Chapter 49

511 25 8
                                    

Magkasama pa rin kami ni Jv at ngayon bibisitahin namin si Aling Marta. Matagal na rin kase ang huling pagkikita namin at paguusap. Pagkarating namin bumungad sa amin sina Cyro at Lira na masayang naglalaro. Hindi ko nga mapigilan mapangiti.

"Dahil sa iyo nabigyan sila ng pagkakataon upang maging masaya." Rinig kong usal ni Jv.

"Tama lang ang ginawa ko. Hindi naman ito para sa akin para ito sa lahat na nadamay."

"Siguro mas masaya kung makakasama nila maglaro ang mga anak natin." Bigla ako napatingin sa kanya at napataas ang kilay ko.

"Ang aga mo ata mag isip. Tara na," nauna na ako maglakad sa kanya at lalo silang naging masaya na makita kami.

"Prinsesa Hilary, Prinsipe Jv."

"Ate at kuya na lang." Sambit ko.

"Sabi po ni inay maging magalang po kami lalo na po sa inyong dalawa po." Sabi ni Lira.

"Pero mas nanaisin ko ang hindi pormal. Atsaka, tayo tayo lang naman nandito kaya hindi iyon malaking problema sa amin."

Nagkatinginan ang dalawa at nahiyang napatango. Inaya nila kami pumasok sa bahay nila at nagulat pa si Aling Marta na makita kaming bumisita.

"Kumusta kayong dalawa?"

"Ayos lamang po," wika ko.

Pinaupo muna kami at tumabi sa amin ang dalawang bata. May inaasikaso kase si Aling Marta kaya di kami agad kinausap. Pero maya maya pinuntahana na kami at hinandaan ng pagkain.

"Mabuti naman at napadalaw kayo rito. Prinsesa Hilary, salamat nga pala sa lahat. Malaking tulong ang ginawa mo para bumalik kami sa dati."

"Walang anuman. Karapatan ko kayong tulungan."

"Ikaw pala Prinsipe Jv kumusta pala ang kasal mo? Nabalitaan ko hindi pala iyon natuloy."

Mabilis na sulyap ang ginawa ko kay Jv. Marami pala nakakaalam na dapat ikakasal na siya. Subalit, hindi iyon natuloy dahil sa pagsugod ng mga tauhan ni Levi.

"Wala naman kasalan na dapat maganap. Asahan niyo ang totoong kasal ko sa babaeng katabi ko."

Bakas sa mukha ni Aling Marta ang pagkagulat at napalitan agad ng saya. Hindi ko rin mapagilan mapangiti sa sinaad ni Jv.

"May namamagitan na ba sa inyong dalawa?"

"Opo," pagsagot ni Jv.

"Masaya akong marinig iyan. Sa totoo lang matagal na talaga ako nagdududa sa inyo. Mabuti na nga lang tama pala ang hinala ko. At alam niyo bang bagay na bagay kayong dalawa. At sana nga, kayo ang maging instrumento na pagiging kapayapaan ng buong Hagerdon."

"Salamat po," wika ko.

Buong araw kami nanatili sa bahay nina Aling Marta. Sobrang saya ko dahil ang dami dami kong natutunan tungkol sa kanila. Kahit na simple, hindi sila kilala at hindi masyado marami ang pagkain masaya pa rin sila. Isa pa, kasama ko si Jv na mas nauna nakakilala kina Aling Marta.

"Iha,"

"Kayo po pala Aling Marta," nakaupo kase ako sa isang kakahuyan at sina Lira, Cyro at Jv ay ginagawa ang bangkang sira sa may pampang.

"Salamat nga pala sa pagpunta rito. Alam mo bang noon naalis kami rito palagi kayo hinahanap ng dalawang bata. At ngayon, nakakasama na nila kayo. Bukod sa akin kayo rin ang dahilan kung bakit kailangan nila mabuhay at matutunan kung gaano kahalaga ang buhay."

"Hindi po namin kayo makakalimutan. Palagi po kami dadalaw para sa mga bata. Hayaan niyon maging parte kami ni Jv ng inyong buhay."

"Tsaka nga pala, kelan kayo magpapakasal ng prinsipe patatagalin niyo pa ba ang relasyon ninyo?" tanong niya bigla.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon