Chapter 19

628 35 0
                                    

Nagmadali kami ni Dorothea na mag-ayos ng aking gamit. Kailangan na namin makabalik agad sa Windsor dahil kailangan ko matingnan ang kalagayan ni ama. Binanggit ko kay Esperago Easton na sinalakay rin kami ng mga kalalakihan sa kaarawan ni Prinsipe Levi at ako ang pakay nila at ngayon ang Windsor naman. Sino ba talaga sila?

Sumakay ng kabayo si Dorothea at ako naman nakisakay kay Esperago Easton. Nagmadali kaming bumalik sa palasyong Windsor. Pagkapunta namin sa palasyo dali dali ako bumaba at pumasok sa loob, naabutan ko si Maddie na nasa labas ng kuwarto ni ama.

"Nandito ka na?" gulat niyan kita sa akin.

"Nasaan ang iyong ina?" tanong ko na ikinataka pa niya.

"Wala siya rito, umalis siya at  pinuntahan ang mga kasamahan ni ama sa Organisasyon Panbayan dahil pag-uusapan nila ang mga pagsalakay ng mga kalalakihan sa ating palasyo kani kanina lamang. Ikaw? Bakit ka nakabalik kaagad? Akala ko ba bukas pa ng umaga ang balik mo?" sabi nya at napatingin bigla kay Esperago Easton.

"Paumanhin po, kailangan niya po iyon malaman lalo na't tunay niyan ama ang hari," tugon naman ni Esperago Easton.

Napairap naman siya. "Sana hindi ka muna bumalik, nandito naman ako upang tingnan at alagaan si ama. Mukha kaseng nabitin ka sa iyong kasiyahan sa mga kamag-anak ng ina mo."

May balak ba siyang awayin na naman ako.

"Oo nagkakasiyahan kami doon ngunit bilang anak ng hari obligasyon ko tingnan at mag-aalala rin kay ama. Hindi lang naman ikaw ang anak niya, ay este pekeng anak ka nga lang pala. Sandali nga." Tinalikuran ko na siya at pumasok ako sa kuwarto ni ama.

Naabutan ko si ama na nakahiga at mukhang natutulog. Mabuti naman hindi malala ang nangyari sa kaniya. Ayos na ako ang masaktan kaysa siya na aking ama, lalo na hindi pa niya alam na buhay si ina.

Nawala ako sa pagtitig kay ama ng may biglang humawak ng braso ko at hinila ako paharap.

"Anong sinabi mo?" galit na sabi ni Maddie.

"Puwede ba, huwag na natin ito palakihin pa," wika ko.

"Oo sabihin natin na tunay kang anak. Pero sa tingin mo ba kailangan muna ipagmalaki sa akin iyan. Ni wala nga nakakilala sa iyo dahil tinatago ka at ayaw ka ipakilala ng iyong ama sa lahat ng tao. Kase iyong ina mo makasalanan kaya nga namatay siya hindi ba? Kaya wala kang karapatan na sagutin ako. Hindi lang ikaw ang orinsesa sa Windsor na ito, kung napalitan ng iyong ama ang iyong ina. Kaya ka rin niya ipagpalit at ako iyon," galit na galit na tugon pa niya.

Nagpumiglas ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Titiisin ko na lang ang sarili ko na saktan siya.

"Wala akong pake. Ayoko na makipagsumbatan at makipag-away sa tulad mo. Isipin muna kung ano ang gusto mong isipin basta para sa akin isa ka lang salot sa palasyong ito," sabi ko at akma na akong lalabas ng kuwarto nang hablutin niya ang buhok ko.

"A-arayy."

"Walangya ka."

"Prinsesa Hilary/Prinsesa Maddie."

Inawat kami nina Dorothea at Esperago Easton. Sinabunutan ko na rin siya at tinutulak palayo sa akin. Hanggang mapaghiwalay kami, hawak ako ni Esperago Easton siya naman hawak ni Dorothea. Nakiusyoso na ang mga iba pang tagapagsilbi sa amin.

"Ikaw ang salot kaya ka nga tinatago hindi ba? Kase kinkahiya ka ng iyong ama. Ako lang ang kinikilala niyan anak, epal ka lang sa pamilya namin sana sumunod ka na sa ina mong makasala-"

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil sinampal ko siya ng malakas. Ngayon niya lang makikita kung paano ako magalit kahit kasalanan ko pa o hindi.

Gulat na gulat siyang mapahawak sa pisnging sinampal ko. Hindi niya siguro akalain na kaya ko iyon gawin sa kanya.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now