Chapter 47

506 24 1
                                    

Isang buwan ang lumipas kung saan sumugod kami sa Windsor. Hindi ko masasabi kung nagwagi ba kami sa plano namin dahil para sa amin hindi na iyon importante. Pagkatapos nang lahat ay unti unti na namin makakamit ang hustisya. Sa ngayon ay magkasama kami ni ina at inaasikaso si ama. Mabuti na nga lang ay kahit papaano bumubuti na ang kalagayan niya.

Masaya na rin ako dahil magkakasama na muli kami. Kahit na ang dami namin pinagdadaanan eto pa rin kami at hindi sumusuko. Kailangan lumaban para sa isa't isa. Napabuntong hininga na lang ako at nagpaalam muna kay ina na lalabas muna ako. Nakabalik na rin si Dorothea sa palasyo at si Chryses ay makakasama namin dito, siya kase ay kinupkop namin dahil wala naman siyang makakasama sa Dark Castle. Hindi pa rin kase nagpapakita si Levi.

"Magandang Umaga po, Prinsesa Hilary." Isang ngiti ang pinakita ko kay Janna at tinanguan ko lamang siya.

Tama kayo, kinuha rin namin si Janna bilang tagapagsilbi. Alam kong malaki rin ang kasalanan niya subalit nautusan lang naman siya ni Eleanor. Natutuwa nga ako kase malaki na ang pinagbago niya. Kung dati napakataray ngayon naman ay nakapabait. Tama nga si ina kailangan mo talaga matuto sa mga pagkakamali bago ka maging mabuting tao. At sana ay tuloy tuloy na iyon.

"Isiro,"

"Ikaw pala Hilary,"

"Samahan mo muna ako sa pamilihan." Sabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw? Ipautos mo na lang sa tagapagsilbi ninyo."

"Hindi maari. Gusto ko kase ako ang mamili dali na saglit lang naman tayo roon."

Nakapamot pa siya ng ulo pero pumayag na rin naman siya. Gamit ang isang kalesa ay pumaroon na kami sa pamilihan. Isa pa sa nakakatuwa ko ay nakabalik na muli ang mga taong napalayas sa labas ng Hagerdon. Alam mo 'yong bakas sa kanila ang saya at tuwa na magkakasama na sila at nagagawa ang mga bagay. Parang kabayanihan sa lahat. Sinamahan na rin ako ni Isiro sa loob ng pamilihan at nagsimula na ako bumili.

Maya maya lamang iniwanan muna ako ni Isiro kase ilalagay muna niya sa kalesa ang ibang pinamili mahirap kase bitbitin sa loob. Bigla naman ako natigil na may nakabangga ako at sa aking pag angat at siya naman paghila sa akin. Akmang sisigaw sana ako ngunit agad niya tinakpan ang bibig ko at hinila sa isang makitid na kalsada.

"L-levi?"

Hindi ko siya nakilala dahil simple na lamang ang suot niya at nakasumbrero ito aakalain mong isa siyang trabahador rito.

"Ako nga,"

"Kumusta?" naiilang kong tanong.

"Patawad Hilary. Sana mapatawad mo ako. Wala naman talaga akong intensyon na saktan ka o makitang patayin. Alam kong may kurot pa rin sa puso mo ang huli natin pinagsamahan. At lubos kong uunawain kung galit ka pa rin."

"Levi kalimutan na lang natin iyon. Nauunawaan na rin naman kita kaya mo lang nagawa iyon dahil inutusan ka ni Reyna Uria. Atsaka isa pa, matatanggap ka pa rin naman ng Hagerdon kung lilinisin mo lang ang pangalan mo. Huwag kang mag alala, kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang."

"Napakabait mo talaga Hilary. Kaya nga kita nagustuhan dahil kahit anoman ang mangyari hindi ka pa rin nagbabago. At sana'y may pagkakataon pa ako sa puso mo."

Doon na ako natigilan at unti unting umiwas. Gusto kong umamin sa kanya na kaibigan na lamang ang turing ko sa kanya. Subalit, isang ngiti na lang ang pinakita ko sa kanya.

"Mas mabuti pang bisitahin mo rin si Chryses alam kong matutuwa siya." Sabi ko na lang.

"May kasama ka ba? Nais sana kita ayain kumain kahit saglit lang."

Si Isiro nga pala. Nagpaalalam muna ako sa kanya saglit para magsabi kay Isiro. Nang maayos na ang lahat sumama na ako kay Levi para kumain kami.

"Kumusta kana pala Hilary?"

"Maayos naman. Masaya na ako ngayon dahil naagaw ko na muli ang Windsor. Makakasama ko na muli ang mga magulang ko at magiging malaya na kami. Kumbaga, lahat ng pinagdasal ko noon ay natupad na ngayon." Masayang kuwento ko.

"Masaya akong marinig iyan sa iyo. Sandali, paano sina Maddie at ang kaniyang ina?"

"Si Eleanor nasa Fort Appollonia hinatulan siya ng maraming parusa. Nilabag niya kase ang batas sa organisasyon panbayan, pinagbintangan si ina sa isang kasalanan at nais patayin si ama. Si Maddie naman ay nasa St. Jago."

Sa totoo lang ayoko talaga mapaalis si Maddie pagkatapos kase siya makausap ni ina ay ayaw niyan tanggapin ang alok nito. Kusa siyang umalis at masama pa rin ang loob sa amin.

"Kumusta naman kayo ni Prinsipe Jv?"

Napahawak naman ako sa batok ko at nagulat ako na bigla siyang tumawa.

"Huwag kang mag aalala Hilary alam ko naman. Kaya mo nga ako hindi sinagot kanina kase alam kong may namamagitan na sa inyo ni Prinsipe Jv. Sayang nga lang nakuha kana niya."

"Ano ka ba! Malay mo may babaeng inilaan para sa iyo. Baka hindi talaga tayo sa isa't isa."

Marami pa kami pinagusapan ni Levi at sobra akong nasiyahan dahil kahit papaano naging malapit kami ulit sa isa't isa. Siguro parte talaga ng pagkakaibigan namin ang mapait na nangyari para maging matatag ang pagsasamahan namin. At alam ko na marami pa kami pagdadaanan.

"Pumasok ka muna sa loob," pag aaya ko sa kanya na ihatid niya ako sa Windsor.

"Hindi na. Nahihiya ako sobra Hilary ayoko muna humarap sa mga magulang mo dahil sa ginawa ko. Salamat nga pala ulit kase pinatawad muna ako at tinanggap muli."

"Wala iyon. Salamat din kase ikaw pa rin iyon Levi na nakilala ko."

"Bukas na bukas din ay magpapasama ako para sumuko na tama na siguro ang pagtatago. Alam ko naman hindi ko ito matatakasan. Atsaka handa ako sa anoman paghatol sa akin."

"May gusto sana ako malaman. Kinuwento kase sa akin ni ina iyon tungkol sa iyong ina at kay ama medyo naguguluhan kase ako."

"Ang totoo niyan alam kong hindi ang iyong ama ang pumatay sa aking ama si Pinunong Hermios iyon. Hindi kase iyon nakita nang maayos ni ina kaya pinagbintangan ang iyong ama. At nadagdag pa iyon ng relasyon na hindi naman talaga totoo. Paumanhin kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo. Kaya ka lang naman kinuha ni ina at ipinautos sa akin dahil ang pagkakaalam niya ang iyong ama ang pumatay sa aking ama. Ako na ang humihingi ng tawad. Hindi ko 'yon nasabi agad kay ina kaya ka nga hinanap. Wala rin kase akong alam sa gagawin niya sa 'iyo kapag nakuha kana niya. No'ng araw na kinuha ka na niya doon ko lang nalaman ang dahilan gusto ko sana siya pigilan subalit ayaw niya ako makielam. At isa pa parang pumayag na lang din ako kase sumama ang loob ko sa 'yo dahil sa inyo ni Prinsipe Jv."

"Ngunit, bago mawalan ng hininga ang reyna humingi siya sa akin ng paumanhin anong ibig sabihin non?"

"Siguro nagsisi siya dahil dinadamay ka niya lalo na't wala ka naman kasalanan. Bago ka kase hatulan ay sinabi ko na sa kanya ang totoo. Pero gusto pa rin niya ituloy ang plano dahil iyon na ang nakatatak sa utak niya."

"Naunawaan ko na. Palagi ka magiingat Levi."

Isang yakap ang ginawaran niya at hindi ko iyon pinalampas. Mahigpit ang yakap namin sa isa't isa at masaya talaga ako na nagka ayos na kami muli.

"Mag iingat ka rin palagi Hilary este Prinsesa Hilary.

Humiwalay na kami at pumasok na ako sa loob ng palasyo. Agad ko naman nakita si Janna at tinanong sa kanya kung nasaan si Dorothea.

"Umalis po siya nitong hapon kasama po si Isiro nag aalala na nga ako kase anong oras na at wala pa sila."

"Saan daw sila pupunta?"

"Wala pong sinabi. Marahil, may namamagitan na po sa dalawang iyon."

Sabagay bagay naman silang dalawa. Napapansin ko rin kase na palagi nga sila magkasama. Mausisa nga si Dorothea pagkauwi. Iniwanan ko na si Janna at dumiretso sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng damit at humiga. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now