Chapter 50

544 30 1
                                    

Maaga ako nagising dahil sabay sabay kami kakain sa isang mahabang hapag kainan. Kasama ko sina ina, ama, Esperago Easton, Dorothea, Chryses at Isiro. Ang saya pala kapag marami kayo at sana maulit muli ang pagkakataon ito. Tumabi ako kay Chryses na katapat ko naman si Esperago Easton.

"Kumain na tayo," pag aya ni ama. Bumalik na ang lakas niya at kami ay nagpapasalamat na maayos na talaga ang kalagayan niya. Ipinaliwanag namin lahat lahat ng nangyari simula noon nagkasakit siya at ngayon ay nagpapasalamat siya sa akin dahil nakayanan ko agawin muli ang Windsor. Pagkatapos ng maraming taon nakumpleto na rin sa wakas ang pamilya ko.

"Oo nga pala nabalitaan ko kay Hilary na magkarelasyon na kayo Dorothea at Isiro. Nakakatuwa naman, akala ko nga dati may gusto ka kay Hilary iyon pala mali ako." Wika ni ina sa dalawa na magkatabi.

Mukhang nahiya si Dorothea at napatingin pa kay Isiro. Wala naman ako masasabi bagay naman sila at mukhang masaya sila sa isa't isa.

"Naagaw po kase ang atensyon ko ni Dorothea. Matagal na nga po iyan may gusto sa akin."

"Hala, Isiro naman." Sobrang nahiya siya at pinalo pa si Isiro.

Natawa si ina at 'di ko rin mapigilan matawa. Ang tagal na namin magkasama ni Dorothea wala naman siyang nababanggit siguro ay nahihiya siya.

"Akala niya kase may gusto ako kay Hilary kaya hindi siya umamin. Pero sabi ko naman kaibigan lang ang turing ko kay Hilary kaya ayun bigla siyang umamin."

"Isiro! paumanhin po."

"Ano ka ba Dorothea, dapat ipagmalaki mo kung ano ang mayroon kayo ni Isiro. Hayaan niyo susuportahan namin kayo hanggang sa dulo." Sabi ni ina.

"Maraming Salamat po,"

"Ikaw naman Chryses may nanliligaw na ba sa iyo? Kumusta na ang buhay pag ibig mo?" Pag usisa ni ina. Mukhang iniisa kami ah kinabahan tuloy ako.

"Wala po, "

"Naku huwag ka na tumanggi. Hindi ba nanliligaw sa iyo si Kreios pumunta nga siya kahapon ng hapon para magbigay ng bulaklak at liham." Napatingin naman kami kay Esperago Easton. Mukhang may alam siyang sa dalawa.

"Nakita mo iyon?" tanong ni Chryses.

"Oo, may balak ka bang sagutin iyon? Maganda siguro kung oo bagay rin naman kayo."

Namula ang pisngi ni Chryses at nahiyang tumingin sa akin. Nginitian ko lamang siya at kung saan siya masaya ay masaya na rin ako.

"Esperago hayaan muna ang mga bata sa kanilang ginagawa. Baka naman naiinggit ka?" Usal naman ni ama. At inasar namin ni Espetago Easton.

"Kayo talaga mahal na hari hindi na ako binata tsaka tinulungan ko lang naman si Chryses na maging masaya kahit papaano."

"Sabihin mo masiyado ka lang naiinggit talaga." Pang aasar ko sa kanya.

Nagtawanan  sila at sinamaan lang ako ng tingin ni Esperago Easton. Subalit nawala rin iyon na dumating si Janna.

"Paumahin po sa abala. May tao po sa labas hinahanap po si Prinsesa Hilary."

"Sino iyon?" tanong ko.

"Si Prinsipe Jv po,"

Akmang tatayo ako para labasan siya na marinig ko magsalita si ina.

"Pakisabi pumasok siya at sumabay kumain sa amin." Agad na umalis si Janna at pumasok na nga si Jv. Ako naman ang biglang nahiya.

"Magandang umaga po sa inyo!" bati niya sa amin lahat.

"Magandang umaga rin sa iyo Ginoo," bati din ni ama.

"Umupo ka muna at sumabay kumain." Pag aya ni ina.

"Hindi na po. May kailangan lang po akong ipagpaalam sa inyo. "

"Ano naman iyon?"

Lumakad papalapit sa akin si Jv at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko naman mapigilan mapatingin sa kanya. Anong ibig sabihin nito?

"Gusto ko po sana hingiin ang kamay ni Prinsesa Hilary sa inyong harapan para ayain po siyang magpakasal sa akin."

Halos lahat nagulat sa sinaad ni Jv halos walang kumibo sa amin at nakatuon lamang ang tingin kay Jv. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya medyo natauhan ako. Unang nagsalita si Esperago Easton.

"Masaya ako sa iyong sinabi Prinsipe Jv. Kelan ba ang kasal, bukas na ba? Ako nang bahala sa lahat." Sabay kindat kay Jv. Ang yabang talaga nito.

"Sigurado ka na ba iho sa iyong desisyon?" tanong ni ama.

"Opo. Wala pong halong pagsisisi simula po na makilala ko ang inyong anak bumalik ako sa dati kung saan nabubuhay pa ang ina ko. Sabi ko sa sarili ko na wala na ata akong pag asang maging masaya subalit na makita ko si Hilary at nahulog na ang loob ko sa kanya may pag asa pa pala ako. Siya ang nagbigay ng kulay at bumuo muli ng pagkatao ko. Kaya ngayon, kahit na kababangon pa lang ng Windsor hindi ko na ito palalagpasin pa."

"Pumapayag kami Jv. Nakikita ko naman kase na masaya si Hilary kapag kasama ka. At marami naman napagkuwentuhan sa akin si Dorothea tungkol sa inyong dalawa. Siguro ito na rin ang tamang oras para maiba naman ang buhay ni Hilary at sa iba naman ituon ang atensyon niya." Wika ni ina.

"Papayag din kami simula pa lang boto na kami sa inyo." Ngiting sambit naman ni Chryses.

"Oo kami rin ni Dorothea boto kami." Si Isiro naman.

"Paano ba iyan lahat payag. Bukas na kase ang kasal." Sinamaan ko ng tingin si Esperago Easton sobrang atat.

"Huwag ka muna umuwi iho papuntahin mo na rin ang iyong ama para mapagusapan maigi ang darating niyon kasal."

Pagkatapos ng biglaan pangyayari. Sinamahan ako ni Dorothea na pumunta sa St. Jago bibisitahin ko kase si Maddie. Si Jv naman ay naiwan nga sa Windsor kasama si ama, ana at ang ama ni Jv. Hanggang ngayon para akong nanaginip noon una kase hindi naman akalain na may magkakagusto sa akin. At sa taong inayawan ko pa noon una. Kapag binabalikan na lang ang mga sitwasyon noon ang sarap na lang tawanan.

"Kayo po pala mahal na prinsesa," bungad sa amin ni Camila.

"Gusto ko sana makausap si Maddie."

"Wala po siya rito. Ilan araw na po."

"Ano? Nasaan siya?" gulat kong tanong.

"Simula po na umalis siya hindi na po siya bumalik. Pinaalam ko na po ito kay Father Timothy at pinahanap na lang po kay Carter. Subalit, wala po talaga hindi po siya mahanap."

Bumigat ang kalooban ko at ito ang sinasabi ni Eleanor. Saan kaya pumunta si Maddie? Hindi kaya lumayas siya.

"Alam ko na kung saan siya hahanapin."

"Saan na po?"

"Kina Euna."

Agad kami pumunta sa bahay ni Euna sumama na rin si Camila dahil nagaalala rin ito. Ilan oras lamang ay nakarating kami at tama nga ang hula ko nandoon nga siya.

"Dito siya tumuloy ng ilan araw ayaw kase  niya umuwi ng St. Jago. Kinakausap ko siya subalit ayaw niya magsalita. May nangyaring hindi ata maganda sa kanya."

"Ako na ang kakausap sa kanya."

Tumango si Euna at pinapasok ako sa isang kuwarto na tinuluyan ni Maddie. Nakita ko siyang nasa isang sulok at nakayuko lamang. Para siyang basang sisiw na inapi. Unti unti ko siyang nilapitan.

"Maddie,"

Umangat naman ang ulo niya at gulat na mapatingin sa akin. Hindi niya siguro inaasahan na darating ako rito para puntahan siya.

"May nangyari ba? Dinalaw ko si Eleanor sabi niya hindi ka raw dumalaw sa kaniya ng tatlong araw."

"K-kase,....... b-buntis ako."

Ako naman ang napagulat at hindi ko iyon talaga inaasahan. Sino nakabuntis sa kanya wala naman na silang koneksiyon ni Jv matagal na.

"Maaari ko ba malaman kung sino ang ama na dinadala mo?"

"Si L-levi,"

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now