Chapter 15

794 44 4
                                    

"A-anong sinabi mo?" tanong niya kay Jv. "Sandali kahapon ba ang tinutukoy mo? Alam mo ba Jv na lagi siyang nagsusuot ng ganyan. Nakalimutan niya lamang suotin kahapon, makakalimutin kase siya," dagdag pa ni Maddie.

Hindi niya alam sa pista ng Bayan kami unang nagkita at nakita niya na ang aking mukha. At isa pa nagpapakilala akong Aya sa harapan nilang dalawa. Kapag nalaman ni Maddie na ako iyong babaeng kinainisan niya sa pista ng Bayan dahil kay Prinsipe Jv sa malamang na malamang isang buong araw ako pagagalitan ni Maddie.

"Hindi kase kaaya aya ang mukha niya kaya nagtatakip siya ng mukha. At isa pa tradisyon iyong ng pamilya niya, masyado kaseng maselan ang pamilya niya."

Saan ba nakukuha ni Maddie ang pinagsasabi niya. Pati kasinungalingan niya dinadamay pa niya ako.

Tumango si Prinsipe Jv at napatingin muli sa akin. "Maganda naman ang mukha niya kaya bakit kailangan niya iyon gawin. Bilang tagapagsilbi pantay pantay pa rin ang pagtingin dapat
sa kanila," tugon ni Prinsipe Jv at pumasok sa loob ng palasyo nila.

Nakanganga akong nakatingin kay Maddie. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon lalo na sa harapan namin dalawa. Ano kaya nakain ng prinsipeng iyon para purihin niya ako.

"Huwag kang ilusyunada, mali ka lang ng narinig." Tinalikuran niya ako at sinundan ang Prinsipe.

Tama ba ang narinig ko?Sinabihan niya ako ng maganda?

Napangiti tuloy ako bigla.

Pumasok na rin ako sa loob upang lapitan naman si Linley.

"Iyong babae ba kanina siya ba ang pinagsisilbihan mo?"

Napatingin ako sa kuwartong pinasukan nina Maddie at Prinsipe Jv.

"Oo siya nga." Sabay tingin sa kanya.

"May namamagitan ba sa kanila ni Prinsipe Jv? Akala ko b-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil baka ano na naman ang masabi niya.

"Huh? Ah eh sabi sa akin ni Ma- ni Prinsesa Maddie may namamagitan na nga raw sa kanila. Tsaka isa pa, wala naman talaga ako pagtingin sa prinsipeng iyon."

"Sabagay, ako lang naman ang nagsabi non."

Pati pag-uwi sa palasyo hindi pa rin makalimutan ni Maddie ang sinabi ni Jv sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin may pagtingin ka ba kay Jv?" tanong niya na may pagkairita ang boses.

"Wala," deretso kong sagot.

"Mabuti. Nagkakalinawan tayo."

****

Nag-aayos na kami ni Dorothea dahil ngayon araw ang kaarawan ni Prinsipe Levi. Hindi naman nakasama si Maddie dahil may lakad sila ni Euna.

Nasa labas na kami ng palasyo ng Dark Castle ni Dorothea upang hintayin lumabas si Prinsipe Levi. Iyon ang pangalan ng kanilang palasyo. May naririnig kaming ingay at kung ano ano pa baka marami ng tao. Maya-maya may lumabas na isang tagapagsilbi, ihahatid niya na lang daw kami kay Prinsipe Levi dahil may kausap pa raw kase ito. Pagpasok namin sa loob namangha ako dahil marami silang mga palamuti, litrato at mga bulaklak. Masarap ang simoy ng hangin at marami rin pagkain nakahanda sa harapan. Maraming tao na kung saan nag-uusap at nagtatawanan at nagkakamabutihan.

Napansin ko si Prinsipe Levi na uminom muna ng alak bago kami kausapin.

"Masaya ako na makita ko kayong dumating. Akala ko hindi niyo ako pagbibigyan sa aking kaarawan."

Nginitian namin siya ni Dorothea.

"Wala naman kami gagawin ni Dorothea kaya dumalo na rin kami. Maligayang kaarawan nga pala sa iyo, paumanhin wala akong dala na kahit munting regalo sa iyo," sabi ko at medyo nahiya.

Ngumiti siya at natawa ng kaunti. "Wala iyon. Sapat na sa akin na dumalo kayo. Halika, paghahain ko kayo ng pagkain."

Nagkatinginan kami ni Dorothea bago sumunod kay Prinsipe Levi. Bukod sa maginoo ay mabait pa.

Umupo kami sa gilid sa may bintana ng kanilang palasyo. At binigyan kami ng pagkain. Nag-usap usap lamang kami hanggang dumating si Chryses.

"Nandito pala kayo, kuya Levi pinapatawag ka ni ina may nais siyang sabihin sa iyo. Ako na ang bahala sa kanila."

Tumayo na si Prinsipe Levi at nagpaalam sa amin.

Umupo si Chryses at tuwang tuwa na magkita kaming muli. Siya na lang kase ang matalik kong kaibigan kaya kada makikita ko siya ay palagi akong masaya.

"Hindi ko pa nababanggit sa aking kapatid na ikaw ang matalik kong kaibigan. Panigurado kapag nalaman niya iyon hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya na isa ka rin pa lang prinsesa."

"Ayos lamang iyon. May tamang panahon naman para roon."

"Salamat naman at nakapunta ka. Tsaka, alam mo ba naninibago ako kay kuya. E, kase naman kada kaarawan niya wala naman iyan iniimbita na babae, bukod sa iyo ngayon. Sa tingin ko nga baka may lihim na pagtingin ang kuya ko sa iyo."

"Wala naman siguro. Baka mabait lang talaga siya sa lahat ng tao."

Biglang nanlaki ang mga mata ko na makita ko si Prinsipe Jv kasama si Prinsipe Kreios.  Nilapitan sila ni Prinsipe Levi, inimbitahan din pala sila. Kaya inayos ko ang pantakip ko sa aking mukha. Kailangan ko mag-ingat.

Pagkatapos kumain at mag-usap, bumalik si Chryses sa kanyang kuwarto medyo masama pala ang pakiramdam niya. Si Dorothea naman ay iniwan muna ako saglit dahil naiihi na raw siya.

"Mukhang inimbitahan ka rin pala ni Levi?"

Napalingon ako sa isang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Mahaba ang kanyang buhok at mukhang mayabang.

"Sino ka naman?" tanong ko sabay tayo.

"Ako nga pala si Demetri. Dem para maikli na lang, mukhang nag-iisa ka ata, wala ka bang kasama? Maaari ba kitang makasama at makausap kahit saglit lang, sawa na kase ako sa mga babaeng mahaharot at walang ginawa kundi magpaganda. Baka naman maaari ko makuha ang kaunti mong oras." Sabay kindat sa akin.

Napatingin ako sa mga grupo na kababaihan na mahaharot na tinutukoy niya. Pansin kong sa kaniya nakatingin ang mga babae.

"Paumanhin, may kasama kase ako at isa pa wala akong oras upang makausap ka," sabi ko at kinabahan ako na para bang sinisipat niya ang buo kong katawan.

"Ganoon ba? Ayaw mo bang may makasama ngayon gabi?" Sabay lapit ng mukha niya sa akin.

Umatras ako agad subalit naapakan ko ang kasuotan ko. Muntik na ako mapaupo ngunit bigla ako hinawakan ni Demetri sa aking bewang. Natulala na lang ako ng mapansin kong sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Mag-ingat ka, hindi naman ako masamang tao. Baka naman maaari mo ako pagbigyan?" Ngumiti siya ng parang may ibang kahulugan.

Umigting ang panga ko at nasampal ko siya ng malakas.

Lumayo ako sa kanya ng kaunti at namalayan kong naagaw namin ang atensyon ng mga taong nasa loob ng Dark Castle. Biglang lumapit si Prinsipe Levi sa amin at hinawakan si Demetri upang ilayo ito sa akin.

"Anong nangyayari?" tanong niya kay Demetri.

"Iyan lalaking iyan may nais siyang gawin sa akin. Gusto niya ako ayain mamayang gabi. Hindi naman ako katulad nang mga babaeng tinutukoy niya sa likuran namin. Hindi ko iyon gawain," ako na mismo ang unang sumagot.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Kilala ko ang babaeng binabastos mo? Bakit mo ginawa iyon?" galit na galit na tanong ni Prinsipe Levi kay Demetri subalit ngumisi lamang ito at tinignan akong muli.

"Aalamin ko sino ka at sisiguraduhin kong maangkin kita," Wika niya na ikinatakot ko.

Pinaalis na siya ni Prinsipe Levi at pinasama sa mga kawal nila.  Mabuti naman at umalis na siya. Nagdududa ba siya sa aking pagkatao.

"Kaibigan ko ang lalaking iyon. Ako na mismo ang humihingi ng paumanhin sa kanyang ginawa. Sadyang babaero lamang siya."

"Hindi naman ako nasaktan, kaya salamat sa pagtulong mo."

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now