Chapter 17

740 33 2
                                    

Paumanhin ama at ina, kailangan kong iligas si Chryses. Kaibigan ko siya at ayoko na mapahamak siya.

"Sasama na ako, parang awa niyo na pakawalan niyo na si Chryses," mahinang kong tugon.

Nanghihina na kase ako lalo na't kumakalat na sa akin ang lason dahil nadaplisan ako ng pana.

"Hindi," naguguluhan na sabi ni Prinsipe Levi.

"Mag-isip ka naman, masama ang pakiramdan ng kapatid mo. Siya ang piliin mo," inis kong usal sa kaniya.

"Paano ka? Kukunin ka nila. Alam kong dadalhin ka nila sa Fort Duckula ikukulong pahihirapan at papatayin."

"Huwag mo kong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko isipin mo ang kapatid mo."

"Dami niyon dada pakawalan niyo na iyan," sabi nong lalaki at pinakawalan si Chryses.

Agad sinalo ito nina Prinsipe Levi at Kreios.

Si Dorothea naman ay tumabi sa akin. Bigla na lang ako napaupo dahil nahihilo ako. Nahawakan naman ako ni Dorothea upang alalayan.

"Anong kailangan niyo sa kanya?" rinig kong tanong ni Prinsipe Jv.

"Huwag ka ng makielam usapan ay usapan."

Nagsuntukan ang dalawa hanggang nakidamay na si Prinsipe Levi at Prinsipe kreios at iilan tauhan sa Dark Castle.

"Si C-chryses puntahan mo siya," sabi ko kay Dorothea. Inilipag kase siya nina Prinsipe Levi sa isang gilid at wala pa rin malay.

"Paano po kayo?" tanong niya.

"A-ayos lamang ako, sige na." Tinulak ko si Dorothea upang puntahan niya si Chryses.

Tumayo ako ng dahan dahan at biglang napasigaw ng may pumalo kay Prinsipe Jv sa kanyang likuran. Napaupo siya at hinawakan ang likod. Naglibot ako at nakahanap ng isang tart, isang matulis na bagay na may lason din kapag nadaplisan ka o natamaan maaari mo iyon ikamatay, kapag hindi agad naagapan. Kinuha ko iyon at tinutok sa pinunong kaaway ni Prinsipe Jv kanina.

"TITIGIL KA O PAPATAYIN KITA?"

Huminto ang lahat at lahat sila ay nakatuon sa akin. Alam kong wala akong lakas upang magmayabang subalit eto lang ang naiisip kong paraan upang tumigil sila.

"Tsk, sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo. Patayin mo ako kung kaya mo," wika ng pinuno.

Nanginginig ang kamay ko at nanlalabo na rin ang paningin. Sinugod niya ako at itatama ko na sana ang tart sa kanya subalit may umagaw non at siya na mismo ang tumusok sa lalaking iyon. Nabitawan niya ang tart at nalaglag ito sa sahig. Hawak hawak nong lalaki ang tiyan niyan natamaan at napaupo pa dahil malalim ang pagkakatusok doon. Anuman oras maaari niya iyon ikamatay.

Tumingin ako kay Prinsipe Jv na nasa harapan ko. Bakit niya ginawa iyon? Magsasalita sana ako ngunit nakaramdam ako ng hilo at nanhina ang aking tuhod. Naramdaman kong may sumalo sa akin.

"Hindi ka maaaring mamatay." Bulong niya sa tenga ko bago ako tuluyan mawalan ng malay.

*****

Pagkamulat ko ng aking mga mata nasa kuwarto na ako. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na araw.
Napahawak ako sa braso ko na mahapdi at masakit. Unti unti akong bumangon at nagulat pa ako ng makita si Dorothea na nakatayo at nakangiti sa akin.

"Mabuti naman po at nagkamalay na po kayo. Masyado po ako nag-aalala sa inyo," naiiyak niyan sambit.

"A-ano ka ba, ayos lang ako. Iyon parati ang sinasabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Sandali, paano nga pala ako nakabalik dito? Anong nangyari sa palasyo nina Prinsipe Levi?"

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now