Chapter 12

874 43 0
                                    

Pagbalik ko sa palasyo bumungad sa akin ang reyna. Wala na bang igaganda ang araw ko?

"Mabuti naman binalak mo pa umuwi rito? Hindi mo ba alam na sobrang nag-aalala ang iyong ama. Umalis siya ngayon upang hanapin ka at kasama niya si Esperago Easton. Magkasama kayo ni Dorothea kahapon ngunit kagabi siya na lamang ang bumalik dito at hindi ka niya kasama. Saan ka nagpunta?" galit niyan sabi sa akin na para bang siya ang tunay kong ina.

Magsasalita sana ako na dumating si Maddie. Isa pa ito, mag-ina nga talaga sila.

"Paumanhin, nagkahiwalay kami kagabi ni Dorothea. May tumulong sa akin isang tao upang may matuluyan ako ng isang gabi. Hindi ko na rin binalak pang bumalik kagabi rito agad dahil malakas ang ulan," paliwanag ko.

"Kahit na, kung gugustuhin mo gagawa ka ng paraan. Hindi iyong pinag-aalala mo si ama. Sana pala hindi kana lang pinapalabas sa palasyo na ito," wika bigla ni Maddie.

"Tsk, hindi naman ata tama iyon. Bilang prinsesa ng Windsor hindi mo hawak ang buhay ko at kung ano ang dapat kong gawin. Malaki na ako at alam ko na kung ano ang ginagawa ko," medyo inis kong pagsagot.

"Bilang reyna wala kang karapatan na sumagot sa akin anak harap harapan ko pa. Kung gusto mo hihilingin ko sa iyong ama na huwag ka na palabasin pa kung hindi ka naman uuwi kaagad. Nagiging sagabal ka lang sa amin."

Ako pa talaga? Ako pa ngayon ang sagabal? Ano ito pinagtutulungan ba ako nang mag-inang ito?

"Sinabi ko na ang dahilan ko hindi pa ba iyon sapat?" Gusto ko siyang sagutin kaya lang hindi naman ako kagaya nila. Kahit papaano may respeto pa ako sa kanya.

"Nandito ka na pala aking anak."

Sabay sabay kami napalingon at narito na pala si ama kasama si Esperago  Easton.

"Paumanhin po ama kung pinag-aalala ko po kayo."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Huwag muna ako alalahanin pa. Mabuti na lamang sinabi sa aking ng matalik kong kaibigan na si Rennedy na doon ka raw sa kanila tumuloy at nakabalik ka na raw dito. Masaya ako dahil maayos ka nilang pinatuloy at tinanggap."

Natahimik ako bigla sa kanyang sinaad at unting unti ako napalingon kay Maddie na gulat na gulat ang reaksyon.

"S-sandali kina Prinsipe Jv siya tumuloy kagabi kaya siya hindi nakauwi agad, tama ba ama?"

Sabi na nga ba. Panigurado magagalit siya sa akin.

"Oo wala naman problema iyon Maddie." Tumingin sa akin si ama. "Hilary anak ko, masaya ako na nakabalik ka kaagad dito. Magpahinga ka at kumain ka ng marami."

Tumango ako kay ama at pumasok na siya sa loob. Si Esperago Easton ay nginitian ako at nagpaalam sa reyna na pupuntahan niya si Dorothea.

Tumingin naman ako sa reyna at kay Maddie na bakas sa mukha niya na hindi niya matanggap na kina Prinsipe Jv ako tumuloy kagabi upang hindi mapahamak. Hindi ko naman kasalanan, bigla na lang ako hinatak ni Prinsipe Jv.

"Mag-uusap tayo mamaya," sabi ng reyna at sinundan si ama.

Pupunta na sana ako sa kuwarto na magsalita si Maddie.

"Ang kapal ng mukha mo. Bakit ka tumuloy sa kanilang bahay palasyo? Alam mo ba na hindi dapat nagsasama ang isang babae at lalaki sa isang palasyo hangga't wala naman silang relasyon. Kaya anong karapatan mo upang tanggapin ang alok nila. Oh sadyang gusto mo lamang ako lamangan kay Prinsipe Jv."

Hinarap ko siya at bumuntong hininga ako. Pagod na nga ako sesermunan pa niya ako.

"Ang pagkakaalam niya ay isa lamang akong tagapagsilbi. Kaya ano ang ikinagagalit mo?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Winawarningan kita huwag na huwag ka na lalapit o tankain kausapin siya. Magpapatayan talaga tayo rito at seryoso ako roon."

Nagtitigan kami at hanggang napaiwas ako.

Nahihibang na talaga siya.

"Bakit mo pa kase pinipilit ang bagay na hindi mo naman makuha? Masyado mo lang pinapaasa ang sarili mo at pinapahiya. Sabagay para nga naman sa pag-ibig magpapatanga ka at gagawin ang lahat. At mabuti na lang hindi ako kagaya mo." At pumunta na ako sa kuwarto. Wala talaga ako mapapala sa sinasabi niya. Puro na lang siya lalaki. Wala naman pagtingin ang lalaking iyon sa kanya.

Tanghali na dumating si Dorothea sa kuwarto.

"Kumusta po kayo mahal na prinsesa paumanhin po kung hindi ko po kayo binalikan kaagad kagabi sa simbahan."

"Huwag muna isipin iyon. Kasalanan ko rin naman dahil umalis ako sa puwesto. Sana'y hinintay na lamang kita."

"Pero totoo po bang pinatulog muna kayo ng isang gabi sa palasyo nina Prinsipe Jv?" tanong niya.

"Nong sinubukan kitang sundan may dalawang lalaki na humarang sa akin paglalakad. At gusto nila ako dalhin sa kung saan. Mabuti na lamang dumating si Prinsipe Jv upang tulungan ako. Pero nagulat ako na hilahin niya ako sa kanilang palasyo at doon muna raw ako kahit isang gabi dahil delikado sa labas lalo na't malakas ang ulan. Hindi naman ako makatanggi sa alok nila ng kanyang ama."

"Kung ganoon nagmagandang loob lang naman pala ang prinsipe. Subalit galit na galit po sa inyo si Prinsesa Maddie dahil hindi niya po tanggap na doon kayo pinatuloy."

"Huwag na natin siya pag-usapan pa," pakiusap ko sa kanya.

Tumayo siya at may inabot sa akin. "Nagkita po kami kagabi ni Prinsipe Levi. Iniimbita niya po tayo sa kanyang kaarawan sa darating na Huwebes sa kanilang palasyo."

Kinuha ko ang maliit na papel kay Dorothea na naglalaman ng isang sulat.

Iniimbitahan ko kayong dalawa ni Dorothea pumunta sa aking kaarawan. Aasahan ko kayo lalo na ikaw.-Prinsipe Levi.

"Sa tingin ko po may pagtingin ang prinsipe sa inyo. Kahit na kinikilala niya kayong bilang tagapagsilbi."

Tumingin ako kay Dorothea. "Una kaming nagkita ni Prinsipe Levi sa Pista sa Bayan. Tinulungan niya kase ako sa isang lalaking gusto akong isama. Mabait siya at maituturing kaibigan," sabi ko.

"Kaya nga po."

Hating gabi na bumaba ako upang uminom ng tubig. Hindi na kase ako pinuntahan pa ni Dorothea pagkatapos namin mag-usap. Habang umiinom ako nilapitan ako ng reyna. Gising pa pala siya.

"Buti naman naabutan kitang mag-isa. Sinadya kong hindi matulog upang makausap ka."

"Sabihin muna ang gusto mong sabihin."

"Bilang ina ni Maddie wala kang karapatan na awayin siya o sagutin siya sa harap ko. Isa pa, wala ka rin karapatan na sagutin ako. Magising ka sa katotohanan ako na ang iyong bagong ina. Nag-usap na kami ng iyong ama na lahat lahat ng sasabihin ko ay susundin mo. At kapag nakatatlong suway ka sa utos ko paparusahan kita."

Tumingin ako sa kanya. "Gawin mo lang ang bagay na gusto mo, wala naman ako pakielam. Sana'y na rin naman ako, hindi na ito bago sa akin."

"Mabuti nagkakaintindihan tayo. Ayoko sa lahat ang nakikipag sagutan ka sa amin. Magpasalamat ka pa nga at nandito ka pa rin sa Windsor."

Humigpit ang hawak ko sa baso at kung alam niya lang gusto ko na siyang patulan. Magtitimpi na lang ako hanggang kaya ko pa. Alam kong darating ang araw na pagsisihan nila na umapak pa sila sa palasyong ito.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now