Chapter 10

1K 51 3
                                    

Hanggang tanghali naiisip ko pa rin ang nangyari kaninang umaga. Hindi pa bumabalik si ama pagkatapos nila umalis ni Esperago Easton. Hindi rin lumabas ang reyna siguro natakot siya ng labis. Si Maddie naman kada lalabas sa kuwarto ay laging lumilingon lingon sa paligid. Tama kaya ang reyna na wala talaga sa labas ng palasyo ang kumakalaban sa amin. Kung sakaling sa loob man iyon sino sa kanila?

Nawala ang pag iisip ko na lumapit sa akin si Dorothea na may dalang pagkain.

"Kumain muna po kayo Prinsesa Hilary. Nakakasama po sa inyo kung hindi po kayo kakain ng tanghalian at magpapalipas ng gutom."

Kinuha ko ang pagkain sa kaniya at sinimulan kumain.

Kailangan ko ng lakas upang makapag-isip ng maayos. Maya-maya lamang napatayo ako dahil dumating din sina ama at Esperago Easton. Lumapit ako sa kanila.

"Kumusta po ang lakad ninyo?May nalaman po ba kayo kung sino ang gumawa no'n?" tanong ko kay ama.

Bumuntong hininga siya. "Nabigo kami anak, napag-usapan namin ni Esperago Easton na magpadala tayo ng mga kawal kulang pa kase ang mga kawal natin. Mas maganda kung  marami mas iingat ang ating palasyo at ating mga buhay. Malalaman din natin kung sino ang nagpapadala ng ganoon bagay."

"Kaya huwag na kayong mag-alala Prinsesa Hilary at Dorothea," tugon naman ni Esperago Easton.

"Nasaan ang iyong ina?" biglang tanong ni ama.

"Nasa kuwarto po ama. Kanina pa po siya hindi lumalabas marahil sanhi iyon ng takot na nangyari kanina," Pagsagot ni Maddie na nasa likuran na pala namin ni Dorothea.

"Pupuntahan ko muna siya."

Tumango kami kay ama.

"Dorothea samahan mo ako, nagugutom na kase ako."

Nakakairita talaga itong si Esperago Easton kaya ayon inakbayan niya si Dorothea at iniwan kaming dalawa ni Maddie.

"Kung sinoman ang gumawa ng bagay na iyon, sisiguraduhin ko rin na ipapakulong ko siya at papatayin gamit ang aking mga kamay ko."

Ano na naman sinasabi niya?

"Kaya mo bang pumatay na kalaban? Tsaka isa pa baka may matinding galit ang taong nagpapadala nang mga ganoon. Sino kaya ang pinapadalhan niya no'n?" Sabay ngisi sa kaniya.

"Aba'y malay ko. Ikaw lang naman ang naisip ko na nagtatraydor sa amin. Matindi ang galit mo sa amin hindi ba?"

Teka pinagbibintangan niya ba ako? Ibang klase ang babaeng ito.

*****

Nagpaalam naman kami ni Dorothea kay ama na bibisita kami sa pamilya ni Dorothea sa kabilang Bayan. Kinuha ko na ang aking tela, pantakip sa akin mukha. Pagbaba ko nakahanda na ang kabayong amin gagamitin. Sayang nga lang hindi kami masasamahan ni Esperago Easton dahil kailangan siya ni ama.

Pagdating namin sa kabilang Bayan naglakad na lang kami sa bahay nina Dorothea.

"Paumanhin po Prinsesa Hilary, alam ko po hindi po kayo sana'y na pumunta sa ganitong lugar. Mabaho, madumi at maraming tao."

"Ano ka ba, wala iyon, huwag muna ako alalahanin kaya ko ang sarili ko." Nginitian ko siya upang hindi siya mag-alala sa akin.

Ilan minuto lang nakarating na kami sa bahay nila. Simple, may amoy sa paligid at maraming bata sa kanilang tahanan. Pinapasok ako ni Dorothea at ipinakilala sa mga pamilya niya.

"Ama, ina, mga kapatid ko, siya nga pala ang kaibigan ko sa Windsor. Dalawa kaming tagapagsilbi roon."

Ngumiti ako sa kanila. Sinabihan ko kase siya na hindi niya ako maaari ipakilala sa pamilya niya bilang prinsesa. Dahil hindi kami makakasiguro na hindi iyon kakalat. Pinaupo muna ako at si Dorothea naman ay maghahain ng pagkain. Pito silang magkakapatid, apat na babae at tatlong lalaki. Ngunit halos mga bata pa sila at musmos kaya halos laro na lamang ang ginagawa nila. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa isang mayaman pamilyado malapit sa Bayan. At ang kaniyang ina naman ay lagi lamang sa tirahan upang alagaan ang mga kapatid ni Dorothea.

Oras na ng hapunan sabay sabay kaming kumain at nagkwentuhan upang malaman namin ang isa't isa. Kahit na simple ang kanilang pamumuhay maganda ang samahan ng kanilang pamilya. Kumpara sa amin na mayaman nga at kilala sa buong Hagerdon hindi naman buo ang pamilya ko at pinagkakait pa ang pagkatao ko. Pagkatapos kumain lumabas ako sa kanilang tahanan upang magpahangin. Tumingala ako at napansin kong kumukulog, siguro'y uulan.

"Ayos lang po ba kayo?"

Napalingon ako kay Dorothea. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako.

"Oo naman. Masaya ako na nagkita ulit kayo ng pamilya mo."

"Oo nga po. Baka umabot po ng lima o walong buwan na naman bago ko sila makita at makapiling muli." Bakas sa mukha ni Dorothea na nalulungkot siya. Abala kase siya sa pagtatrabaho sa amin kaya hindi na siya nakakadalaw sa tirahan nila.

"Huwag kang mag-alala, kung nais mo makita ang iyong pamilya kada isang araw sa isang linggo hindi kita pagbabawalan. Matagal ka na tagapagsilbi sa amin kaya bakit hindi kita pagbibigyan sa iyong hiling."

Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Napagpasyahan din namin magpaalam na kami sa pamilya niya dahil kailangan na namin makauwi sa palasyo. Habang naglalakad kami sa Good hope Lake bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo kami sa St. Jago Church. Subalit sarado pala ang simbahan na iyon kaya sa labas na lang kami pumwesto at iintayin na tumila ang ulan. Iniwanan muna ako ni Dorothea dahil may pupuntahan siya, may kakilala kase siya malapit sa simbahan na maaari namin pagtuluyan muna sandali. Pero dahil sobrang nabasa ako at nilalamig na at hindi ko na kayang mag-intay pa ng matagal naglakad ako pasunod kay Dorothea. Subalit may humarang sa akin na dalawang lalaki. Iyong isa payat na matangkad at iyong isa naman medyo mataba na maikli ang gupit na buhok. Babalik na lamang ako sa aking pwesto sa simbahan na bigla akong hawakan nong payat na lalaki.

"Saan ka pupunta binibini?Mukhang nag-iisa ka? Sumama ka na muna sa amin lalo na't umuulan."

Pumiglas ako sa hawak niya. Mapapahamak pa ata ako.

"Hindi ako sasama sa inyo."

Akmang tatakbo na ako na hawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko. Kaya malakas nila ako hinila. Magsasalita sana ako na napatigil kaming tatlo na nasa harapan namin si Prinsipe Jv. Anong ginagawa niya rito? At bakit basang basa na rin siya?

"Sino ka? At huwag na huwag kang makikielam," galit na usal nong payat na lalaki.

Ngumisi si Prinsipe Jv at lumapit sa amin. "Pakawalan niyo siya," sabi niya at sabay tingin sa akin.

"Tsk, ikaw pala iyan prinsipe. Ano naman. Huwag ka ngan maikielam, salot kayo sa buhay namin," Singhal naman nong isang lalaki.

Nagpatuloy silang hilahin ako at nagpupumiglas lamang ako hanggang malagpasan namin si Prinsipe Jv. Hay naku, wala naman pala siyang binatbat.

Ngunit nagulat ako na hilahin ni Prinsipe Jv ang dalawa at sinimulan pagsusuntukin at sipain ang mga ito. Nagdadasal din ako na sana hindi siya mapuruhan. Natalo naman niya ang dalawa na wala ng buhay.
Nagkatinginan kami ni Prinsipe Jv. Parehas kami basang basa sa ulan. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng maaalala na natanggal na ang telang pantakip sa aking mukha. Subalit naaalala ko rin na nakita niya na pala ang aking buong mukha noon pa sa Bayan kaya hinayaan ko na lamang. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

"S-sandali, saan mo ako dadalhin?" nagtataka kong tugon.

Lumingon lingon ako sa paligid dahil hinahanap ko si Dorothea. Nasaan na kaya siya.

"Basta," maikling sabi niya.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon