Chapter 46

495 27 0
                                    

"Wala akong inagaw sa umpisa pa lang. Hindi ko instensyon na sirain ang pagmamahalan niyo ni Prinsipe Jv subalit huwag na tayo maglokohan, wala naman talaga namamagitan sa inyo."

"Tsk, sinasabi mo lang 'yan kase naiinggit ka talaga. Walang sinoman ang lumalapit sa 'yo baka nga inakit mo lang siya at binilog ang ulo kaya ikaw ang pinili niya. Pero hindi ako makakapayag na maging masaya kayo." Nanlilisik ang mata niya sa sobrang galit. Hindi ko naman siya masisi. Balang araw alam kong matatanggap niya rin ito. umuntong hininga ako at nagsalita muli.

"Ayoko na patagalin ito. Tutulungan kayo ni Dorothea na mag ayos ng gamit ninyo. Hindi namin kayo sasaktan." Sabi ko kay Maddie.

"Hindi kami aalis, walang aalis samin. Kayo dapat ang umalis mga hampas lupa." Wika ng reyna at unti unting tumatayo. "Hindi rin ako makakapayag na manalo ka sa akin." Inagaw niya kay Hermios ang isang armas at mabuti na lang hinila ako agad ni Esperago Easton. Itinago niya ako sa likuran niya.

"Ako muna ang makakalaban mo bago ang prinsesa." Wika niya.

"Tsk, magpapatayan tayo rito. Hermios ilabas muna ang pain natin." Nawala bigla si Hermios at ako naman ang nagulat na hila hila niya si ama. Halos hindi na ito makalakad sa sobrang pangangayat at pamumutla ng katawan niya. Gusto ko siyang lapitan subalit mahigpit ako hinawakan ni Prinsipe Jv.

"Akala mo ba Hilary papayag na lang kami ng ganon ganon na lang. Puwes, kung mapapaalis kami sa palasyong ito gagawin kong miserable ang buhay mo." Sabi ng reyna na ikinatakot ko.

"Hindi. Huwag niyo siya gagalawin." Pakiusap ko.

Nilapitan ng reyna si ama at itinutok sa kanya ang armas na hawak nito. Hindi maaari, ayokong mamatay si ama lalo na sa mga kamay niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyayari iyon.

"Magdesisyon ka Hilary mabubuhay ang iyong ama subalit hindi kami aalis ni Maddie rito o papayag kaming umalis ngunit papatayin ko muna ang mahal mong ama. Sabagay sa una pa lang naman hindi ko naman siya minahal. Gusto ko talaga siyang mawala para ako ang maghari sa buong Hagerdon. Kaso, masyado kang pakielemera sana pala tinapos na rin kita sa umpisa pa lang. Kasama ng magaling mong ina."

Bumitiw ako kay Prinsipe Jv at agad na napaluhod sa harapan ng reyna. Kung meron man akong kahinaan iyong ay si ama. Gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit na itaya ko pa ang buhay ko.

"Pakiusap, huwag mo itutuloy ang plano mo. Pumapayag akong .......hindi na kayo paalisin sa palasyong ito." Sabi ko kahit mahirap sa kaloon looban ko.

Isang ngiti ang ipinakita niya at ibinaba ang armas na hawak niya. Umupo ito upang mapantayan ako.

"Duwag ka pala Hilary." Sa kanyang pagkatalikod ay may hindi inaasahan pangyayari. Isang pana ang tumama sa likuran ng reyna at nasundan pa ito ng dalawang pana. Napahawak ako sa bibig ko at pati si Maddie, at Hermios ay nagulat din. Umatras ako at sa aking pagkakatayo at pagtalikod ay may isang bagay din akong naramdaman.

Bumaba ang tingin ko sa bewang ko na may nakatusok din na pana. Umagos ang dugo at dahan dahan ako lumingon, nakahandusay ang reyna na nakatingin ang mga mata sa akin. Si Maddie na nakatayo sa di kalayuan sa akin at siya ang taong pumana sa akin. Bumagsak ako sa sahig subalit nasalo naman ako ni Prinsipe Jv.

"Tsk, huwag kang pipikit. Kayanin mo,"

Naglabas siya ng isang tela at iyon ang pinangtakip niya sa bewang ko. Dumaing ako sa sakit na hilahin niya iyon ng mabilisan. Habol ko na ang hininga ko at sinunod ang sinabi niya na hindi ako maaring pumikit.

"R-reyna Canberra?" rinig namin sabi ni Maddie.

Pumasok si ina at sinulyapan ako bago harapin si Maddie na akala mo nakakita ng multo. Parte siya ng plano namin. Dahil matagal na siyang nagtatago ito na rin ang oras upang makilala siyang muli at linisin ang pangalan niya.

"Ako nga Maddie, buhay na buhay at kahit kelan ay hindi namatay."

"P-paano?"

"Ang iyong ina ang tunay na may kasalanan gusto ko maging klaro ang lahat. Siya ang tunay na kumuha ng Cresent Crown sa Hagerdon Place kaya lang niya ako napagbigtangan dahil nandoon din ako ng mga oras na iyon. Nagprotesta ako, nagpaliwanag ako ngunit hindi iyon naging sapat. Gumawa ng mga ebidensya ang iyong ina at napaniwala nga ang mga opisyal na ako ang kumuha ng bagay na iyon. Pumayag na lang ako dahil wala rin naman ako magagawa. Ang iyong ina rin ang dahilan kung bakit namatay ang hari ng Dark Castle. Napaniwala si Reyna Uria na may namamagitan nga samin ng asawa niya pati ang asawa ko ay napaniwala rin kaya sumugod si Laurent sa Dark Castle para kausapin ang hari subalit napunta sa kaguluhan. Hindi totoo na pinatay ni Laurent ang hari ng Dark Castle ang totoo nakapatay ay si Pinunong Hermios."

Ibig sabihin totoo talaga ang kuwento ng reynang iyon pero kung alam niyan si Pinunong Hermios ang nakapatay bakit kailangan kunin pa ako at balak patayin. Ano ba talaga ang katotohanan.

"H-hindi," iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ni Maddie kung sabagay nakakabigla nga naman ang lahat. Bumagsak siya at napahikbi na lang.

"Ang tanging hiling namin ay kapayapaan sa lahat. Kabayaran sa mga kasalanan at katahimikan para sa ating mga buhay. Alam kong nakakagulat at biglaan ang nangyari subalit ito na ang oras para bawiin ang lahat. Gusto ko humingi ng paumanhin Maddie dahil alam kong hangad mo lamang ang magandang paraiso at makakain ng masasarap para sa inyong dalawa. Ngunit maaari naman iyong itama kung gugustuhin mo. Paumahin din kung kinailangan ko saktan ang iyong ina malaki na ang gusot na ginawa niya at hindi rin tama na idamay pa niya ang buong Hagerdon." Salaysay ni ina.

"S-sinungaling, lahat kayo ang tingin niyo sa amin ay masama. Sige, aalis kami ng kusa nakikiusap na lang ako huwag niyo na saktan pa si ina. Hayaan niyo na lang kami."

"Alam ko rin naman mahal mo siya subalit itama natin ang lahat. Huwag kang mag-aalala kung kakayanin mo magbago at makipagtulungan sa amin ay maluwag ka namin tatanggapin muli sa palasyong ito. Hindi nakakabuti sa iyo ang maiinggit at makaramdam ng galit kase kung iyan palagi ang ipapairal mo marami ang aayawan ka. Kailangan mo rin matuto sa mga pagkakamali ninyo para maging malaya na tayong muli."

Isang tingin ang ginawaran sa akin ni Maddie at sana nga naintindihan niya ang gustong ipahiwatig ni ina. Hindi naman ito para sa akin. Para 'to sa lahat.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now