Chapter 11

922 53 1
                                    

"S-saan ba tayo pupunta? May kasama kase ako si Dorothea, baka hanapin niya ako kung sakaling hindi ako babalik sa St. Jago Church agad," wika ko sa kaniya.

Binitiwan niya na ang kamay ko at gulat akong tinignan. "Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Hinila mo kase ako kaagad. Kaya nga tinatanong kita."

"Dapat sinabi mo pa rin, tsk."

Siya pa nagalit?

Magsasalita pa sana ako na mapagtanto ko na nasa Cheneley pala kami. Ibig sabihin dito niya ako dinala? Pero bakit?Nagtataka akong nakatingin kay Prinsipe Jv. Pero mas nagulat ako ng lumabas sa palasyo na iyon ang kanyang ama na si Haring Rennedy.

"Oh nandito ka na pala anak ko," bati niya kay Prinsipe Jv sabay tapik sa balikat nito. Subalit nagulat siya na makita niya ako. "Ikaw ang babaeng taga Bayan hindi ba? Iyon bagong tagapagsilbi sa Windsor?"

Patay naalala niya ako. Tumango na lang ako sa kanya.

"Bakit ganyan ang mga itsura ninyo? Bakit basang basa kayo?" tingin niya sa amin dalawa ni Prinsipe Jv.

"Uhm—"

"Ipakiasikaso na lang siya sa ating mga tagapagsilbi ama," putol ni Prinsipe Jv sa sasabihin ko at sabay iwan sa amin ni Haring Rennedy.

Magsasalita pa sana ako ngunit ngumiti lang siya sa akin kaya nagtaka ako sa ginawa niya.

"Dumito ka muna, mukhang lalakas pa ang ulan delikado sa iyo na umuwi ka sa Windsor lalo na't gabi na. Bukas ng umaga ka na lamang bumalik sa inyong palasyo mas ingat ka rito."

At ayun pinasikaso niya ako sa isang babae.

Kahit na ayaw ko man sa aking loob ngunit hindi ako makapagsalita o makapagprotesta. Dahil lagi nila ako inuunahan. Manghang mangha nga ako sa loob ng palasyo nila. Maraming larawan na nakaukit sa mga gilid, may mga bulaklak at mamahaling gamit. Napakalaki at maganda pagmasdan. Pinatuloy muna ako sa isang bakanteng kuwarto. Kasalukuyan akong naliligo dahil nabasa ako ng ulan at pagkatapos non nagbihis na ako. Umupo ako sa kama na hihigaan ko at pinagmasdan ang buong kuwarto.

Tumayo ako na bigla na may kumatok. Pagbukas ko iyong babaeng lang pala kanina, may dala siyang pagkain.

"Ako po si Linley, matagal na tagapagsilbi po sa palasyong ito. Nalaman ko sa mahal na hari na isa ka rin tagapagsilbi. Maswerte ka dahil pinatuloy ka rito. Napakabait talaga nilang mag-ama. Hinatidan nga pala kita ng pagkain marahil nagugutom ka na."

Nagpasalamat ako sa kaniya at kinuha ang pagkain hinatid niya.

"Kung sakaling may kailangan ka tawagin mo na lamang ako."

"May mga bagay akong gustong malaman sa pamilya ng Cheneley. Hindi naman ako usisera haha," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Ganoon ba." Napalingon siya sa paligid niya, nagtaka ako sa ginawa niya. "Kung ibig mong malaman. Handa naman akong magkuwento sa iyo. Marahil tulog na ang hari at si Prinsipe Jv. Didito muna ako sa iyong kuwarto."

Umupo kami sa kama na hihigaan ko. At pinakain muna niya ako bago siya magkuwento. Pagkatapos non nilagay niya na muna ang pinagkainan ko sa gilid ng kama dahil may maliit na lamesa roon. At tumabi na siya sa akin.

"Hindi ka pa ba inaantok? O masama ang iyong pakiramdam? Dahil nabasa ka ng ulan masama iyon sa ating katawan."

Umiling ako sa kanya. "Ayos lamang ako. Subalit may kasama kase ako kanina, isa rin tagapagsilbi ngunit hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon dahil hinatak ako ni Prinsipe Jv biglaan papunta rito."

"Kung ganoon nagkahiwalay pala kayo. Maaaring hinahanap ka na niya ngayon mahirap ata iyan. Kung gusto mo bukas na bukas din ng umaga bumalik ka sa inyong palasyo baka kase ngayon nandoon na iyon."

"Sige."

Tumayo siya at isinara ang bintana ng kuwarto. Hindi ko alam na bukas pala iyon. Kaya pala malamig.

"Alam mo ba sampung taon na akong naninilbihan sa kanila. At hindi ko iyon pinagsisihan dahil sadyang mababait ang mga tao rito. Bilang taga Bayan at simpleng tao natutuwa ako dahil may handang kumupkop o tanggapin ako kahit na isang tagapagsilbi man lang," panimula niya at umupo na sa aking tabi.

"Naalala ko pa noon na buo pa ang pamilya nina Prinsipe Jv nong nag-uumpisa pa lamang ako rito bilang tagapagsilbi nila. Ngunit makalipas ng tatlong taon na paninilbihan ko namatay na lang ang ina ni Prinsipe Jv. Pagkatapos ng nangyaring iyon, iyon na rin ang simula kung bakit tahimik na ngayon ang palasyo na ito. Si Prinsipe Jv ay gusto naisin sa buhay ay makasama muli ang kanyang ina subalit hindi na iyon mangyayari pa. Masaya ako dahil taimtim at mapayapa ang buhay nila ngayon. Walang ninoman nagtatankang manira sa kanilang pamilya," salaysay niya. "Kaya ikaw sana'y pahalagahan mo ang mga taong nasa paligid mo. Lalo na't din natin alam kung kailan na lang sila tatagal sa mundong ito," dagdag niya pa.

"Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo?" tanong ko sa kanya na bigla niyan ikinatawa.

"Haha gusto ko lang ikaw paalalahanin na ang buhay ay hindi panmatagalan. Ikaw paano ka napadpad sa Windsor?"

Tumahimik ako bigla kase naisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi sa kanya? Tiningnan ko siya ng maigi, naghihintay lang siya na magsalita ako.

"Ahmmm... huwag munang alamin masyado kaseng pribado, hehe."

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Sabagay hindi naman sa lahat ng oras puwede tayo maglahad ng ating kuwento sa ating buhay. Naiintindihan kita. Mukhang naabala na ata kita kaya iiwanan na kita upang  makapagpahinga." Tatayo na sana siya na hawakan ko siya sa kanyang braso upang pigilan.

"Maaari ko bang malaman kung umibig na ba ang prinsipe?" biglang tanong ko.

Nagtaka siya sa aking tanong ngunit umupo na lang siya ulit sa aking tabi.

"Simula nong isilang siya kailanman hindi pa siya nakakaranas ng pag-ibig. Maraming babae ang humahanga sa kanya. Bukod doon maganda rin ang ugali niya. Iyon nga lang hindi pa ata siya handa na magmahal."

Maganda ang ugali? Parang hindi naman.

"Ah ganoon ba."

Bigla siyang ngumiti sa akin pero kakaibang ngiti. "May pagtingin ka ba kay Prinsipe Jv?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya at sunod sunod akong umiling. Sabi na nga ba may iba siyang iniisip.

Tumawa siya. "Nakakatawa ka. Hayaan mo wala naman makakaalam. Sige na, magpahinga ka na at matulog. Maaga ka pa gigising upang makabalik sa Windsor." Tsaka siya lumabas nang kuwarto.

Wala naman ako sinabi na may pagtingin ako kay Prinsipe Jv. Mali siya nang inaakala.

*****

Kinaumagahan maaga ako nagising dahil kailangan ko na makabalik agad sa Windsor. Siguradong magagalit sa akin ang reyna. Paglabas ko sa  kuwarto saktong kalalabas lang din ni Prinsipe Jv sa kanyang kuwarto.

"Kumain ka na muna bago ka bumalik sa Windsor." Akmang lalagpasan niya na ako na magsalita ako.

"Bakit mo ako dinala rito?" biglang tanong ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko iyon malamang.

"Bakit hindi ka nalang magpasalamat? Tinulungan kita sa mga kalalakihan nais kang halayin. At pinadito muna kita ng isang gabi upang hindi ka mapahamak muli."

Mali ata ako ng narinig kagabi kay Linley. Saan banda ba siya mabait?

"Isa lamang ako tagapagsilbi ng Windsor kaya ano naman ang pake mo sa isang katulad ko upang bigyan mo pa ng oras upang tulungan," sabi ko.

Ngumisi ito at pinamulsa ang isa niyan kamay. "Alam mo kung sa iyo sundin mo na lang ang sinasabi ko. Huwag mo ako paniwalaan sa kasinungalingan." Tsaka siya naglakad palayo.

Alam na niya siguro na isa akong prinsesa. Pero bakit ayaw niyan sabihin sa akin. Hayyy, ang hirap talaga niya kausap.

Behind The Mask [COMPLETED]Where stories live. Discover now