo na sa mga prinsipe. May balat ka ba sa puwet kaya puro kamalasan na lang ang abot ko mula sa iyo?Sumusobra ka na kase," gigil niyan sabi sa akin.

"Wala akong kasalanan alam mo iyon. Ikaw mismo ang gumagawa nang paraan para makaramdam ka ng inis. Ang lala muna Maddie," wika ko sa kanya.

"Anong akala mo sa akin nasisiraan na? Kasalanan mo iyon. Bagay lang iyon sa iyo."

Naikuyom ko ng hindi oras ang kamay ko. Magtimpi ka lang Hilary.

"Alam mo wala akong ginagawang masama. Sa tingin mo ba gusto ko ang mga nangyayari? Bilang prinsesa ng Windsor nanaisin ko lang din magtago na lamang sa akin kuwarto ngunit kung iyon ang gagawin ko baka maaga na ako nabulok sa palasyo na ito. Bakit kase hindi mo na lang asikasuhin ang sarili mo? Hindi iyong sarili ko na lang lagi ang pinupuntirya mo." Akmang aalis na ako ng pigilan niya ako.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now