Chapter One

13.6K 209 14
                                    

Napa nganga ako sa narinig mula sa tiyahin ko ng sabihin nyang nag balik na si señorita Iris at kaya pala kina-ilangan nya pa akong gisingin ng maaga ngayon sa sobrang abala ng lahat.

"Totoo ba tiyang?" Di parin ako maka paniwala, ang akala ko hindi na magkikipag balikan rito si señorita Rose.

"Trixie ano namang rason at mag sinungaling ako sayo? Bilisan mo dyan sa pagbabalat ng patatas kailangan na yan" Napakarami ko pang gustong malaman pero mukhang wala sa mood si tiyang na mag salita ngayon.

Natulala nalang ako at pumaloob nanaman sa napakarami kong pantasya. Sigurado akong napakaganda parin ng señorita kahit pa ilang taon narin ang lumipas. Na alala ko kung gaano kakintab ang mga mata nya na nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Sa napakarami kong nakilalang maganda lalo pa't natural na sa lahi ng mga amo ko ang pinagpala sa kagandahan. Si señorita Iris lang ang syang may kayang makapag pahinto ng mundo ko. Simula pa noong unang beses na nakita ko sya crush ko na sya.

"Trixie! Tignan mo yang binabalatan mo! Sayang kung dimo iaayos ang ginagawa mo" Sermon ni tiyang.

Bumuntong hininga ako, inayos ko ang ginagawa para maiwasan ng masabihan ulit. Talagang na ha-highblood sya kapag may pagdiriwang dito sa mansion lalo pa't palagi syang nagpapasikat sa mga amo namin.

Hinugasan ko ang mga patatas pagkatapos mag balat, hindi kopa natatapos na gawin iyon sunod sunod na ang mga utos na sinigaw ni tiyang sakin. Napa ngiwi ako dahil sa lahat ng kasambahay na kasama namin mas hilig nya na utusan ako.

"Sinabi ko ng ilabas mo na ito! Magigising na sina madame dapat na naka hain na ang mga pagkain. Ang batang ito talaga" Hindi na ako sumagot at tahimik nalang inilabas sa kusina ang umuusok na kanin sa bandehado.

Dahil sa medyo madilim pa tahimik pa ang dining room at alam kong maya maya parin magigising sina madame talagang dramatic lang si tiyang. Gusto nya rin kasing palagi akong tina taranta.

Inayos ko ang placemats sa mesa, habang abala sa paghahain ilang beses akong nag hikab. Ilang oras palang akong nakaka tulog sa dami ng kailangan kong review-hin para sa exam ngayon. Sana lang talaga may matandaan ako sa mga binasa ko kagabi.

Ilang beses akong nag pabalik-balik sa kusina hanggang sa tuluyan ng mag bukang liwayway. Bumati ako kay madame na ina ni señorita Rose na syang pinaka unang nagising, hindi nya ako napansin sa nakita kong checklist na binabasa nya.

Nag timpla kaagad ako ng gatas nya, ipinagbabawal na sir James ang kape para dito dahil sa mas lalo lang daw itong hina highblood. Napa ngiti ako ng ma alala kung gaano ka sweet ang lalaki sa asawa nito na parang kailan lang ng ikasal ang mga ito.

Nakaramdam ako ng inggit, sa bahay hindi ganoon palaging naka inom si Papa at madalas pa nitong saktan si mama. Kahit na minsan yata diko naringgan ng i love you's ang mga magulang ko. Ang madalas kong marinig sa kanila ay ang kaliwa't kanan na murahan. Doon sila di papatalo.

"Magandang umaga Trix. Anong almusal?" Malaki akong napangiti ng makita si señorita Jade, pinsan sya ni señorita Rose.

"Magandang umaga rin po. May kaluluto na po yatang shanghai, gusto nyo bang dalhan ko kayo?" Isa sa mga paborito nya ay ang shanghai ni tiyang.

"Wag na, punta nalang ako doon. Makikihiwa nako" Kahit pa may asawa na sya mas madalas parin sya rito kaysa sa ibang lugar.

Natuwa ako sa narinig dahil kapag may kaharap na Legazpi ang tiyahin ko nag-iiba ang ugali nya. Di nya ako mina madali at sinisigawan kaya't mas gusto ko na palaging nakikigulo samin si señorita Jade.

Mag kasabay na kaming pumasok sa kusina at nakipag kwentuhan sakin ang señorita, madalas nya akong tanungin tungkol sa pag aaral ko. Ang pamilya nila ang syang rason kung bakit ako nakakapag aral sa prestihiyosong paaralan.

Devilishly Gorgeous (wlw)Where stories live. Discover now