Chapter 31

470 22 0
                                    

Inayos ko ang gamit ko sa kuwarto at tinapon ang mga bagay na 'di naman ginagamit. Naiisip ko kase na kahit nasa palasyo ako kailangan ko rin gumalaw. Si Maddie pala hindi pa siya lumalabas nang kaniyang kuwarto marahil ayaw niya ako makaharap. Tinawag ko si Dorothea upang tulungan ako sa pagtapon nang mga kwentang gamit. Kaya lang naabutan ko s'yang kausap si Chase 'yong pinsan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" bungad ko sa kaniya

"Nandiyan pala kayo, mahal na prinsesa."

"Magandang umaga sa 'yo Hilary." Bati sa akin ni Chase.

"Kanina pa kayo magkausap?" tanong ko kay Dorothea.

"Hindi naman po. Kadadating niya lamang po at hinahanap po kayo."

"Ganoon ba, Dorothea pakitapon na lang ito sa likuran." Kinuha naman niya ang kahon na pinaglagyan ko at iniwan na kami ni Dorothea.

"Anong sadya mo sa akin?"

"Pinapunta ako dito nang iyon ina. Kumustahin ko raw ang mahal na hari at pati ikaw?" Nakakarating kaya sa kanila ang ginawa ng reyna sa organisasyon panbayan.

"Maayos naman ako, ngunit si ama kailangan pa rin magpagaling."

"Dumating doon ang balita na ang mahal na reyna na ang namumumo sa organisasyon at nabalitaan namin na pinaalis niya ang mga ibang opisyal at paalisin din ang mga dukha." Sabi na nga ba nakarating sa kanila.

"Chase si ama ang nagdesisyon na ang reyna ang pumalit sa kaniya. Wala naman akong magagawa."

"Gusto mo ba nang tulong?" umiling ako sa kaniya.

"Pakisabi kay ina huwag niya na kami intindihin. Kaya ko solusyunan ang problemang ito. Bilang prinsesa gusto ko ako mismo ang lulutas nang lahat nang ito. Kapag hindi ko na kaya doon na lang ako hihingi nang tulong sa inyo."

"Sige, sana ay maayos na ang lahat." Sumang ayon naman ako kay Chase.

"Mahal na prinsesa,"sabay kami napatingin ni Chase kay Esperago Easton.

Mabuti naman nandito na siya sa palasyo. Ilan araw ko rin siya hindi nakita.

"Bakit ngayon ka lang?" paglapit ko sa kaniya.

"May kailangan ka makita, sumama ka sa akin." Nagkatinginan kami ni Chase at nagpaalam na ako sa kaniya.

Hindi na ako nagpasama kay Dorothea dahil inaya siya ni Chase mamasyal. Alam ko naman may pagkagusto ang aking pinsan kay Dorothea ayoko naman iyon hadlangan. Lumakad kami ni Esperago Easton papuntang bayan at nagtaka ako nang makita na maraming tao at mukhang nagkakagulo.

"Iyan mga iyan nakikita mo mga dukha na ipapaalis nang mahal na reyna sa ating lugar. Pinagkukuha sila kanina at balak na ipatapon sa labas nang Hagerdon. Bukod doon bukas na bukas din magsisimula ang mahal na reyna maningil nang buwis sa mga mahaharlika." Salaysay niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa nang reyna. Kung ipapatapon sila sa labas nang Hagerdon paano na ang tirahan, trabaho at pagkain nila. Napakasama talaga niya wala siyang naiidulot na maganda.

"Paumanhin kung ngayon lamang ako nagpakita. Gumagawa kami nang paraan ni Castro upang baliktarin ang mahal na reyna at mapaalis ito sa kaniyang pwesto."

"Samahan mo ako sa organisasyon. Kailangan ko makausap ang reyna." Subalit pinigilan niya ako.

"Hindi maari, alam mo naman ang ugali niya."

"Matagal ko nang alam. Kung wala akong gagawin magiging kawawa ang mga iyan. Prinsesa ako kailangan ko gumawa nang hakbang."

"Alam ko. Ngunit, delikado paano kung mapahiya ka lamang? Isipin mo naroon ang ibang opisyal handa ka na ba magpakita sa kanila bilang prinsesa?" napabuga ako nang hangin at nakaramdam ako nang inis. "Kumalma ka, alam kong nahihirapan ka. Kung susugurin mo siya agad baka masira ang plano mo, ang magiging plano natin."

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now