Chapter 40

529 24 3
                                    

Bumilang ako ng tatlo at wala akong nararamdaman ni isa. Mula sa pagkapikit ng mga mata ko nag-iba ang ihip ng hangin. May mga boses na maiingay parang nagkakagulo. Biglang may humatak sa akin at sa akin pagmulat ay halos magkadikit na ang mukha namin.

Si Prinsipe Jv.

"Ayos ka lang?" sinipat niya ang buo kong katawan at nainis sa kanyang nasaksihan. Lumingon ako sa likuran ko at hindi lang si Jv ang nandito. Si Prinsipe Kreios, Carter, Isiro at Esperago Easton. Malaking ngiti ang ginawa ko. Sobrang saya ko pumunta sila rito para iligtas ako kahit na alam nilang mapapahamak din sila. Muli akong tumingin kay Jv at naglabas siya ng kutsilyo. Tinanggal niya ang tali sa kamay ko.

Nang tuluyan maialis iyon hinawakan niya ang kamay ko. Pulang pula at bakat na bakat ang tali na ilan araw kong ininda. Nagtama ang mga mata namin at niyakap niya ako na ikinagulat ko.

"Ito na huli na gagawin nila ito sa iyo. Walang sinoman ang mananakit sa iyo. Paumahin ngayon lang kami dumating."

Bumaba na kami at habang abala sa pakikipaglaban ang mga kawal kina Isiro. Humarang ang reyna sa daanan namin. Itinago naman ako ni Jv sa likuran niya.

"Mga hampas lupa. Sinira niyo ang plano ko. Humanda kayo ipapahanap ko kayo at papatayin." Galit na galit na usal niya.

"Itigil na ninyo ito, dito na rin naman kayo matatapos." Wika naman ni Jv.

"Kayo ang uunahin ko." Naglabas ito ng tart at mabilis ang naging pangyayari. Itinulak ko bahagya si Jv para ako ang tamaan ng tart ngunit may isang pana ang tumama sa likuran ng reyna hindi lang isa kundi tatlo. Parang huminto ang paligid namin na unti unti itong bumuga ng dugo at unti unti rin bumagsak. Gulat man ako sa nangyari subalit wala naman na ako magagawa. Tumakbo papalapit si Levi sa kanyang Ina at pilit itong inalalayan.

"Ina," hagulgol niyan pagtawag sa reyna.

Dumako sa akin ang tingin ng reyna at may salitang binitawan na hindi ko inaasahan.

"P-pat-tawa-r-in m-o ako,"

"Ina!"

Tuluyan na itong nawalan ng hininga at hinila na ako ni Jv paalis. Si Chryses nasaan na kaya siya. Ang hirap isipin na ganun ganun lang mamatay ang ina nila ni Levi. Sino na ang mamumuno ng Dark Castle. Ang dami kong katanungan pero wala akong mahagilap na kasagutan.

*****

Isang linggo ang lumipas sa St. Jago pa rin ako nanatili. Nakausap ko na rin naman si Camila na tinakot daw siya ni Levi kaya siya umamin. Hindi naman ako galit sa kanya kung ako ang nasa lugar niya baka ganoon din ang gagawin ko. Si Isiro naman tuluyan na magiging parte ng Hagerdorn naayos na kase ang kaso niya at tinulungan siya ni Dorothea. Ang Dark Castle sa ngayon ay binabalot ng katahimikan. Binalita sa akin ni Esperago Easton na tumakas si Prinsipe Levi hinanap na nila ito sa buong Hagerdon ngunit wala talaga siya. Ang reyna naman ay nabigyan ng maayos na libing, iyon kase ang hiling ni Chryses at humingi na rin siya ng tawad sa akin dahil sa nagawa ng kuya at ina niya.

Ganoon naman ang mga tao kaya nakakagawa ng masama dahil sa mga bagay na hindi na malimutan o 'di kaya gusto lang nila makakuha ng hustisya.

"Ang lalim ng iniisip mo," turan sa'kin ni Esperago Easton.

"Akala ko ba hindi ka muna magpapakita? Hindi ba sinabihan kita na magtago ka muna baka mamaya makita ka ni Pinunong Hermios."

"Huwag kang mag-aalala ayos lang ako. Tsaka ayoko naman pabayaan ka, malaking responsibilidad kita."

"Tungkol pala kay opisyal Castro ano ang balita?"

"Unti na lang at makukuha muna muli ang Windsor. At para naman gumaling na tuluyan ang iyon ama. At para na rin maging masaya ka." Ginulo niya ang buhok ko, pinalo ko siya at natawa lang siya.

Behind The Mask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon