Chapter 2

1.8K 116 1
                                    

Ngunit may isang lalaking humarang sa akin daraanan. Sino naman kaya ito?

"Mukhang nag-iisa ka binibini," nakangising sambit nito. Mataba siya at mahaba ang buhok. Siguro taga rito siya dahil simple ang kanyang pananamit.

"Mayroon akong kasama ngunit hindi ko siya makita," sabi ko at tinakpan ang aking mukha.

"Gusto mo bang tulungan kitang mahanap ang kasamahan mo. O gusto mo na lang sumama sa akin hangga't hindi mo pa nakikita ang kasama mo? Mahirap mapag-isa." Mukhang may iba siyang pinapahayag at hindi ko iyon nagustuhan.

Ano ako tanga upang sumama sa kanya.

"Hindi na. Kaya ko siyang hanapin mag-isa. Salamat na lang sa pag-alok mo." Iiwan ko na sana siya na hawakan niya ang braso ko at hilahin, mabilis naman akong nagpumiglas. "Walang sinuman lapastangan ang maaari akong hawakan," singhal ko sa kanya.

Bigla siyang natawa. "Sino ka ba para magsalita ng ganyan? Mukha ka naman kauri namin kaya huwag kang magpeeling maharlika," inis na ani niya.

"Hindi mo ako kilala," sabi ko at paalis na talaga ako na hawakan niyan muli ako sa braso. Magpupumiglas sana ako ulit kaso naunahan ako ng isa pang lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko at binawi sa lalaking humawak sa akin, binitiwan niya rin agad ang kamay ko.

"P-Prinsipe Levi," gulat na tugon nong lalaki.

Ano kamo? Prinsipe siya?

"Hindi porke't maraming tao may gana ka na gumawa ng masama lalo na sa mga kababaihan," sabi nito.

Pasimple akong sumilip sa kanya, may itsura siya, matangkad, maputi at masasabi mong prinsipe siya dahil sa kanyang pananamit.

"P-Pasensya na po, hindi na po mauulit," sabi nong lalaki at nagmadaling umalis.

"Maari ba kitang matulungan?Bakit nag-iisa ka sa Bayan na ito?" turan niya sa akin.

"Hindi na, kaya ko ang sarili ko. Salamat sa iyong ginawa."

"Sandali."

Napahinto ako na hawakan niya ako muli sa braso ko, pero nong nakita niyan nakatingin ako roon binitiwan niya rin agad.

"Maari ko bang malaman kung sino ka?" Sinikap niyan tingnan ang mukha ko subalit tinakpan ko lang ito.

"A-ako si A-aya. Iyon lang ang maiibigay ko na impormasyon tungkol sa akin," sabi ko at mabilis ko siyang tinalikuran na.

Sinundan niya ako subalit dahil sa dami ng tao hindi na niya ako nahabol pa. Mabilis akong naglalakad sa paghahanap kay Dorothea. Nasaan na ba siya?Baka paghinalaan na ako ng mahal na reyna.

Sa hindi kalayuan nakita ko sina Maddie at Euna, may kausap silang isang lalaki. Naku, pag nalaman ni Maddie na nandito ako panigurado magagalit iyon sa akin. Naalala ko na, hindi naman nila ako mamumukhaan.

Napagpasyahan kong lapitan sila ngunit hindi pa ako nakakarami ng lakad na may marahas na humapit sa bewang ko paharap sa kanya at papalapit sa kanya. Gulat na gulat akong napatingin sa taong iyon dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang mukha namin ay halos magkadikit na. Nakarinig ako ng sigawan at bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin. Mabilis akong lumayo sa kanya at itinaas ang telang pantakip na nasa ulo ko dahil hindi ko namalayan na bumagsak na pala ito.

Nakita niya ang mukha ko.

May narinig akong takbo ng kabayo sa likuran ko.

"Sa susunod binibini mag-ingat ka mabuti'y iniligtas ka ni Prinsipe Jv," usal nong lalaking sakay nang kabayo at umalis na ito.

Ibig sabihin muntik na ako masagasaan ng kabayo. Mabuti na lamang natulungan ako ng lalaking ito. Sandali, isa rin siyang prinsipe?

"Mahal na prinsipe."

Napayuko ako na marinig ko ang boses ni Maddie. Nakalapit na sila sa amin. Patay ako! Hindi maari. Hindi niya ako maaring makilala. Kapag nangyari iyon parurusahan ako ng aking ama.

"Ayos ka lang ba mahal na prinsipe?" boses ng isang lalaki, iyon ata 'yon kausap nina Maddie at Euna kanina.

Tumango ang prinsipe na nasa harapan ko. Mukhang mabait naman siya.

"Salamat," bulong ko sa kanya at dahan dahan akong umalis sa harapan niya.

"Sandali binibini."

Napapikit na lang ako ng madiin sa pagpigil sa akin ni Maddie.

"Maaari ba namin malaman kung sino ka? Napaswerte mo dahil iniligtas ka ng isang prinsipe," rinig kong sabi ni Euna.

"Malaki ang utang na loob mo sa kanya. Sana'y bayaran mo siya," sabi naman ni Maddie na may pagkairita ang boses.

Lumingon ako sa kanila na hindi nila nakikita ang aking mukha.

"Ako si Aya, isang baguhan dito. Oo, hindi ko makakalimutan ang utang na loob na ginawa sa aking ng isang prinsipe."

"Isa kang baguhan subalit bakit naparito ka? At buti naman nasabi namin kaagad na isang prinsipe ang nagligtas sa iyo, kase kung hindi baka ano pa ang isipin mo sa kanya," sabi muli ni Maddie.

"Huwag kang mag-aalala hindi naman ako magtatagal dito. May hinahanap lang ako," ani ko.

"Maaari ka ng umalis."

Bago magdilim nakita ko sa wakas ang kabayong pinag-iwanan namin ni Dorothea. At ang mas malala pa kanina pa naroon si Dorothea upang hintayin ako. Nagmadali kaming sumakay ng kabayo at mabilis namin ito pinatakbo pauwi sa palasyo.

Pagdating namin nagtago ako at dumaan sa likod papunta sa kuwarto. Hindi alam ng Reyna na ako ay tumakas at pumunta sa kabilang Bayan para sa pista.

Pagkapunta ko sa kuwarto agad akong nagpalit ng damit at nag-ayos tsaka bumaba. Si Dorothea naman ay bumalik na sa trabaho. Nakita kong kadarating lamang ni Maddie na nakasimangot ang mukha.

"Kumusta ang iyong pagdalaw sa pista ng kabilang Bayan anak?" ani ng Reyna na nakaupo.

"Maayos at mabuti ina. Subalit ako'y naiinis dahil may isang babae ang sumira ng araw ko. Paano ba naman, tatanga tanga hindi nakikita ang daan dahil nakatakip ang mukha niya hindi niya alam na may dadaan kabayo. Kaya iniligtas siya ni Prinsipe Jv, hindi ko gusto ang kanyang akto," inis na kwento niya.

Paano kaya kung malaman niyan ako iyon, panigurado dobleng galit na ang mararamdaman niya.

"Hayaan muna Maddie, gagawa ako ng paraan upang makalapit kayo ni Prinsipe Jv."

Magsasalita sana si Maddie nang makita niya akong nakikinig sa kanilang usapan.

"Ano ang iyong ginagawa rito?Huwag mong sabihin nakikinig ka sa may usapan na may usapan." Pagmaldita niya sa akin.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa iyo sa pagpunta mo sa kabilang Bayan."

"Narinig mo naman siguro. Mabuti na lamang wala ka roon, hindi ko nanaiisin naroon ka lalo na't naroon din ang prinsipe ng Cheneley.....baka maagaw mo pa siya sa akin," binulong niya ang huling sinabi.

"Huwag kang mag-alala hindi ko magagawa iyon susuportahan kita sa iyon nais," sabi ko ngunit sa kaloob looban ko gusto ko na siyang asarin.

Tinalikuran niya ako at hinarap ang Reyna.

"Ina gawin ninyo ang inyong makakaya upang mapalapit kami ng sobra ng prinsipe."

"Oo naman mahal kong anak." At nginitian niya ng matamis si Maddie.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now